Carlos Agassi is tired of steroids issue thrown at him

IMAGE 0


"Pero after a while parang wala na ba silang ibang maintriga? Parang nakakasawa na, parang something different naman," natatawang sambit ni Carlos tungkol sa steroids issue na paulit-ulit na pinupukol sa kanya.


Matagal-tagal na ding nawala sa limelight si Carlos Agassi na kilala din sa bansag na "Amir".

Dahil nawala sa sirkulasyon si Carlos, nagkaroon pa ng bali-balita na siya ay nagkasakit at patay na dahil sa paggamit niya diumano ng mga steroids (CLICK here to read related story).

Kinumusta ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Carlos sa shooting ng movie nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga na My Amnesia Girl recently sa Grille Restaurant sa Libis, Quezon City. May supporting role si Carlos sa pelikulang ito.

At 30 years old, napanatili ni Carlos ang magandang hubog ng kanyang katawan na isa sa mga ikinasikat niya noong miyembro siya ng all-male group na The Hunks. Kasama niya rito sina Piolo Pascual, Jericho Rosales, Diether Ocampo at Bernard Palanca.

Tinanong ng PEP kung ano ang health regime ni Carlos.

"I eat normal food like rice, pizza, but I still work out once a day, at least. I run. So far 21-km yung pinakamalayo. And then basketball, and then hopefully pag may time... you have to train kasi for triathlon, e," ani Carlos.

Dagdag pa niya, pinagtratrabahuan daw niya talaga at sineseryoso ang kanyang mga workout.

"My rest is only like five seconds, halos walang pahinga, high intensity ang tawag dun."

Nakatulong din, aniya, na maaga siyang nagsimula sa sports noong bata pa siya. Nagsimula si Carlos sa diving sa edad na 16, kasama ang mga kapwa niyang The Hunks.

STEROIDS ISSUE. Isa sa matinding isyu na binato kay Carlos dati ay ang diumano'y paggamit niya ng steroids upang makamit ang porma ng katawan niya.

"Nung mga first few years, it was a compliment 'cause even though I wasn't taking those kind of substance, your hard work is paying off.

"Pero after a while parang wala na ba silang ibang maintriga? Parang nakakasawa na, parang something different naman," natatawang sambit ni Carlos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ni Carlos, hindi nga niya mapli-please ang lahat at tila nalilito na siya sa mga komento ng tao tungkol sa kanyang katawan.

"Before, nag-vegan pa ako, sobrang lean but I had to stop. Pag sobrang lean naman ako, pag hindi nakahubad, akala nila may sakit, kasi sobrang lean, di ba?

"Pero pag naghubad naman, sasabihin naman naka-steroids," ani Carlos.

Kumbaga, sala sa init, sala sa lamig anuman ang gawin niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN