Lexi Fernandez has the showbiz family name, but she intends to make her own mark in the business

IMAGE 0


Lexi Fernandez says even her mom, Maritoni Fernandez, doesn't want her to live in her shadow. "Ayaw niya rin pong marinig na, 'Ay, anak ni Maritoni,' hindi po. Ang gusto po niya, marinig na, 'Ay, oo. 'Yan si Lexi Fernandez!'"


Galing sa pamilyang showbiz, lumaki si Lexi Fernandez na inaakalang normal lang sa isang tao ang pumupunta sa isang set ng TV show, umarte sa harap ng kamera, at makisalamuha sa mga artista, mga direktor at iba pang TV staff and crew.

"Two years old pa lang ako, sinasama na ako ni Mommy sa taping ng Anna Karenina [1996]. Si Direk Gil Tejada pa nga noon, parang tinuturuan pa niya ako, 'O, pag 'action!' no talking, ha. No sounds.'

"Kaya ako nun, pag nauubo ako, pinipigilan ko," kuwento ng panganay na anak ng aktres na si Maritoni Fernandez.

Nakausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng Reel Love presents Tween Hearts. Ginanap ang presscon sa 17th floor ng GMA Network Building noong September 20.

"So noon pa man, alam ko na kung paano ginagawa yung [TV show]. Then nung twelve years old ako, isinama ako ni Mommy noon sa Pinakamamahal [2006] yata yun.

"Dun ko talaga nalaman na, ito [pag-aartista] talaga ang gusto kong i-pursue. Kung yung iba, parang ang sabi, 'naaaliw lang ako dito,' o 'uy, parang ang sarap naman [mag-artista].'

"Pero ako, nung twelve ako, parang doon ko na-realize na kahit mahirap siya. At hindi porke puro glamour lang ang showbiz...ito na talaga ang gusto kong [career na] i-pursue. Love ko na talaga siya."

CONVINCING MOMMY. Nagpi-P.A. o personal assistant lang siya noon kay Maritoni. "Taga-makeup, nagbibitbit ng gamit niya."

Hanggang sa sabihin na nga ni Lexi na gusto na niyang mag-artista.

Noong una nga raw ay ayaw ng mommy niya na mag-artista siya. "'Mag-aral ka na lang nang mag-aral' sabi niya sa akin. Kasi mahirap daw."

Pero nanaig ang kagustuhan ng second-year-high-school student, na under a home-study program, na pasukin talaga ang showbiz. At ngayon nga'y full support na raw sa kanya ang mommy niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang tanungin ng PEP kung gusto ba niyang makaeksena ang mommy niya, tanggi agad ang sagot ng 15-year-old newcomer.

"Ayokong makaeksena si Mommy. Parang ang weird. Basta, ayoko, ha-ha-ha!" natawa na lang na patuloy ni Lexi.

ACTING WITH KRISTOFFER. Pero kung meron daw siyang gusto talagang makapareha sa isang matinding eksena na magpapakita ng galing niya sa pag-arte, ito'y walang iba kundi ang pina-partner sa kanyang si Kristoffer Martin.

"Kasi po yung sa pag-arte niya, nakakadala siya. Parang iba yung ugali niya pag take na. Parang binibigay niya lahat-lahat sa isang eksena, kaya nakakadala siya.

"Ako, gusto ko yun, kasi talagang mapi-feel mo yung eksena. Pati nga si Mommy, hinahangaan niya yan. Sobrang nagagalingan si Mommy kay Kristoffer," nasabi pa ni Lexi tungkol sa kapareha sa Reel Love presents Tween Hearts.

FAN TURNED CO-STAR. Pagtatapat pa ni Lexi, hindi raw siya talaga makapaniwala na kasama na niya ang mga hinahangaan niyang artista noon.

"Sina Barbie [Forteza] at sina Joshua [Dionisio] po, talagang pinapanood ko po sila noon. Talagang sinusubaybayan ko ang First Time.

"Tapos ngayon, sobrang honored po ako na makakaeksena ko na sila. Kasi magagaling naman po talaga sila," excited na nasabi ng latest Fernandez na pumasok sa showbiz.

Sa kasalukuyan, bukod sa Tween Hearts ay kasama rin sa Ilumina si Lexi bilang Stephanie, at lumalabas din sa Party Pilipinas, kunsaan naipapakita rin niya ang iba pa niyang talents sa pagkanta at pagsayaw tuwing Linggo.

"Ay, love na love ko po ang pagkanta. 'Tapos love ko rin po ang pagsasayaw. Five years old pa lang po ako, nagsasayaw na ako," bida pa ni Lexi.

MAARTENG QUEEN BEE. Sa Tween Hearts na ipinalabas na kahapon, papel-kontrabida siya sa characters nina Bea Binene, Jhake Vargas at Joyce Ching.

"Maarteng queen bee po ang papel ko. Sobrang maarte. Gusto niya po, siya lagi ang bida, lagi siyang napapansin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero may twist po kasi sa bandang huli. Ire-reveal po kung bakit ganun siya. Problem po sa family, kung bakit gusto niya lagi siyang napapansin at nagpapabida," rebelasyon ni Lexi tungkol sa kanyang character sa Tween Hearts na si Leslie.

Aminado si Lexi na bilang isang Fernandez, madali na lang sa kanya ang pagpasok sa showbiz. Pero gusto niyang ipakita na kahit dala ang kilalang apelyido, gusto niyang gumawa ng sariling pangalan sa industriyang kumilala sa talino ng kanyang mga kamag-anak at ina sa pag-arte.

"Yung pagpasok ko po sa showbiz, nasa dugo na yan, e. Gusto ko po talagang maging artista. Kasi sobrang mahal ko na yung art.

"At aminado po ako na madali po talaga ang pagpasok ko dito kumpara sa iba. Pero gusto ko rin pong patunayan ang sarili ko," pahayag pa ni Lexi.

Tinanong ng PEP kung binibigyan ba siya ng pointers ng kanyang mommy pagdating sa pag-arte.

"Ay, hindi po. Ang gusto po niya, gumawa ako ng sarili kong name sa showbiz.

"Ayaw rin po niya kasi na nasa shadow niya lang ako. Ayaw niya rin pong marinig na, 'Ay, anak ni Maritoni,' hindi po.

"Ang gusto po niya, marinig na, 'Ay, oo. 'Yan si Lexi Fernandez!'"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN