Derek Ramsay brings relationship with Angelica Panganiban to new level with diamond gift

IMAGE 0


"I mean, kung apat na taon na kayong magkasama, ibang level na talaga yun. So, for me, she's a serious girlfriend. Pinakilala ko siya sa parents ko and my parents and Angel get along very well," says Derek Ramsay about Angelica Panganiban.


Kaseselebra pa lang nina Derek Ramsay at Angelica Panganiban ng kanilang fourth anniversary bilang magkarelasyon noong September 14, kumalat na ang balitang isang pares ng two-carat diamond earrings ang niregalo ni Derek sa girlfriend.

Sa mga nakaraang okasyon ay niregaluhan niya ang kasintahan ng kotseng Mini Cooper at Hermes bag.

Laging sinasabi ni Derek na hindi raw ang halaga ng mga regalo ang sukatan ng pagmamahal niya kay Angelica, kundi ang malinis niyang intensyon para dito. Pero hindi maiwasang isipin na mahal, in the literal sense din, kung magparamdam ang aktor.

PARENTS HELP CHOOSE EARRINGS. Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Derek noong Wednesday, September 22, sa taping ng Magkaribal, ayaw man niyang banggitin ang presyo ng hikaw ay naging bukas siya sa pagkuwento kung paano nila idinaos ang espesyal na araw na ito ng girlfriend.

"I tried to do something different. I asked her what she wanted to do for our anniversary. Sabi niya gusto daw niyang makakain sa Antonio's, so ang ginawa ko na lang nagpa-book ako sa Antonio's.

"She flew in kasi from the States, pero sinama ko ang parents ko. Pinaramdam ko sa kanya na wala siyang regalo kasi sabi niya yun lang ang gusto niya.

"It was really a good dinner. Even my dad texted me, 'I really enjoyed the dinner.' Kuwentuhan, 'tapos later on, binigay ko yung gift ko sa kanya.

"Muntikan na siyang himatayin, she never expected it. So natuwa naman ako sa reaction niya. From her reaction, I saw that she's really happy I gave her earrings."

Bakit yun ang naisipan niyang ibigay at totoo bang two-carat diamond earrings nga iyon?

"I dunno, kasi hindi ko naman talaga plinano," sagot ni Derek. "Whatever I feel, I just do it... Hindi yung kung ano ang kukunin ko para sa kanya. It's really what I want to get for her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"She mentioned she wanted a watch, she wanted earrings... Since I've never gotten her earrings before, with a little help from my mom who's the professional—my mom and dad drove all the way from Tagaytay to Manila just to help me choose a set of earrings for Angel...

"Yeah, they're diamonds. She's happy because girls love diamonds. Di ko na lang babanggitin kung ilang carat but they're diamonds."

May nag-Twitter kay Angelica na fake daw ang mga hikaw at mabuting ipa-assess ito sa isang jeweler, bagay na ikina-react ng aktres. Ito naman ang sagot ni Derek:

"Whew! Well, actually... I've learned a lot in the process of buying this gift. Yung parang GIA certificate, yung mga ganun, so kasama ko pa ang nanay ko.

"I don't know where the tsismis came about that they're fake—but fake or real, she's happy with it.

"It's not naman the cost of the gift, it's the thought."

Ang GIA na tinutukoy ni Derek ay ang Gemological Institute of America, na tanyag na awtoridad sa mundo tungkol sa diamonds, colored stones at pearls, na nanunuri ng mga precious stones na pumapasok sa merkado upang maprotektahan ang mga mamimili nito.

Para kay Derek, deserving ang girlfriend niya ng ganitong klaseng regalo dahil napakababuti raw nitong kasintahan.

"I mean, kung apat na taon na kayong magkasama, ibang level na talaga yun. So, for me, she's a serious girlfriend.

"Pinakilala ko siya sa parents ko and my parents and Angel get along very well."

MOVIE WITH GRETCHEN AND ANGELICA. Kamakailan, kinumpirma nina Angelica at Gretchen Baretto na may planong pagsamahin sila sa isang proyekto, at ang balita pa'y si Derek ang magiging leading man nila.

"Sana," ang naisagot lang ni Derek, "pero wala pa akong alam tungkol dun. Nabanggit pa lang sa akin nila Gretchen and Angel na may pinag-uusapan nga raw na proyekto na magkasama nga raw sila at kasama ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pag natuloy yun at may offer, tatanggapin ko...

"Sabi nga sa akin ni Angel... 'Ang saya siguro pag tayong tatlo ang magkakasama.' The two of them are friends now and Gretchen and I are exactly very close.

"For sure, napakasaya sa set nun."

Kung matatandaan, nagkaroon noon ng issue between Angelica ang Gretchen, ang co-star ni Derek sa Magkaribal. Tila di nagustuhan ni Angelica ang pagiging malapit ni Gretchen kay Derek at pinasaringan niya ang aktres sa Twitter.

Pero, di naglaon ay humingi rin siya ng paumanhin kay Gretchen na tinanggap naman ng huli, at ngayon ay mukhang tuluy-tuloy na ang pagiging magkaibigan ng dalawang babaeng malapit sa puso ni Derek.

Masaya ring ibinalita ni Derek na kahit puyat sila sa pag-taping ng Magkaribal ay nawawala ang pagod nila sa mainit na pagtanggap ng publiko at sa mataas na kalidad ng teleserye.

"Yung mga kinunan namin kaninang umaga, lumabas ngayong gabi. Hindi na nga hand-to-mouth, mouth-to-mouth na siya, pero nakakayanan naman namin.

"The quality of our work is not going down. Three units na yata kami dito, di naman pinababayaan yung quality ng show."

FRISBEE FANATIC. Kagagaling lang ng aktor sa Singapore para ipaglaban ang Pilipinas sa larong Frisbee, at sa kauna-unahang pagkakakataon ay nanalo ang ating bansa.

Masayang ikinuwento ni Derek kung paano nila naiuwi ang ginto sa kabila ng injury na natamo niya sa kalalaro nitong sport.

"Ang sarap ng feeling, akala ko iiyak ako, akala ko sisigaw ako.

"Nung nasalo nung teammate ko yung huling catch, parang shocked lang ako, parang, 'Tapos na ba?'

"Kasi sanay na ako na bagsak-ulo, talo kami ng one point.

"This year nanalo kami, hindi ng one point, para yatang 17-14, pero tinalo namin yung tumatalo sa amin ng one point sa semis, so ang sarap ng feeling na makabawi kami sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"There are three big competitions—Singapore, Shanghai, and Manila. We won Manila twice pero we never won in Shanghai and Singapore, ngayon lang.

"Sabi ko nga sa cast ng Magkaribal at sabi ko nga sa sarili ko, kung matalo, retired ako, kung manalo, go kami sa Shanghai. So ngayon, Shanghai naman in June. Pagkatapos nun, matalo, manalo, retired na ako sa Frisbee.

"It's time to give it up, ang sakit ng katawan ko, ang tagal maka-recover ng katawan ko.

"Fly ako ng Saturday, laro ako agad, finals ng Sunday, diretso ng airport, diretso ng Magkaribal taping.

"Pero on the way, naka-smile ako, suot-suot ko itong medal.

"I have an injury again. I aggravated an injury on my shoulder, nakalabas yung joint ko dito. After nung sa knee ko, ito yung bago, ipapa-check ko ito. Mahirap, pero the feeling of [winning] is overwhelming."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN