Eat Bulaga! in Anaheim, California (Part 2): The highlights and sidelights

IMAGE 0


In Anaheim, there was no sign of tension between Pia Guanio and Vic Sotto, who had seemed to be on the verge of breaking up last July. The relationship, which Pia had described as "under construction," seems to have righted itself. The Eat Bulaga! Dabarkads went to California to stage a show in Anaheim last September 18.


Ang buong hapon ng Friday, September 17, ay iginugol ng Dabarkads sa rehearsals. By this time ay malinaw na sa lahat na hindi na rin talaga makakahabol sa Anaheim si Tito Sotto.

Bukod raw kasi sa apong si Romino ay pati pala ang nanay nitong si Apple, panganay ni Tito, ay na-dengue rin. Worried si Tito na baka habang nasa malayo siya ay may kung anong mangyari sa mga mahal niya sa buhay.

Samantala, napansin naming nanumbalik na ang pagka-sweet nina Bossing Vic at Pia. Matatandaang noong July ay napabalitang nag-break na ang magkasintahan at inamin later on ni Pia sa kanyang talk show na Showbiz Central na ang kanila ngang relasyon ay "under construction" noong mga panahong iyon.

At bago pa man tumulak pa-America ang grupo ay may ugong din na may hidwaan pa ang dalawa lalo't hindi sila sabay na umalis ng Pilipinas. September 14 lumipad si Pia kasabay ng grupo nina Joey de Leon samantalang September 16 naman si Vic, kasabay nina Jose Manalo.

However, ang tunay na dahilan ng pagka-late ni Bossing ay dahil nagsu-shooting na kasi ito ng kanyang Metro Manila Film Festival entry na Agimat ni Enteng na co-production nila ng co-starring din niyang si Senator Bong Revilla.

THE SWEETNESS IS BACK. Sa Anaheim ay hindi namin nabakas na nagkatampuhan man lang ang dalawa. Bagamat wala sila gaanong bonding moments dahil gahol sa oras ay hindi naman naghihiwalay ang dalawa liban lamang noong araw ng rehearsals noong Biyernes ng gabi doon (Sept. 17) dahil mas maaga ang call time ni Pia sa venue kaysa kay Bossing. In fact, hindi na nga sumama si Pia sa last leg ng meet-and-greet the previous night dahil alam niyang parating na si Bossing sa hotel at gusto niyang asikasuhin ito pagdating sa hotel.

The next day ay sinamahan pa ni Bossing si Pia nang i-meet nito ang ilang kamag-anak niyang nakabase sa California. Dito na rin nila naisingit ang pagkain sa Five Guys burger na sadyang ipinahanap pa ni Bossing kung saan sa Orange County meron nito. Sa East Coast pa raw kasi nag-originate ang burger na ito at nabalitaan daw niyang masarap kaya gustong niyang i-confirm.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong namin kay Bossing kung okay nga, at oo raw. "Pati fries nila, iba. Fresh. Nakalagay doon, today's fries is from Washington... baka sa iba-ibang lugar galing. May libreng mani pa nga, e."

Sa mga hindi nakakaalam, parehong mahilig sa pagkain at sa pag-try ng iba't ibang restaurants ang magkasintahan. In fact, ang buong EB Dabarkads ay sa pagkain din nagkakasundo kaya nga kapag nasa abroad ay inaalam nila kung saan o ano ang masasarap na kainan at siya nila itong pupuntahan.

Mabalik tayo sa sweetness ng dalawa...

Panay ang biro ni Bossing kay Pia bilang pang-aalaska dito. Halimbawa sa rehearsals ay ginagaya nito ang pagsayaw ng nobya, na aminado namang hindi kagalingang magsayaw.

Sa backstage naman before the show noong Sabado (Sept. 18) ay kinurot pa ni Bossing si Pia sa may bandang kili-kili habang nakatalikod ito at busy sa pagpo-pose à la-model para sa mga camera ng PEP at ni Allan Diones ng Abante Tonite. Natatawang nagalit kunyari si Pia at hinabol ito, sabay malambing na nagbitiw ng, "Ano ba?"

Ayon kay Pia, si Kim Kardashian ng US reality show na Keeping Up with the Kardahisans ang ginayahan niya ng hairdo niya on that day. Favorite daw niya kasi ito at maging hanggang doon ay nakatutok siya sa show kapag nasa kuwarto ng hotel.

Pero biniro siya ni Allan Diones na hindi si Kim Kardashian ang naging kamukha niya kundi si Kim Chui, kaya naman nang lambingan namin sina Pia at Vic na kuhanan ng picture together, humirit naman si Allan kay Bossing, na siya naman si Gerald Anderson.

Pero dahil gaya ng buddy niyang si Joey de Leon na updated sa mga showbiz happenings sa Pilipinas, humirit din si Bossing: "'Wag na 'yon, break na sila, di ba? May Bea [Alonzo] na si Gerald?"

Lagi ring magkatabi sa backstage ang dalawa habang hinihintay magsimula ang show at patient ding naghintay si Bossing sa may back door kay Pia na busy pang tsumika, right after the show. That night na din kasi ang flight nilang dalawa pabalik ng Pilipinas. Kailangan mag-resume agad ng shooting si Bossing at si Pia naman ay kailangan na ring bumalik sa kanyang daily showbiz segment na "Chika Minute" sa 24 Oras ng GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

REHEARSALS. Sa araw ng rehearsals noong September 17, ang EB Babes ang may pinakamaagang call time, 3 p.m., sa venue for their dance rehearsals na ang choreography ay ibinase ng kanilang choreographer na si Jim Santos sa arena style ng auditorium. Kailangan may chance ang lahat ng audience na makita ang bawat EB Babe mula sa kung saan man sila nakaupo sa venue. Agad namang sumunod ang grupo nina Allan K., Ruby, Anjo, Jimmy, Julia, Pauleen, Wally at Jose.

Alas sais naman ang call time ng TVJ—Tito, Vic, and Joey, minus Tito. Ang alas sais ng gabi doon ay may araw pa at tila alas tres lang ng hapon kaya naman hindi agad pumasok sa venue sina Bossing at Joey at nagkuwentuhan muna sa labas ng Heritage Forum.

Tila may jetlag naman si Allan K na kapag hindi niya moment para mag-rehearse ay panay ang higa sa mga pinagdikit-dikit niyang upuan sa backstage. Samantala, pinaka-energetic mag-rehearse si Pia lalo na sa kanilang opening dance number nina Julia at Pauleen with the EB Babes na "Poker Face." Mayroon kasi siyang hindi ma-achieve na move na parang "macho dancer" move na paulit-ulit niyang pina-practice.

Blocking at cueing lang ang kailangang i-rehearse nina Bossing at Joey at madali naman nilang nakapa ito.

By eight in the evening ay tapos na ang rehearsals. However, nauna nang umalis ng venue ang lady boss na si Malou Fagar para maghanap ng masarap na makakainan na malapit sa venue. Chinese or Japanese ang type ng tropa kaya agad namang nagtanong-tanong si Malou. May nag-suggest kay Malou na i-try ang Ten Ten, isang Chinese restaurant sa Anaheim. Agad ay namili na ng ulam sa menu si Malou at walo ang kanyang napili kabilang na ang lobster. Pinaluluto na niya agad ang mga in-order na good for five tables pero tila ayaw siyang paniwalaan muna ng Chinese waitress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We cook now?" tanong ng waitress.

"Yes, now... they're on their way," sagot naman ni Malou dahil alam niyang gutom ang mga ito dahil sa pagod.

Maya-maya nga ay nagdatingan na ang buong tropa at isa-isa na ring nagdatingan ang mga ulam sa eight-course meal na in-order ni Malou. Matapos ang dinner ay na-realize ng lahat na tila napadami ang order ng pagkain kaya naman pina-takeout ang karamihan sa mga ito. At dahil mas maraming ite-takeout kaysa sa magbabalot na waiters, pati ang mga Dabarkads ay tumulong na ring magbalot.

Laking tuwa ng ilang Pinoy na kumakain din doon that night dahil hindi nila akalaing makakasabay nila ang Dabarkads. Siyempre pa, hindi na naman maiwasan na may magpa-picture, na okay lang naman dahil mismong ang mga Dabarkads ang naging busy na ring mag-piktyuran sa isa't isa after dinner.

In fact, si Joey de Leon nga, first night pa lang ay nagpi-picture na at may kasama pang video. Nakaugalian na niya na i-document ang lahat ng mga happenings ng Dabarkads maging sa Pilipinas o abroad at kino-compile niya ang mga litrato in an album. Siya tuloy ang tila unofficial archivist ng grupo.

SOUVENIRS AND MEMORIES. Noong buhay pa si Francis Magalona ay ganoon din ang hilig nito, ang maglitrato ng mga kasama. Pero unlike Joey na nagpapa-print pa ng litrato para i-album, ang album naman ni Kiko ay ang kanyang laptop.

Pinakamahilig magpa-picture noon ay ang mga EB Babes. Marahil ay dahil first time nga nila sa America kaya naman sa bawat kilos nila ay nagpi-piktyuran sila. Panay din ang pa-picture nila sa mga hosts bilang souvenir ng trip nilang ito. Pero kadalasan ay nahihiya silang mag-approach sa mukhang supladong si Bossing. That night, may isang naglakas loob at biniro ito ni Bossing na: "Tama na picture-picture!" pero nagpa-picture din naman. Sinilip pa nga nito kung maayos ba ang kuha sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong gabi ding iyon, inabot ni Mrs. Madelaine kay Bossing ang isang clear plastic bag na may lamang T-Shirt. Tinanong namin si Mr. T kung anong klaseng shirt ang regalo nilang 'yon kay Bossing at sinabing nitong pinabili ito ni Vic sa kanila.

"Official shirt 'yon ng U.S. Open, 'saka isang malaking tuwalya na may logo," sabi ni Mr. T.

Prior to the Anaheim show ay manonood sana sina Mr. T kasama ang TVJ ng US Open Tennis Championships sa New York nitong Setyembre pero kinansela nila ang plano dahil tila hindi magkasundo-sundo ang kanilang mga schedules.

Matapos ang picture-taking at tsikahan sa labas ng Ten Ten restaurant ay nagyayaan nang bumalik sa hotel ang grupo lalo pa't maginaw na naman sa labas. Sa hotel ay nagkanya-kanya na ng diskarte ang grupo. May mga nagplanong matulog na, may mga nag-inuman muli sa lobby, at may mga nag-shopping sa Walgreens na malapit lang sa hotel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN