Indie film actress Mercedes Cabral crosses over to mainstream via Huling Sayaw

IMAGE 0


"Nagugulat na lang ako sa mga plano nila para sa akin. Inuupuan lang namin at pinag-uusapan unti-unti kung ano yung mga plano nila gawin para sa akin," says Mercedes Cabral about her manager's plans for her. She's cast in the Star Cinema movie starring Angel Locsin and Aga Muhlach.


Nakita na ni Mercedes Cabral ang first edit ng kanyang new indie film Gayuma noong Sunday, September 19, nang panoorin niya ito kasama ang director and film producers.

Nasisiyahan si Mercedes sa kanyang role dito sa pelikula, na slated for release next year. Gumaganap siya rito bilang isang mayamang babae na nagkagusto sa isang mahirap na lalaki.

"Kasi originally, sila Direk Alvin [Yapan], isinulat nila itong script for me. Kasi feeling nga nila na underrated ako. Hindi ako nabibigyan ng good roles. Nata-typecast ako. Ibinigay nila ito para maiba," sabi ni Mercedes sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Dagdag niya, "Siyempre, para sa akin, nakaka-touch talaga na napapansin ako at nabibigyan ng chance ng magandang role naman.

"Hindi kagaya ng ibang films ko dati na kailangan may bed scenes, ito wala. Ipinakita dito yung kaya kong gawin acting-wise."

Five days nag-shooting sina Mercedes sa Bicol para sa Gayuma at talagang pukpukan daw ang ginawa nila noong nandoon sila. Nagmistula ring homecoming para sa kanya ang makabalik sa Bicol dahil taga-Albay ang nanay ni Mercedes.

Kuwento pa ni Mercedes, isa sa mga eksenang ginawa nila sa pelikula ay ang pagbubuhat niya sa kanyang screen partner sa isang mahabang take.

"May mga parts ako doon na kailangan ipakita ko na umiiyak ako. Kailangan ko iparamdam na mahal mo talaga yung guy," sabi pa niya.

WORKING WITH BRILLANTE MENDOZA. Almost three years na ring nasa indie film circuit si Mercedes, na unang nakilala sa pelikula ni Brillante Mendoza na Serbis. Nasundan pa ito ng isa pang Brillante Mendoza movie na Kinatay.

"Matagal na din ako dito. Natutuwa ako kasi yung mga director na nakatrabaho ko, e, hindi biro-biro, like si Direk Brillante. Andami kong nakatrabaho na hindi lang basta-basta director."

Nabanggit din ni Mercedes sa PEP na baka makatrabaho niyang muli si Direk Dante sa January or February next year para sa isang panibagong film.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Makakatambal niya muli si Coco Martin sa pelikulang ito. Nabalitaan niya pa na may international actress sila na makakasama sa panibagong project ni Direk Brillante.

CROSSING OVER. Kasama rin si Mercedes sa Star Cinema movie na Huling Sayaw, na kinatatampukan nina Angel Locsin at Aga Muhlach mula sa direksiyon ni Olivia Lamasan. Ito ang kauna-unahang mainstream film ni Mercedes.

"Siyempre, okay para sa akin ito. Kasi as an actress, kailangan maging flexible ka.

"Hindi ko pa din nata-try ang mainstream. Iba din daw mainstream. Saka makakatulong siya sa akin talaga bilang actress.

HONING HER CRAFT. Para kay Mercedes, malaki na ang ipinagbago ang kanyang acting mula noong pa-extra-extra lang siya.

"Dati kasi, wala akong proper workshop for acting. Ngayon, sa mga karamihan ng mga nababasa kong script at sa mga director ko, natuto ako.

"Sa mga napapanood ko din, pinapanood ko ang sarili ko. Doon ko nakikita kung ano pa yung kulang, yung mga dapat gawin.

"Noong umpisa, ayoko talaga panoorin sarili ko kasi parang nakakailang. Pero kailangan para matuto ako," saad ng aktres, na minsan ay binotong pinakamagandang babae sa Cannes Film Festival. Tinalo niya ang mga kilala at naggagandahang artista mula sa Hollywood at Europa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN