Venus Raj runs and does Pilates to maintain beauty-queen figure

IMAGE 0


Miss Universe 4th runner-up Venus Raj sweats it out to maintain figure and still enjoy the comfort and pleasure of eating.


Isa sa mga naging panlaban ni Miss Universe 4th runner-up Venus Raj sa Binibining Pilipinas at Miss Universe pageant ang kanyang 22-inch waistline.

Ngunit paano nga ba napapanatili ni Venus ang kanyang svelte na figure?

"Ngayon kailangan ko na mag-work-out, siyempre. Although ganito na yung katawan ko pero kailangan ko kasing i-maintain, e, mahirap na," ani Venus noong makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa isang salu-salo sa Lu Restaurant sa Rockwell noong ika-11 ng Nobyembre.

Ilan sa mga ginagawa niyang exercise ay ang running at Pilates.

Ayon sa medicinet.com, ang Pilates ay isang uri ng exercise na nag-i-improve ng flexibility, strength, at body awareness. Ito ay ginagawa sa mat o sa sahig with a series of controlled movements.

NO DIET. Samantala, inamin ni Venus na hindi siya masyadong mapili sa pagkain.

"Diet? medyo yun ang hindi ko ginagawa. Normal lang, kung ano lang andyan na pagkain, yun lang din ang kinakain ko," nakangiting sambit ni Venus.

Sa katunayan, malakas nga daw siyang kumain, "Payat ako ever since pero kumakain ako ng marami," aniya.

Bilang laking-Bicol, hindi na itinago ni Venus na sadyang paborito nito ang mga Bicol delicacies.

"Laing, masarap 'yon. Tapos favorite ko talaga yung pinaputok na tilapia. Magaling ako gumawa noon, sobra," kwento ni Venus.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN