Suzuki Sadatsugu on rumored affair with Arnel Ignacio: "Bahala sila mag-isip nang di maganda, basta friends kami!"; Arnel Ignacio: "Alam mo naman ako, si Ms. Friendship!"

IMAGE 0


"Natatawa na lang ako kasi yung iba iniisip nila na syota ko si Arnel, e, lalaki naman siya... Kaya papano ko siya magiging syota?" asks the model-actor (main photo) who is seen in GMA-7's Hole in the Wall. Arnel Ignacio (inset) says: "Natatawa ako sa kaniya, he's very funny!"


Sa wakas ay nagsalita na rin ang Pinoy-Japanese model-actor na si Suzuki Sadatsugu tungkol sa nababalitang relasyon nila ng host-comedian-entrepreneur na si Arnel Ignacio.

Sinagot din niya ang balitang niregaluhan daw siya ni Arnel ng Blackberry cell phone at motorsiklong nagkakahalaga ng 250 thousand pesos.

Ayon kay Suzuki, nang makausap ito ng PEP ( Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Danz Showdown, na ginanap sa Semicon Studio sa McArthur Highway last Thursday, September 23, magkaibigan lang daw sila ni Arnel at walang ibang relasyon ang namamagitan sa kanila.

"Alam mo, marami na ang nagtatanong sa akin niyan, kahit saan yata ako magpunta lagi akong tinatanong kung kamusta na si Arnel o kamusta na kami ni Arnel.

"Nagtataka nga ako kung bakit may gano'ng isyu, hindi ko alam kung paano nagsimula. Natatawa na nga lang ako kasi yung iba iniisip nila na syota ko si Arnel, e, lalaki naman siya... Kaya papano ko siya magiging syota?... Basta ang totoo, kaibigan ko lang si Arnel, yun lang wala at nang iba pa...

"Ewan ko ba, baka nga iba yung iniisip ng iba. Pero ako, bahala sila mag-isip nang di maganda sa amin, basta friends kami. Wala naman sigurong masama kung magkaroon ako ng kaibigang bading, mabait naman si Arnel...

"Yung iba kasi, pag may kaibigan kang bading iba na ang iniisip, yung iba ang sama na ng iniisip. Basta ako, ayokong pansinin yung sinasabi nila. Ang mahalaga ay kaibigan ko siya at mabait siya sa akin."

NO GIFTS FROM ARNEL. Totoo bang niregaluhan siya ni Arnel ng Blackberry at mamahaling motorsiklo?

"Tingnan mo nga ang cellphone ko—Blackberry ba yan?" sabay turo sa Nokia cell phone niya. "Ito yung binili kong cell phone, di ito bigay ni Arnel."

Habang tumatawa, dagdag niya, "Nakakatawa nga, e, kasi wala naman akong motorsiklo. Magkano daw, 250 thousand? Ang mahal naman. Kahit pumunta kayo sa bahay namin, wala kayong makikitang motorsiklo. Ang dami ngang nagsasabi sa akin na pasakay sa mamahaling motor ko, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung sakaling regaluhan siya ni Arnel ng mga ganoong mamahaling bagay, di rin daw niya matatanggap.

"Baka kasi magkaroon ng isyu. Ngayon pa lang nga na hindi naman totoo na niregaluhan niya ako ng cellphone at motorsiklo may issue na, ano pa kaya kung totoo na.

"Mas okey na magkaibigan na lang kami, wala na yung rega-regalo ng mamahaling bagay, para walang issue."

Hindi rin daw totoo na sa bahay niya madalas tumatambay si Arnel at inaabot ng madaling araw.

"Ha? Hindi totoo yun, di pa nakapunta sa amin si Arnel kahit kailan! Yung iba nga sinasabi na sabay daw kaming kumakain ng lugaw sa amin.

"Hindi totoo 'yan kasi wala namang insidente na nagkasama kami sa isang tambayan at kumakain ng lugaw. Sa akin naman, if ever na totoo, bakit ko naman idi-deny? Kaso, hindi talaga totoo."

AVOIDING ARNEL? Dahil sa intriga ay totoo bang iniiwasan na niya si Arnel? Ang balita'y di na raw niya sinasagot ang mga text o tawag nito.

"Hindi naman. Sira kasi yung phone ko dati kaya kapag tumawag siya di ko na lang sinasagot, kasi hindi ko rin naman siya maririnig. 'Tsaka medyo busy kasi ako kaya hindi ko nasasagot ang text niya.

"Bakit ko naman siya iiwasan, e, mabait naman si Arnel, busy lang talaga. Ako naman pag may nagti-text sa akin o tumatawag, pag di ako busy, nasasagot ko."

Isa sa pinagkakaabalahan niya ngayon ay ang GMA-7 show na Hole in the Wall, na adapted sa Japanese game na Brain Wall o Human Tetris.

Pero hindi siya kasama sa Danz Showdown, kaya natanong namin, sino ang pinuntahan niya doon?

"Friends kami ni Sandy [Tolentino, ng SexBomb Girls], kaya dito ako, nanonood ako ng taping nila," sagot niya.

Alerto na si Suzuki sa maaaring maging pagbasa ng press at publiko sa pagdalaw niyang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"O, issue na naman yan, ha, magkaibigan lang kami, barka-barkada. Wag mo na kami intrigahin kasi bago pa lang kaming nagkakasama-sama at magkaibigan."

ARNEL LAUGHS IT OFF. Ngayong hapon, Sabado, September 25, nagkaroon ng maiksing interbyu ang reporter na si Jo-Ann Maglipon kay Arnel Ignacio sa telepono.

Nilimita ni Jo-Ann, na matagal na ring kilala si Arnel, ang mga tanong sa isyung nabanggit tungkol sa mahusay na host at sa budding actor.

"Ako ang nagmomotorsiklo," sagot ni Arnel na natatawa. "In fact, kamay ko nga, may bali. Nag-enroll kasi ako sa biking school. Ayun, nagpasama ako kay Suzuki para bumili ng motorsiklong gagamitin ko."

Sa madaling salita, sabi ng komedyante, hindi niya ibinili ng motorsiklo ang modelo.

Tungkol naman sa Blackberry, sabi ni Arnel ay wala ring ganoon.

"Inalok ko talaga siya ng bagong telepono," pag-admit niya. "Napansin ko kasi ang telepono niya. Ang pangit!"

Tawang-tawa si Arnel sa sariling kuwento, bago nagpatuloy, "Pero bilib ako sa kaniya. Hindi na raw. He bought his own."

Magkaibigan lang daw talaga sila. "We just have fun! Natatawa ako sa kaniya, he's very funny. Ewan ko ba, sumasama din naman sa akin iyan. Dadalaw. Kumportable sa akin.

"Noong isang araw, sa canteen, biglang dumating. Nag-text lang ako na hindi na niya pinapansin mga text ko...Dumating, nakiupo roon, sabi hindi naman daw, busy lang talaga siya.

"Ako naman, natatawa lang. E, noon pa, itong mga reporters lagi kaming pinapansin, kasi marami sa kanila crush siya! Gusto siyang maka-close. Alam mo naman ako, si Ms. Friendship!"

Ang pakahulugan ni Arnel dito ay kaibigan niya si Suzuki dahil palakaibigan siya at ini-entertain niya ang mga reporters dahil kaibigan din ang tingin niya sa kanila. Iyon nga lang, niloloko-loko raw siya ng mga reporters kasi gustong magpakuwento tungkol kay Suzuki at gustong makaibigan din ito.

Pero friend raw talaga ang turing niya kay Suzuki, "Bukas nga, Sunday, birthday ng Mama niya. Pag nakalibre ako, pupunta ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahabol ni Arnel—na kilala sa industriya bilang prangka, matalino, at sutil—sa PEP bilang sagot sa isyu nila ni Suzuki: "E, ke guwapo at ke bait, bakit ko naman hindi magiging friend?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN