Jennylyn Mercado on closeness of Patrick Garcia to their son: "Sana magtuloy-tuloy na rin ang masayang pagsasama nila."

IMAGE 0


"Sana magtuloy-tuloy na rin ang masayang pagsasama nila. I'm willing to... I'm willing to try. Siguro, ibibigay ko rin ang makakaya ko para maging normal ang paglaki ni Jazz. Lahat naman ng ito ginagawa ko para sa anak ko," says Jennylyn Mercado about the closeness of ex-boyfriend Patrick Garcia to their son.


Si Jennlyn Mercado ang featured guest sa "Behind The Wall" segment ng Showbiz Central kahapon, September 26.

Two months nang hindi masyadong visible si Jennylyn dahil tumutok siya sa shooting ng kanyang pelikulang Rosario, na entry sa 2010 Metro Manila Film Festival.

Pero mapapanood na rin siya ulit ng kanyang mga tagahanga sa upcoming soap ng GMA-7, ang Paano Ba ang Maging Isang Ina?.

Sa Behind The Wall ay tatlong informants ang magtatanong kay Jennylyn, at sa bandang huli ay kailangan niyang mahulaan kung sino-sino ang mga ito.

Ang unang informant ay nagsabing alam daw nito ang halos lahat ng naging relasyon ni Jennylyn. Ang second informant naman ay nagsabing marami raw silang things in common ni Jennylyn. Ang third informant ay nagsabing naging malaking parte siya sa isa sa malaking challenge sa buhay ni Jennylyn.

SELOSAN. Ang tanong ng first informant: Nagseselos ba ang boyfriend niyang si Dennis Trillo ngayong close na silang muli ni Patrick Garcia, ang kanyang ex-boyfriend at ang ama ng kanyang anak?

"Si Dennis naman kasi, alam niya ang pinagdadaanan ko," sabi ni Jennylyn. "Kumbaga, na-experience niya na rin kasi kung anuman ang pinagdadaanan ko ngayon.

"Kaya lahat ng bagay na nangyari sa buhay ko, naiintindihan niya kung bakit ko ginawa ito, kung bakit ko ginagawa. Naiintindihan niya, at very understanding naman si Dennis sa lahat ng desisyon ko."

Follow-up question naman ng co-host na si Raymond Gutierrez kay Jennylyn: Hindi ba kinukuwestiyon ni Dennis na madalas silang magkausap ni Patrick ngayon?

"Hindi naman, hindi naman. Alam naman niya na ginagawa namin yun para kay [Alex] Jazz, para naman normal na lumaki yung bata," sagot ng young actress.

PATRICK AS A FATHER. Kumusta naman sila ni Patrick at ano ang mga bagay na ginagawa nila together?

"Schedule ni Jazz... Kasi, nag-aaral na si Jazz. Yung schedule niya... Siya ang nagpi-pick-up sa house. Susunduin niya, then dadalhin niya sa school, tapos ibabalik niya ulit sa house.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos, may mga schedule na minsan gusto niyang hiramin ng ilang araw. Yun lang naman ang mga napag-uusapan namin," saad ni Jennylyn.

How is Patrick as a father?

"Very, very close na sila ni AJ. Nakakagulat nga na sa igsi ng time na nagkita sila at nagkasama, parang ang tagal na nilang magkasama," nakangiting sabi niya.

Sumang-ayon din si Jennylyn sa sinabi ni Raymond na may "instant connection" na ang mag-ama. Ito ay dahil na rin siguro sa tinatawag na "lukso ng dugo."

EXPLAINING DELICATE SCENES TO AJ. Ang second informant naman ay nagtanong tungkol sa latest movie ni Jennylyn na Rosario. Sinasabing napakatindi ng mga eksenang ginawa si Jennylyn sa pelikula, lalo na ang rape scene.

When the time comes kaya na mapanood ito ng anak niya, paano ito ipaliliwanag ni Jennylyn?

"Well, unang-una kasi, alam niya na ito ang trabaho ko. Ini-introduce ko na siya sa mga bagay na... Isinasama ko siya sa mga taping, sa mga live shows. Minsan, ine-expose ko na siya sa mga tao para alam niya ang ginagawa ng mommy niya.

"Siguro pagdating ng time na yun, na puwede na niyang panoorin yung palabas na yun, siguro maiintindihan niya na trabaho lang," paliwanag ni Jennylyn.

UNSOLICITED ADVICE. Sinabi naman ng ikatlong informant na masaya siya na maayos na ang personal na buhay ni Jennylyn ngayon.

Pero masasabi ba ni Jen na kaya rin naging magulo noon dahil sa iba't-ibang payo at panig na naririnig niya mula sa mga taong nakapaligid sa kanya?

"Well, isa na rin siguro yun, kasi ako yung taong mabilis maniwala sa mga sabi-sabi," pag-amin niya. "Isa na rin yun sa mga natutunan ko. Isa na rin yun sa mga nakagulo at naging medyo...

"Pati yung personal life ko rin, natuto na rin ako, at hindi na rin ako masyadong nakikinig kung kani-kanino."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ULTIMATE QUESTION. Nahulaan ni Jennylyn ang dalawang informants: ang kanyang non-showbiz best friend na si Shobe at ang close friend din niyang si Isabel Oli.

Ang pangatlo na bukod-tanging hindi nahulaan ni Jennylyn—at inisip na baka si Patrick Garcia—ay si Mrs. Bing Garcia, ang ina ni Patrick.

Dahil hindi nahulaan ni Jennylyn ang ikatlong informant, kinailangan niyang sagutin ang "Ultimate Question" ng Showbiz Central.

Ang tanong: Napapadalas na ang pagkikita ni Patrick at ng anak nito na si Alex Jazz. Pero totoo ba na despite their closeness, ayaw pa rin niya na ang apelyido ni Patrick ang gamitin ni Baby AJ?

"Well, about that issue, hindi pa namin napag-uusapan ni Pat talaga. But I think, kailangan naming mag-sit down and talk about it. Kailangan naming mapag-usapan," sagot ni Jennylyn.

Now that they are okay, okay na bang ipagamit ni Jennylyn ang apelyido ni Patrick sa anak?

"Tingnan natin. Kasi, kailangan din naming mag-usap na kaming dalawa lang. Yung formal, hindi pa talaga kami nakakapag-usap," maingat na sabi ni Jennylyn.

Kailan kaya mangyayari yung pag-uusap na yun?

"Well, hindi pa rin talaga namin napag-uusapan. Siguro pagdating ng time na yun, malalaman n'yo rin."



What about her relationship with Patrick's mom, kumusta naman ito?

"Okay naman po," sagot niya. "Bumalik na rin po yung dati na masaya kami ulit. Kapag merong mga occasion, magkakasama. Like recently, noong nandoon si Jazz sa hospital, nagpupunta siya, nagkukuwentuhan."

Gayundin daw sa kapatid ni Patrick na si Chesca Garcia.

Tinanong naman ni Raymond si Mrs. Bing Garcia kung ano ang feeling nito na okay na between her family and Jennylyn.

"Siyempre, masaya ako," sagot ng ina ni Patrick. " Mas masaya ako para sa mga bata. Siyempre, para kay Jen, kasi magandang dalhin sa buhay na wala kang inaalala. Wala kang iniintinding problema.

"At siguro, alam naman na ni Jen 'yan, na ever since before, talagang hindi ako nakikialam. Hands-off ako. Kapag nilapitan ako at hiningan ako, e, do'n lang ako nagbibigay ng payo or nagbibigay ng kung anong nasa isip ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero yun, hindi sapilitan. Kunin kung kukuhanin. Kung hindi at may sariling desisyon, okay lang sa akin."

Ngayong nakikita niya na may peace na between Patrick and Jen after ng gulo, ano ang nararamdaman niya?

"I'm happy for them," sagot ni Mrs. Garcia. "Alam ko naman yun, time heals all wounds. At saka lahat naman ng katotohanan, lalabas naman.

"At saka lahat ng hindi puwedeng ilabas dahil nga personal, malalaman at maiintindihan din. With all those things together, everything will fall into place."

Pagkatapos nito ay hiningan naman ng message ni Raymond si Jennylyn for Mrs. Garcia and Patrick.

"Ang message ko for Mommy Bing, siyempre, thank you for taking care of AJ. Masaya ako na masaya na tayong lahat. Sana tuloy-tuloy na.

"Kay Patrick naman, ano ba? Siguro ano... siguro happy ako na okay na sila. Nagkita na silang mag-ama..." sa puntong ito ay biglang naging emosyunal si Jennylyn.

Patuloy niya, "Sana magtuloy-tuloy na rin ang masayang pagsasama nila. I'm willing to... I'm willing to try.

"Siguro, ibibigay ko rin ang makakaya ko para maging normal ang paglaki ni Jazz. Lahat naman ng ito ginagawa ko para sa anak ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN