Heart Evangelista on boyfriend Daniel Matsunaga: "Para siyang anghel na sobrang bait."

IMAGE 0


"Kasi noong umpisa, akala ko, parang mannequin lang siya. Na, yes, he's guwapo... pero noong nakilala ko na siya, he's God-fearing at saka mahal na mahal niya ang family niya, and yung respect niya sa family ko, super. And I've met his sister, she's so nice," gushes Heart Evangelista, who met Brazilian model-turned-showbiz heartthrob Daniel Matsunaga (inset) on the set of the presciently titled Langit sa Piling Mo.


Live guest si Heart Evangelista sa Startalk kahapon, September 25, at siyempre, isa sa napag-usapan ay ang sinasabing present lovelife ng actress with Japanese-Brazilian model-turned-actor na si Daniel Matsunaga.

"Daniel," as Filipinos would pronounce the name, kung tawagin ni Heart ang model-actor.

Dahil sa intricacies ng Portuguese language, ang salita sa Brazil, lumalabas na "Dan-Yaw" ang talagang pronunciation nito.

Mabilis na, "Yes!" ang sagot ni Heart nang tanungin kung boyfriend na nga ba niya si Daniel.

DECLARATION OF LOVE. Akala ni Lolit Solis ay August 20 pa sila nag-umpisa, pero hindi raw, sabi ni Heart.

"Yung August 20, yun ang time na sinabi niya sa akin na mahal niya ako. Kaya hindi ko pa naiintindihan, kasi, in a different language niya sinabi sa akin, Portuguese, and parang he also said it in South African. Iba yung language.

"So, hindi ko pinapansin because, you know, nowadays, I live life one day at a time. So, hindi ko masyadong pinapansin yung sulat niya.

"May mga drawing-drawing pa nga na mga puso, so, akala ko, nagdo-drawing lang siya ng kung ano sa planner ko. 'Tapos mam'ya, biglang meron na pala siyang, 'Go, look at the Internet, look at the Internet!' So, hindi ko maintindihan yung handwriting.

"So, that's the time that he said nga how he feels about me."

Nilinaw rin ni Heart na hindi raw nag-overlap ang relationship niya with ex-boyfriend Ian Dy at ang present niya ngayong si Daniel.

"No, I'm very honest person," sabi ni Heart.

FINDING A WAY TO HER HEART. Nagkasama sina Heart at Daniel sa primetime series na Langit sa Piling Mo. Pero ayon kay Heart, masna-develop daw sila sa mga labas-labas with friends.

"Meron po kasi akong Tuesday group. Meron akong set of friends na non-showbiz na nagluluto kami ng iba't-ibang dishes... Then, parang he's just so nice. Ang bait, so, siguro, do'n nagkadebelopan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagluto raw si Daniel ng Brazilian food para kay Heart.

StarTalk co-host Ricky Lo, who is also the entertainment editor of The Philippine Star, asked Heart kung totoong siya ang tutor ni Daniel sa pagta-Tagalog, at anu-ano raw ang itinuro niya dito?

"Yung mga nakakalurkey, echosera, and yes, I speak to him in Tagalog para naman matuto siya. At saka siya, nire-refresh niya ang Spanish side ko sa mommy ko at Portuguese."

Anu-ano naman daw ang mga nagustuhan ni Heart sa character ni Daniel?

"Sobrang bait. Para siyang anghel na sobrang bait."

Dugtong pa niya, "Kasi noong umpisa, akala ko, parang mannequin lang siya. Na, yes, he's guwapo... pero noong nakilala ko na siya, he's God-fearing at saka mahal na mahal niya ang family niya, and yung respect niya sa family ko, super. And I've met his sister, she's so nice."

MONEY ISN'T EVERYTHING. Tanong ni Lolit, kumusta naman ang status ni Daniel? Pareho raw ba silang mayaman? Mayaman daw kasi ang pamilya ni Heart na may pag-aaring chain of restaurants.

Tugon naman ni Heart, "Ito lang ang masasabi ko, there are things that money can't buy. Of course, I must admit, you know, siyempre, when someone treats you like a princess, reregaluhan ka ng mga bagay.

"Pero, siyempre, it's not the only thing that can make you happy. You know, if I want something, I'll work hard. Maa-achieve natin yun.

"Kain kayo sa kung saan-saan. Pero kung kumain naman kayo sa hotel pero bangayan kayo nang bangayan, wala rin."

Napakilala na raw ni Heart si Daniel sa mommy at daddy niya, at naging maganda ang impression nila.

"Mabait, gusto nila. Gusto talaga nila kasi, sabi nga ng daddy ko, simple naman kasi at saka masipag. Wala naman yun kung saan nanggaling. At nakikita naman nila sa aura niya na mabait siya, so, he likes him very much."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Lolit, baka raw kasi ang nakikita pa ng daddy niya ay hindi pa ito seryoso. Baka pag seryoso na, iba na.

Nakangiting sagot ni Heart, "I'd rather have a small house kesa malaki 'tapos lonely ka naman. Huwag na lang..."

"You're so in love!" ang hirit ng mga host kay Heart.

Hiningan nila ng message si Heart for Daniel, at nagbigay naman ito. Pero in Portuguese.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN