Mark Herras on "oversexed" issue: "Hindi na ako tinatablan niyan."

IMAGE 0


After Mark got sick from overwork, he asked GMA-7 to give him a breather from heavy dramas. But a simple thing like this isn't taken at face value in showbiz. Excitable minds believe the primetime leading man has lost a lot of weight because he's "oversexed"!


Kumpirmadong magpapahinga muna ng ilang buwan bago gumawa si Mark Herras muli ng TV drama sa GMA-7. Ito ay para mabilis na manumbalik ang lakas at ganda ng katawan niya.

Ito'y matapos siyang magkasakit at malaki ang ipinayat.

Sabi ni Mark, nang makausap ng PEP ( Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Danz Showdown sa Semicon Studio sa McArthur Highway last Thursday, September 23, "After a couple of years na nagtatrabaho ako nang solid naman talaga, ngayon lang ako nag-request sa GMA—na hindi naman sa gusto ko na hindi na magtrabaho—ang sabi ko lang gusto ko munang magpahinga.

"Kailangan ko lang talagang makabawi sa pagtulog, kasi ang laki ng pinayat ko... Masyado lang akong nasagad sa trabaho."

GETTING HIS MOJO BACK. Naintindihan naman daw siya ng mga bossing sa studio. "Sabi nila, yun nga, magpahinga muna ako para bumalik ulit yung energy na meron si Mark nung di pa nagkakasakit.

"Malapit na rin namang matapos ang Danz Showdown kaya ang plano ko mag-rest talaga, as in rest para makabawi... Hindi naman siguro masama ang magpahinga for a while, di ba? Alam ko naman na ito ang puhunan ko."

Ano ang gagawin niya habang siya'y nagpapahinga?

"Hindi naman yung totally na wala akong gagawin. Bale tatanggap pa rin naman ako ng guestings sa iba't ibang shows ng GMA-7 at may regular show pa rin naman ako, yung Party Pilipinas.

"Kaya wag mag-alala yung mga tagahanga ko kasi di naman ako tuluyang mawawala.

"Balak ko ring mag-gym, para gumanda ulit yung katawan ko, pero hindi naman yung sobrang laki na. Gusto ko lang firm... may konting muscle lang, okey na.

"Bale ire-recover ko lang yung mga nawala sa akin... 'Buti nga ngayon, after ng Langit sa Piling Mo nakapag-rest na ako, kaya medyo tumaba-taba..."

TAKING IT EASY. Bumili siya ng aquarium na nilagyan niya ng koi fish, at kapag nasa bahay daw siya, "tinitingnan ko yung mga isda, ayun nakaka-relax talaga. Pag nasa bahay lang ako, buong maghapon ko sila tinitingnan at nare-relax talaga ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam ko naman kung ano-ano ang dapat kong gawin para bumalik sa dati yung katawan ko. Wala naman kasing ibang tutulong sa akin kung hindi ang sarili ko, si Ynna [Asistio, his girlfriend], pamilya, at mga kaibigan ko."

Pagkatapos niyang makapagpahinga, may naipangako ba sa kanyang primetime show ang GMA-7?

"Siyempre, hindi naman nila sasabihin yun. Basta ipapakita ko na lang sa kanila na okey na ako, na nagpahinga talaga ako kasi kailangan at hindi dahil nagpahinga ako na gusto ko lang. Ako pa, e, adik na adik ako sa pagtatrabaho."

Okay na naman daw ang health niya, pero "still recovering. Nag-start na akong mag-gym mga two weeks na. Basta rest lang daw, iwas-puyat at kain lang nang kain... Para pagbalik ko at bibigyan nila ako ng projects, hindi sila manghihinayang."

"OVERSEXED." Pero kahit simple lang naman ang dahilan ni Mark kung bakit siya nagpapahinga, hindi pa rin ito nakaiwas sa mga intriga.

Ang kumalat kasing balita ay pumayat siya dahil "oversexed" siya.

Sagot naman ni Mark—na nasa showbiz mula pa noong 2003, nang nanalo siya ng Ultimate Male Survivor sa StarStruck batch one: "Wala na sa akin yung gandyang isyu, trabaho nila yun, e, hindi na ako tinatablan niyan... Kung dun sila masaya, e, di ibigay natin sa kanila.

"Basta alam ko at marami naman ang nakakalaam kung ano ang totoo kung bakit ako pumayat, kaya hindi ko na lang iniintindi yung mga gandang isyu."

"'Tsaka hindi naman sila ang kailangan ko kung bakit ako nabubuhay, hindi naman ako nagtatrabaho para sa kanila," sabi pa ng seven-year showbiz veteran tungkol sa mga naninira sa kaniya. "Nagtatrabaho ako para sa sarili ko at para sa pamilya ko."

New look ngayon si Mark. Sino ang nag-decide na mag-ahit siya ng balbas at bigote?

"Wala naman, sarili kong desisyon yun, siguro for a change... Naisip ko kasi na almost half a year na rin akong may bigote, kaya nang matapos ang Langit sa Piling Mo, nag-decide na ulit akong mag-ahit ng bigote at balbas for a change...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero nakatulong rin yun [ang may balbas at bigote], para medyo mag-mature nang konti. Pero nagsawa na ako, kaya 'eto, clean look naman. Para every time na makikita ka ng mga tao, hindi ka magsasawa, para laging may bago."

SEXBOMB SEARCH. May bet na ba siya sa pitong Hataw Finalists ng Danz Showdown? Ang palabas ay talent search para sa magiging bagong miyembro ng SexBomb Girls.

"Lahat naman sila magagaling, lahat naman sila may kanya-kanyang strength sa iba't-ibang sayaw. At lahat sila palaban at desididong manalo.

"Ayoko naman kasing mapagbintangan na may favoritism, lalo na host ako. Bahala na ang mga taong nanonood ang humusga kung sino ang magaling sa pitong natitirang finalist.

"Malapit-lapit na naman ang Grand Finals, kaya malalaman na natin kung sino ang magiging kauna-unahang winner sa Danz Showdown at magiging bagong miyembro ng SexBomb."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN