Fanny Serrano relives Megastar's trip to Zurich and Monte Carlo

IMAGE 0


Fanny Serrano sent PEP (Philippine Entertainment Portal) some photos of his trip with Sharon Cuneta's entourage for her two European concerts. For this photo, he wrote, "Our first day, first hour, first kodakan at FAIRMONT hotel MONTE CARLO, MONACO. We're about to take our breakfast at the mala-deck design of the coffee shop, as in para talaga kaming nasa cruise." (L-R): Comedienne Ai-Ai de las Alas, Mega's hairstylist Peachy Mariano, TF, Sharon Cuneta, Lou


Kasama si Fanny Serrano sa entourage ni Sharon Cuneta, na umalis ng bansa noong September 15 to 22, 2010 para sa kanyang two-city European concert tour sa Zurich, Switzerland at Monte Carlo, Monaco.

Ang iba pang kabilang sa grupo ay ang komedyanang si Ai-Ai de las Alas, ang composer/arranger na si Louie Ocampo, ang talent manager ni Shawie na si Sandra Chavez, ang kanyang "Tres Marias" staff na sina Penny Diamzon, Peachy Mariano, and Anna Dasig, at ang bodyguard na si Nelson.

MEGASTAR'S FANS IN ZURICH. Noong September 18 at 19 naganap ang mga shows sa Sch├╝tzenhaus Albis Gutli sa Zurich.

"It's an old 1850's castle on top of a hill na ginawa nang venue for entertainment sa Zurich," paglalarawan ni TF (ang kilalang palayaw ng makeup artist) sa venue.

Samantala, ang meet-and-greet with the Megastar ay naganap bago ang araw ng show sa five-star hotel na Swiss├┤tel, kung saan nanatili ang grupo. Isang malaking bagay para sa mga fans na makita ang kanilang idolo kaya't hinarap nila ang Kapamilya star nang bihis na bihis.

"Nakakatuwa talaga ang mga Pinoy sa Zurich. Ramdam na ramdam namin ang excitement nila na makita, makasabay kumain, makausap at makipag-kodakan sa kanila si Sharon. Meron pa nga na naiiyak sa tuwa dahil sa hindi nila inaasahan na sweetness at pagka-game ni Sharon na makihalubilo sa kanila nang mahabang oras," kuwento pa ni TF.

Ang Swiss couple na sina Hugo and Chato Risi ang nag-produce ng show, kung saan kinanta ni Sharon ang kanyang mga classic hits kasama si Louie Ocampo sa piano.

SHARON'S SONGS. Kabilang sa repertoire ng host-actress ay ang "Maging Sino Ka Man," "Kahit Konting Pagtingin," "Kahapon Lamang," "Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko," at "To Love Again."

Nagkaroon din daw siya, ayon kay Fanny, ng number na tinaguriang "teen's medley." Ito'y ang "mga early songs ni Sharon noong teen-ager pa lang siya, kasama na ang classic na 'Mr. DJ,' na binigyan nila ni Louie Ocampo ng modern touch."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pumili ring siya ng ilan sa mga sikat na awitin ni Barry Manilow, at siyempre, kinanta rin ng Megastar ang kanyang mga popular Willy Cruz songs gaya ng "Pangarap Na Bituin," "Bituing Walang Ningning" at ang "Sana'y Wala Nang Wakas," na siyang naging finale.

Isa pang bagay na nagustuhan ng viewers ay ang pagkukuwento ni Sharon.

Dagdag ni Fanny, "Ayaw pakawalan ng mga tao si Sharon after her songs. Si Sharon lang kasi ang nag-iisang performer na nakasama ko na walang memorized spiels. Galing talaga sa puso niya ang pakikipag-usap sa mga tao. Kaya nga, feel na feel din siya ng mga yun, na mga lumuluhang nakangiti sa panonood."

AI-AI'S RIOTOUS ACT. Si Ai-Ai ang "pang-kiliti" sa audience.

Kuwento pa ni Fanny, "Riot ang duet nilang dalawa ng mga hit songs ng ating jukebox queens, ang classic medley na sinasabayan din naman ng audience gaya ng "Tukso" [ni Eva Eugenio], "Isang Linggong Pag-Ibig" [ni Imelda Papin]."

Bukod pa rito, nagkaroon din daw ang komedyana ng "matinding" spot number featuring the songs of Aegis: "Luha," "Basang-Basa Sa Ulan," at "Sinta."

At siyempre, hindi raw nawala ang brand of stand-up comedy ni Ai-Ai. "Ang hinihintay ng lahat, ang bonggang-bonggang pakikipagbalahura ni Ai-Ai sa kanila, na idinamay pa ang mga asawa nilang Swisso," sabi ng indie film actor na nagbida sa Tarima.

INTIMATE CONCERT IN MONTE CARLO. Exclusive para sa 500 katao ang naging show ni Sharon sa Auditorium Rainier III. Ito ay inorganisa ng opisina ni Madam Patricia Zobel de Ayala, na siyang honorary consulng Pilipinas sa Monaco.


Paglalahad ni TF, na isa ring successful entrepreneur, "Sa bonggang-bonggang Fairmont Hotel naman kami nag-stay after an eight-hour drive from Zurich. Ito ang sinasabing balwarte ni Prince Albert Grimaldi."

Si Prince Albert, na nagsimula ang kanyang reign noong April 6, 2005, ang successor ng yumao niyang ama na si Prince Rainier III. Anak din siya ng dating Hollywood star turned Princess na si Grace Kelly.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Sa pagpapatuloy ng kuwento ni TF, "Sharon's concert was a private event, exclusive sa mga Filipino staff and their families working for our Philippine Consulate in Monaco. Si Sharon ang gift sa kanila ni Madam Patsy. Bongga!

"Nung una, akala ni Sharon, walang manonood. Bakit daw kokonti ang tao? Then, we were told, yun nga kasi, exclusive ang event para sa mga Pinoy staff ng consulate. Kaya naging masaya rin ang show, na very intimate, sa Rainier Auditorium."

At siyempre, pagkatapos ng concert, nagkaroon ang grupo ng oras oara mamasyal.

Noong September 20, they were treated to lunch sa isang authentic Italian restaurant, ang L'Hippocampe, na pag-aari ng French and Filipina couple na sina Christian and Sarah Adrian Teyssier.

"Ang ganda ng view. At sobrang yummy ng food!" bulalas ni TF. "Mula sa kinaroroonan namin, makikita mo na ang Italy!

"Then we went to the grand Grimaldi Palace of Monaco. Grandiosa! I almost cried nang pasukin namin ang bonggang church na pinagkasalan nina Princess Grace Kelly at Prince Rainier, na yun din ang pinaglibingan sa kanila.

"Hindi ko nga ma-imagine na, even in my wildest dreams, ay mapapasok ko ang palasyong 'yon, na sa mga libro ko lang noon nababasa," sabi pa ni Fanny, na lubos ang kagalakan habang nagkukuwento.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN