Aljur Abrenica admits sighting with Rich Asuncion, but says, "Hindi lang po kaming dalawa."

IMAGE 0


Aljur Abrenica thanks the Cosmo team and the fans who supported him during the Cosmo Bachelor Bash event: "Masaya! Thankful nga ako sa Cosmo...Kung pwede ngang taun-taon kong gawin ito, e. Ang sarap ng feeling, 'tapos na-appreciate ka talaga ng tao. Parang dun mo na-e-express yung pinaghirapan mo, e... Ang ganda pala nung opening prod na ibinigay nila, talagang pinaghandaan nila. So, thankful lang talaga ako."


Mahigit isang linggo na ang lumipas ngunit hanggang ngayon ay umaani pa rin ng papuri si Aljur Abrenica sa ginawang pagrampa sa Cosmo Bachelor Bash sa World Trade Center noong September 9.

Siya ang naging opening number, at talaga namang pinalakpakan at tinilian ng crowd.

Si Aljur ang Cosmo centerfold noong isang taon. Si Sam Milby ang cover ngayon habang centerfold naman si Rocco Nacino.

Pero hindi lang ang kanyang pagrampa ang pinag-usapan. Namataan din kasi sila ng Startruck 5 batchmate na si Rich Asuncion na magkasama pagkatapos ng event.

Sa kanyang guesting sa showbiz program ng Q-11 na Tweetbiz kagabi, September 17, hindi naman ito dinenay ito ni Aljur, bagkus ay kinumpirma pa nga niya na totoo ang naturang sighting.

Pero hindi naman daw silang dalawa lang ang magkasama.

"After ng event lumabas kami ng stylist ko, ng make-up artist ko. 'Tapos niyaya ko rin si Rich, sina Jan Manual, Paulo Avelino [batchmates niya sa StarStruck], yung mga malalapit sa akin," sabi ni Aljur sa kanyang interview.

Bakit si Rich ang naisipan niyang yayain?

"Para kasing nataon na naalala ko siya. And magkaibigan naman talaga kami ni Rich, e."

THE "RICH" CONNECTION. After ng Tweetbiz guesting ni Aljur ay sinikap siyang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal), kasama ang TV crew ng Startalk, tungkol sa sighting sa kanila ni Rich.

Noong nakaraan taon, pinanood din ng dalaga ang pagrampa ni Aljur sa Cosmo Bachelor Bash, pero humiling silang huwag bigyan ng kulay ito.

"Hindi ko naman po itinatanggi yun na magkasama kami ni Rich. Pero hindi lang po kaming dalawa. Marami pa po kaming ibang kasama.

"Para sa akin po kasi, parang victory party na rin at saka get-together. So, gusto kong makasama yung mga co-artists ko, lalo na yung mga ka-batch ko na malalapit sa akin, sina Paulo nga at Jan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Trineat ko rin yung stylist ko at make-up artist sa Cosmo. In-invite din nila yung iba nilang kakilala.

"Ipinakilala nila sa akin si Chito Miranda [vocalist ng Parokya ni Edgar]. For the first time nakilala ko si Chito Miranda.

"'Tapos nandun pa si Princess [Ryan] at saka si IC Mendoza, nagkita-kita kami," paliwanag ng Ilumina male lead.

Bakit sa lahat ng batchmates niyang babae ay si Rich ang naisip niyang yayain?

"Kasi matagal na rin kaming hindi nagkikita. Na-miss ko rin siya.

"At saka yung mga kaibigan ko, sina Paulo at Jan, na-miss ko silang lahat. Kasi saktong-sakto si Paulo walang ginagawa ng time na yun.

"Si Jan at saka si Rich, magkasama sa I Laugh Sabado. E, katatapos lang ng taping nila kaya niyaya ko sila."

Ilang beses na silang na-link at ilang beses na rin silang nag-deny, pero bakit ngayon ay tila okay na sila na isa-publiko ang kanilang pagkakaibigan?

Sagot ni Aljur, "Actually, noong una, talagang apektadong-apektado ako sa mga tsismis, e, at saka siya...Talagang nilalayuan na namin ang isa't isa.

"Pero ngayon siguro, parang naisip namin na bakit pa kami madadala sa tsismis kung talagang magkaibigan kami at wala naman kaming ginagawang masama.

"All is good naman, 'tapos maganda naman yung vibes. At least hindi na kami maiilang sa isa't isa.

"Para pag nami-miss ko siya, nami-miss niya ako, mag-te-text lang tulad ng ginagawa ng magkakaibigan na nagdadamayan."

"POSSIBLE NA MAGING KAMI." May kinalaman ba sa pagiging open nila ni Rich ngayon ang pagkakabuwag ng love team niya with Kris Bernal?

"Hindi naman sa ganun. Talagang dumating na sa point... darating sa point na magbabago ka.

"Kailangang baguhin, alam mo yun? Na-realize ko na itama na ang lahat," ang tila makahulugan niyang pahayag.

Ibig bang sabihin nito ay posible nang mauwi sa relasyon ang pagkakaibigan nila ni Rich?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa ngayon, talagang magkaibigan lang kami, e. And busy ako, busy rin siya."

Nilinaw din ni Aljur ang tungkol sa naging "relasyon" nila ni Rich in the past.

"StarStruck pa lang yata, unti-unti na kaming lumalayo sa isa't isa dahil sa mga tsismis nga.

"Nakakahiya nga rin sa part niya dahil ayaw rin niyang makasira, sinasabi niya iyon.

"Which is, na-realize ko naman na wala naman talagang nasisira dahil magkaibigan naman talaga kami.

"Nabibigyan lang ng kulay yung pagiging magkaibigan namin," ang diin niya.

Pero may chance ba na maging sila ni Rich?

"Siguro, abangan n'yo na lang," ang nakangiti niyang sagot.

"Hindi ko naman sinasara yung pintuan ko sa lahat. Si Rich, hindi ko rin naman sinasara yung pintuan ko sa kanya.

"Possible din naman na maging kami.

"At kung sino man ang nandiyan, possible din.

"Abangan n'yo na lang kung sino ang ipapakilala ko."

Ano ba ang nagustuhan niya kay Rich?

"Si Rich kasi, ang nakita ko sa kanya for three years na magkakilala kami, magkaibigan kami... hindi lang sa kanya, tulad din ng iba kong mga kasamahan na sina Paulo, sina Jan Manual. Yang tatlong iyan, sila ang malalapit sa akin sa StarStruck, e.

"Mga totoong tao sila, mga totoong kaibigan na nandiyan para sa iyo pag nangangailangan ka."

NINONG TO PAULO AND LJ'S BABY. Dahil nabanggit niya si Paulo Avelino, itinanong na rin namin kay Aljur kung kinuha ba siyang ninong sa anak nila ni LJ Reyes na si Baby Ethan Akio?

"Hindi niya ako kinuha. Ako ang kumausap sa kanya.

"Sabi ko, 'Oy, ninong ako ng anak mo, ha. Hindi pwedeng mawala ako diyan.'

"Um-oo naman siya."

Noong nanganak sa U.S. si LJ, wala sa tabi nito si Paulo. Saksi raw si Aljur sa hirap ng kaibigan.

Nagkuwento si Aljur, "Si Paulo, kasama ko 'yan sa taping [Ilumina]. Nakikita ko sa kanya, nararamdaman ko yung longing niya sa anak niya, sa mag-ina niya, si LJ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakikita ko nasasaktan siya. Kung puwede ngang ibigay na lang niya yung sakit sa akin kahit papaano...

"Sa totoo lang, si Paulo, lagi lang nakangiti yan, pero sobrang mapagmahal at sa loob niya, nasasaktan yun.

"Nami-miss na niya yung mag-ina niya."

Nakita rin daw niya ang pagbabago sa kaibigan simula noong maging ama ito.

"Nakakatawa nga kasi, kami ni Paulo, lagi kaming nag-aasaran niyan, e. Lagi kaming nagtatalo niyan.

"Tapos nung nagka-baby na nga siya, nakakapanibago siya. Ang laki ng pinagbago niya.

"Parang dumarating sa point na sobrang seryoso niya.

"Sinasabi ko, 'Pare, ibalik mo na yung kaibigan ko. Hindi ikaw 'yan. Umalis ka na diyan.' Parang ganun.

"'Ibalik mo yung totoong Paulo.' Pero may point naman na nakakatuwa na ganun na siya, naging much better person na siya," aniya.

Siya, ready na ba siyang maging daddy?

"Sinabi nga sa akin ni Paulo na huwag muna daw. Na yung career ko paangat daw, sabi niya sa akin.

"Hinangaan ko siya doon. Hinangaan ko siya sa advice niya sa akin at saka sa pag-aalala niya sa akin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN