"I'm the happiest person in the world!"—Mariel Rodriguez on being married to Robin Padilla

IMAGE 0


"I am really happy because now we can walk freely. We can hold hands... It's so liberating," Mariel Rodriguez said after she and Robin Padilla announced their August-19 marriage in India.


"Yes, we've been married for one month!"

Ito ang masayang kumpirmasyon ng TV celebrity na si Mariel Rodriguez, 26, sa usap-usapan ng pagpapakasal niya sa action star na si Robin Padilla, 42.

Ilang sandali matapos ang deklarasyon ni Robin sa nightly news ng ABS-CBN News Channel na World Tonight, kagabi, Setyembre 21, nagpaunlak naman ng phone interview si Mariel sa daily entertainment show na SNN. (CLICK HERE to read related article)

Sa panayam, sinabi niya, " We got married August 19 in India. Sa Taj Mahal! There's a mosque in Taj Mahal."

Ang Taj Mahal ay nasa siyudad ng Agra sa India. Ikinasal sila sa wedding ceremony na tinatawag na mga Muslim na "nikah."

Ayon kay Mariel, ang kanyang kapatid na babaeng si Kaye ang unang nakaalam. At ang reaksiyon umano ng huli ay, "She said congratulations, best wishes, and she said to buy her lamps."

Nagkuwento si Mariel sa host ng show, at manager din niya, na si Boy Abunda tungkol sa kanyang naramdaman habang ikinakasal.

Ayon kay Mariel, "We were just really...Mixed emotions, Tito Boy. I couldn't believe that I was really there. Robin and I had been wanting to go to Taj Mahal, and it was actually a subtle dream to get married there, so we couldn't believe that it was actually happening, as in happening talaga."

Sa relasyong ito, matatandaan na si Robin ang Muslim samantalang si Mariel ay nananatiling Katoliko. Tinanong siya ni Boy kung magkakaroon din ba sila ng kasal sa simbahang Katoliko.

Ayon kay Mariel, "Yes. We are going to invite everyone in the Catholic blessing. That's why we're always saying na when the time comes, we are going to talk."

Ayon kay Mariel, naging abala lamang daw sila nitong mga nakaraang araw kaya hindi sila nakapagsalita tungkol sa kasal.

Isa raw sa kanilang pinagkaabalahan ay ang pagbalik ng bunsong anak ni Robin na si Ali sa kanyang ina at unang asawa ng aktor na si Liezl Sicangco—na kasalukyang nakabase sa Australia—noong Lunes, Setyembre 20.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Mariel, "Kasi, di ba, the reason why we came back from India was because we had to fix stuff with Ali. And since Ali left yesterday, ngayon puwede nang mapag-usapan. Puwede nang i-clarify, kasi from the time na we went back to yesterday, it was all about Ali. Now, puwede nang pagplanuhan kung ano ang mga gagawin pagkatapos."

Sa pagtatapos ng phone interview, tinanong ni Boy ang alaga kung masaya siya.

Ayon kay Mariel, "Tito Boy, ako ang pinakamasayang tao sa buong mundo ngayon!"


Matapos ang isa pang gap ng SNN, inulit ni Mariel, "I'm the happiest person in the world!"

"AKO NA ANG PINAKAMASAYA AT PINAKAMAYABANG NA LALAKI." Matapos ang isang commercial gap, lumabas naman bilang live guests ng SNN ang bagong celebrity "couple" na sina Mariel at Robin.

Bago sila interbyuhin, tinukoy ni Robin ang mga naunang balita tungkol sa kanila ni Mariel.

Ayon kay Robin, "Bago ang lahat, Tito Boy, kanina pa ho ako humihingi ng pasensya po sa nangyaring 'tanan.' Sorry po, sorry po."

Humingi rin si Robin ng dispensa sa mga kamag-anak ni Mariel—lalo na ang mga magulang, ang lolo at lola niya—dahil hindi raw nila agad naipaalam ang nangyaring kasalan.

Ayon kay Robin, "Hindi lang po kasi namin napakawalan 'yong romantic moment."

Bilang pagpapatuloy, sinabi ni Robin ang kanyang naramdaman matapos maipahayag sa publiko ang pagpapakasal nila ni Mariel.

Ayon kay Robin, "Siguro naman, lahat ng mga lalaki, kapag ganito kaganda ang babaeng makakasama mo hanggang sa natitirang buhay, ako na po siguro ang pinakamaligaya at pinakamayabang na lalaki. Sa tuwing maglalakad kaming dalawa, taas noo ako palagi dahil sa kanyang ganda."

Sinusugan naman ito ni Mariel. Para sa kanya, "liberating" daw ang nangyaring paglalantad nila ng detalye ng kanilang "kasal" sa India.

Ayon kay Mariel, "I am really happy because now we can walk freely. We can hold hands. Kasi, for so long, parang feeling ko, hindi namin maipakita talaga just how much we love each other."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Mariel, na nakangisi, "Now, it's out in the open, we can hold... but we do naman talaga, hold hands in the mall, watch a movie. It's so liberating!"

Ayon kay Mariel, "Tito Boy, ako, I'm just really so blessed to have Robin in my life. I feel like crying. I feel so blessed.

"In all aspects, he's the biggest na nakuha ko. Lagi kong sinasabi na I'm sure, siguro somewhere, I did something right to deserve this blessing."

Pagkatapos nito, tinanong ng isa pang SNN host na si Bianca Gonzales, na dating co-host ni Mariel sa E-Live at Pinoy Big Brother, "Plinano niyo ba, Robin, na itong interbyu na ito, itong araw na ito, saka ko sasabihin, o parang bigla na lang bang nangyari?"

Ang comeback ni Mariel, "Bianca, mukha bang nakaplano ang interbyu na ito?"

Sa kabilang banda, nagpaliwanag naman si Robin.

Ayon kay Robin, "Ang katotohanan po niyan, 'yong pong kasalan na naganap sa India ay para lamang sa aming dalawa ni Mariel. Wala po kaming plano na isiwalat ito."

Ayon kay Robin, "Ang tunay po sana na panahon na malalaman naman nating lahat, malalaman ng ating mga kababayan, yong mangyayaring... Kasi po, ang daming hindi nangyari dahil sa biglaan ito. Hindi ko nagawa 'yong magpunta sa magulang niya. Hindi ko nagawa 'yong kay lolo at lola [ni Mariel]."

Ayon kay Robin, "Kasi, nakaplano kami na ngayon pa lang sana mangyayari 'yon dahil kaaalis ni Ali. Noon pong galing kami sa India, ang prayoridad namin ay 'yong bata."

Ayon kay Robin, "Dahil hindi naman po magaan. Bagamat nanay ni Ali ang kanyang pupuntahan, kustodiya ito, e, usapin ng kustodiya."

Ayon kay Robin, "Kaya ako, nagpapasalamat ako kay Mariel dahil sa panahon na iyon na dapat kami po ay nasa honeymoon period, nag-aalaga siya ng bata. Noong panahon na dapat ay umaatikabong pag-ibig, siya po ay nag-aalaga ng dalawang bata." Ang tinutukoy niya malamang ay si Ali at ang ate nitong si Kylie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, ipinagtanggol naman ni Robin ang kanyang bagong asawa sa mga negative impression sa pamamagitan ng paglalarawan ng mga katangian ni Mariel na nagustuhan niya.

Ayon kay Robin, "Kasi po, si Mariel ay napaka-sweet. Maaaring sa mga kaibigan niya, bago 'yong maririnig ninyo, wala pong oras na malungkot kapag kasama ko si Mariel."

Ayon kay Robin, "At sa oras na lagi akong... Tahimik kasi ako, Tito Boy, hindi siya pumapayag no'n. Lagi akong masaya, lagi akong nakangiti."

Ayon kay Robin, "Maasikaso po si Mariel. Akala natin, nakikita natin, para siyang sosyal na babae, hindi po. Siya po, tratratuhin ka niya talaga na, 'Ikaw ang hari ko. Ikaw lang, wala nang iba.'"

ANO ANG SUSUNOD NA KABANATA? Ito marahil ang katanungan ng publiko tungkol sa pag-iibigan nina Robin at Mariel.

Nauna nang ipahayag ni Robin sa World Tonight na isang beses lamang sila nagpakasal.

At taliwas man ito sa patuloy na pinaninindigan ni Jimmy Ong, ang tribal priest na nagkasal sa kanila sa Baguio, sinabi ni Robin na pawang walang katotohanan ang seremonyas ng pagpapakasal nila sa tribu ng Ibaloi.

Ayon pa kay Robin sa World Tonight patungkol sa kasal nila sa India, "'Yan po ang naganap at hindi naman pupuwedeng kulitin natin ang Panginoong Diyos na magpakasal kami nang paulit-ulit. Isang beses lang po ang kasal."

Ayon kay Robin sa SNN naman, ang kasunod nito ay maaring magpakasal sila ni Mariel sa simbahang Katoliko.

Ayon kay Robin, "Kung gusto ng maraming mga kababayan natin, magaganap po iyon. Paplanuhin po namin ang tinatawag naming... Kasi po, Catholic po si Mariel, 'tapos na po kasi 'yong Muslim wedding."

Sa usapin naman ng kanilang karera sa showbiz, si Boy Abunda ang nagsabi sa TV audience na ang pagpapakasal nina Robin at Mariel ay hindi nangangahulugan ng paghinto nila bilang artista.

Ayon kay Robin, nakalinya na nga ang pelikulang gagawin nila ni Mariel sa India.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Robin, "Ngayon po, ang talagang unang gusto kong gawin ay 'yong pelikula. Matagal na po iyan na may gusto akong [gawin] for Star Cinema. Nagkasundo na po kami. Ito pong nalalapit na pagtatapos ng September, kami ay tutulak na sa India."

Siniguro naman ni Mariel na magiging masaya ang mga susunod na araw para sa kanilang mag-asawa.

Ayon kay Mariel, "It's a new beginning!"

STAR CINEMA LINEUP. Binalikan ng PEP ang Star Cinema upang klaruhin ang sinabi ni Robin na may minamadali itong pelikula para sa film outfit ng ABS-CBN.

Sa nauna nang pananaliksik ng PEP, noong September 19, nagpasabi ang Star Cinema na wala silang pelikula with Robin.

Baka naman may pagbabago sa loob ng tatlong araw? Malinaw na sinabi ni Robin kahapon, September 21, na "nagkasundo" na sila ng Star Cinema. Minabuti ng PEP na magtanong mismo sa Star Cinema.

Sa pagkakataong ito, nakausap ng writer na si Jo-Ann Maglipon si Roxy Liquigan, ang Star Cinema ad prom director.

Tinanong ni Jo-Ann si Roxy, na nasa opisina ng Star Cinema nang oras na iyon, kung ano ang lineup nila sa mga darating na buwan at saan sa lineup ang pelikula ni Robin.

Sagot ni Roxy, "Huh? We have no Robin as far as I know."

Sandaling bumitaw sa telepono si Roxy at maririnig na may pinagtatanungan ng kung may alam silang pelikula ni Robin. Pagbalik sa telepono, sinabi nito, "Wala. No one knows about a Robin film."

Ano na ang lineup ng Star Cinema kung gano'n?

Inisa-isa ni Roxy ang kanilang mga nakaakmang proyekto, "In October we have Kimerald, in November it's John Lloyd [Cruz]-Toni [Gonzaga], and in December it's the filmfest entries. We have three: Ang Tanging Ina with Ai-Ai [de las Alas], RPG, an animation movie, and Dalaw with Kris [Aquino]."

Pagsusuma ng ad prom director, "That's it for the year."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inalam ng PEP ang mga pelikula nila para sa 2011.

"Next year, in the first quarter," sagot ni Roxy, "we have Bulong, a horror film by Chito Roño. That's Vhong [Navarro] and Angelica [Panganiban]. And of course we have the Aga [Muhlach] and Angel [Locsin]...directed by Olive Lamasan. Love story iyon, yes."

Paglilinaw niya, "We're not sure what will be January and what February, kung una iyong horror o iyong love story, so I don't want to give you an exact month—but that's our lineup for the first quarter."

Tinanong ng PEP kung saan pumapasok doon ang pelikula ni Robin. "Ay, wala akong alam. Wala. Walang dumadaang script sa akin, e dumadaan naman 'yan."

Dagdag ni Roxy, "Before we had Robin with Toni [Gonzaga], but he backed out, di ba? Since then, wala. In the next five months, definitely wala."

Nilinaw ng PEP na on-the-record ang phone interview.

Sagot ni Roxy, "Oo, you're just asking me naman for the Star Cinema lineup. I gave it to you."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN