Bianca Manalo: "Kung ano yung uso ngayon, 'yon ang aking fashion style."

IMAGE 0


Ayon kay Bianca, madalas ay sumusunod siya sa uso o sa trend pagdating sa kanyang fashion style.


Bilang isang model at beauty queen, madalas na nakikita natin ang Binibing Pilipinas-Universe 2009 na si Bianca Manalo na laging ayos at nakaporma.

Sa fashion show ng Lee sa SM Mall of Asia Atrium noong Sabado, Oktubre 30, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Bianca tungkol sa kanyang fashion style.

Ayon sa stunner na beauty queen, "Kung ano yung uso ngayon, 'yon ang aking fashion style."

Sa ngayon daw ay nahihilig siya sa mga high-waist skirts at mga naka-tuck-in na mga damit.

Nang tanungin siya ng PEP kung meron siyang tinitignan bilang kanyang fashion icon.

Natigilan si Bianca para mag-isip pero wala siyang nabanggit in particular, "Wala, wala talaga ako maisip."

"Pero kasi mahilig akong magtingin sa magazines na kung ano 'yung uso," dagdag niya.

Bilang isang modelo, nasanay na din si Bianca na dalhin ang iba't ibang klase ng porma. Ito na rin ang naging dahilan kung kaya't ang kanyang fashion sense ay dumedepende sa mood niya.

"Wala, kasi kung ano yung naisip ko na suotin, yun talaga ang susuotin ko," aniya.

May nagbago ba sa kanyang pananamit simula nang manalo siya sa Binibining Pilipinas noong nakaraang taon?

"Wala, kasi from the very beginning, since nagmo-model ako, gano'n na talaga ako manamit," ang mabilis na sambit ni Bianca.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN