Eat Bulaga! in Anaheim, California (Part 3): The show proper

IMAGE 0


The Eat Bulaga! Dabarkads, headed by Vic Sotto (left) and Joey de Leon (third from left), are grateful that their show has been making Pinoys here and abroad happy for 31 years now.


Successful na nairaos ng Eat Bulaga! Dabarkads ang kanilang show sa Anaheim, California, noong September 18. Humigit kumulang 1,800 katao ang sumadya sa Heritage Forum, kung ang saan ang price range ng tickets ay mula sa $58 hanggang $128 para sa VIP section.

Bandang alas-sais ng gabi nang umalis sa Knotts Berry Farm hotel, na siyang naging official residence ng grupo, ang main hosts na sina Vic Sotto at Joey de Leon patungo sa venue.

Sila ang pinakahuling dinala sa Heritage Forum dahil unlike the female hosts, hindi naman nila kailangan ng mahabang oras for makeup and grooming.

Habang hinihintay ang kanilang limo bus, nagpaunlak muna ang dalawa sa picture-taking para sa mga Pinoy na nakatira rin sa hotel. May dalawang ginang nga na nagmula pa sa San Francisco at nag-abot kay Joey ng sobre. Later ay nalaman naming naglalaman ito ng tig-iisang $20 at $25 bill (o 877 at 1,097 pesos sa kasalukuyang exchange rate).

Para raw ito sa portion na "On the Spot...Jackpot," na pinagbibidahan nina Jose Manalo at Wally Bayola kung saan ay sumusugod ang dalawa sa mga bara-barangay at ang mapiling bahay na may TV set na naka-tune in sa Eat Bulaga! ay maaring magwagi ng premyo. Nangako naman si Joey na makakarating sa kinauukulan ang donation at nagpasalamat sa mga ginang.

Cool na cool lang sina Joey at Bossing Vic habang nasa daan, at dito naikuwento ng huli na nasarapan siya sa Five Guys Burgers, kung saan sila kumain ng nobyang si Pia.

Wala pang 15 minutes ang layo ng venue ng show sa hotel kaya maliwanag pa nang dumating ang dalawang bida sa venue. Ang alas-sais ng gabi kasi doon ay tila alas-kuwatro lamang ng hapon dito sa atin. Ang kaibahan lang ay medyo chilly dahil palapit na ang autumn season. Sa likod sila idinaan para maiwasan ang commotion sa harapan, kung saan nakapila ang mga Pinoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SCENES FROM THE DRESSING ROOMS. Backstage, hiwalay ng dressing rooms ang mga lalaking Dabarkads sa mga babae, habang ang mga EB Babes, na may last-minute rehearsal, ay sa mas malaking waiting room nag-ipon-ipon.

Sa dressing room ng mga lady Dabarkads, may tatlong makeup artists cum hairstylists na nakatalaga sa kanila. Pero dahil bihasa rin naman silang mag-makeup ng mga sarili ay buhok na lang halos ang kanilang pinaayos. Si Pia Guanio, pilit na pina-style ang buhok à la Kim Kardashian ng U.S. reality show na Keeping Up With the Kardashians.

Iba naman ang eksena sa dressing room ng male Dabarkads. Tila si Allan K. lang ang namataan naming busy sa harap ng salamin habang ang iba, nagtsitsikahan lang. Inaalaska nina Bossing at Joey si Jimmy Santos, na namalat ang boses. Pinipilit ng dalawang komedyante na magsalita ito pero gesture lang ang ibinigay niyang sagot.

Pine-preserve kasi ni Jimmy ang boses dahil ang pagra-rap niya ang magsisilbing opening number ng show. Tawa nang tawa sina Bossing at Joey sa kanya at lalong kumuwela pa ang alaskahan noong sumali sa usapan si Jose.

BEFORE THE SHOW. Sa lobby ng venue ay busy naman ang mga sponsors sa pagtatayo ng mga booths nila. Kanya-kanyang lagay ng signages, posters, at paninda—ranging from shirts to perfumes and beauty products.

Ang dinig namin ay $2,500 daw ang bayad ng mga sponsors na ito sa producer kapalit ng chance na makapagtinda at makapag-promote ng produkto sa venue during the show. Bale three to fours hours lang sila to do just that dahil after ng show ay pack-up na rin sila.

Alas-siete pasado nang magpapasok ng tao kaya hindi agad nasimulan ang show sa takdang oras na 7:30 p.m. Habang naghihintay, namapak muna ng mga pagkain sa likod ang ilan sa mga Dabarkads. May mga nakahain kasing Pinoy viands at delicacies sa waiting room at tila ang pinaka-hit ay ang biko at turon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Habang nagpapapasok ng audience, nagkaroon ng last-minute run-through ng show si Direk Bert de Leon, Poochie Rivera, at ang writer na si Jenny Ferre.

Right after, tumayo ang lady boss na si Malou Fagar at niyaya ang lahat na magdasal. Nagpasalamat muna sila sa Diyos dahil 31 years na ang show na nagdadala ng ligaya maski sa malalayong lugar gaya ng Anaheim. Hiniling din nila na sana'y mairaos nang maganda ang show at hindi magkaroon ng mga technical problems.

Maya-maya pa ay lumabas from the backstage ang komedyanteng si Phillip Lazaro, na siyang in charge sa warm-up ng audience. Pagkatapos ay nagpa-mock up run siya ng "Pinoy Henyo" segment at tumawag ng mga volunteers onstage. Ganoon kasi ang magaganap during the live show. Sina Joey at Vic ang mamimili ng contestants on the spot.

Theater-in-the-round ang tawag sa seating arrangement ng Heritage Forum na isang arena-style auditorium. Isa itong malaking bilog na nahahati sa 16 sections, na may 16 na aisles din na maluluwag.

Nasa gitna ang bilog na stage nito at walang backstage na maituturing dahil panay mga upuan ang nakapalibot dito. 

Nasa 2,000-plus ang capacity nito at 90 percent ang attendance noong gabing iyon.

THE SHOW. Alas-otso nang ipatawag ni Direk Poochie si Jimmy para sa kanyang rap number na hudyat ng pasisimula ng show. Nakita na rin naming pumuwesto si Mrs. Madelaine Tuviera, asawa ng EB boss na si Mr. Tony Tuviera sa upuan, na nasa dulo ng isang aisle na malapit sa director's booth. Kasama niya si Eileen na misis ni Joey at isa pang kaibigan nilang babae. Mas gusto raw ng mga ito sa dulo kaysa sa gitna dahil mas kita nila ang kaganapan from that vantage point.

Nang umalingawngaw na ang malat na boses ni Jimmy ay hindi na magkamayaw ang audience. Lalo lamang naging kuwela ang number niya dahil sa kanyang trademark style na "English-carabao," mixed with pagpiyok at pamamalat sa dulo ng kanyang mga lines.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

After ng kanyang rap number ay pinaalalahanan ni Jimmy na picture-taking daw is not allowed. 'Tapos agad itong sumundot ng, "If you don't have a camera."

Nang sumigaw siya ng, "Are you reydi?" Pumasok ang EB Babes na humataw ng sayaw sa saliw ng Eat Bulaga! song, na sinundan naman ng "Kiss" number ni Allan K. Ekstra naman sina Ruby Rodriguez at Anjo Yllana na pakuwelang kunwari ay nagki-kiss sa gilid ng entablado.

Medley ang opening number, kaya after Allan K., pasok naman sina Jose at Wally sa kanilang "Magasin" song (by Eraserheads), habang nagmo-model sa tabi nila si EB Babe Saida Diola.

Pagkatapos nila, enter frame naman sina Pia, Julia Clarete, at Pauleen Luna sa kanilang "Poker Face" dance number with the EB Babes ulit. At dahil naunsiyami ang pagdating ni Michael V, sinalo nina Jose at Wally ang kanyang "Meron Akong Ano" number.


VIC & JOEY. Malakas na ang following nina Jose at Wally doon pero, siyempre pa, mas malakas pa rin ang tilian ng mga tao nang lumabas na sina Joey at Vic.

"Get Back" ng The Beatles ang baon ng duo para sa kanilang opening number na halos hindi na marinig dahil sinasabayan sila ng audience ng pag-chant ng "Bossing!" at ang iba naman ay "Joey!"

Matapos ang mahabang opening medley ay nagsalita na ang mga hosts. Agad silang humingi ng paumanhin sa hindi pagdating ng dalawang co-hosts nila na sina Tito Sotto at Bitoy.

Na-dengue ang anak at ang apo ni Tito, at pinababa naman sa eroplano ang pamilya ni Bitoy dahil may sore eyes ang isa sa apat nitong anak.

At this point, nagbiro na naman si Bossing. Tanong niya: "May dengue ba rito? Ah, wala?" At sa tonong tila nang-iinggit pa, dagdag niya: "Puwes, sa amin [sa Pilipinas], marami. At may dala kami!"

Banat naman ni Joey: "May bilin nga pala si Bitoy. May baon din kaming sore eyes!" Dito pa lang ay naghalakhakan na ang audience.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi na pinakawalan ni Joey ang chance at sumundot na agad ng mga baon niyang "green" jokes.

Aniya: "Dahil ho hindi kumpleto ang TVJ [Tito, Vic, and Joey] ay VJ na lang kami. May nagtanong nga sa akin, kaya n'yo bang mag-VJ [BJ]. Sagot ko naman, 'Magkano?' Napagkamalan tuloy kaming bading. Anyway, ganito po, basta, hangga't may TV, may TVJ. At hangga't may TVJ, may VJ!"

At this point, nag-chant na naman ang audience ng "Joey! Joey! Joey!"

(At press time nga pala ay nakalabas na ng ICU o Intensive Care Unit ang apo ni Tito na si Mino pati na rin ang ina nitong si Apple. Nasa maayos na silang kalagayan. Si Bitoy naman ay masama pa rin ang loob sa pagpapababa sa kanya ng Philippine Airlines flight nila to Los Angeles noong September 16. Bakit daw pinasakay pa sila in the first place at bakit daw magkaiba ang desisyon ng PAL at ng quarantine doctor ng NAIA. Tila may mga nag-a-advise kay Bitoy na ireklamo ang PAL o magsampa ng demanda laban dito, pero wala pang balita kung may gagawin nga bang legal action si Bitoy.)

OTHER NUMBERS. Bagamat ilang beses nang nagamit ng comic duo nina Wally at Jose ang kanilang "Anak" gag ay kuwelang-kuwela pa rin ito sa mga tao, kahit ang iba ay napanood na in the past. On the spot kasi ay nagdadagdag ng joke ang dalawa, depende sa reaksiyon ng crowd.

Breaker naman sa gag ang sumunod na dance number nina Pia, Julia, at Pauleen na "California Gurls" (Katy Perry). Sinundan ito ng medley dance number, kung saan may solo numbers bawa't isa—"Rude Boy" (ni Rihanna) ang sinayaw ni Pia, "Your Love is My Drug" (ni Kesha) ang kay Pauleen, at "Diva" (ni Beyonce) ang kay Ruby na sinamahan niya ng pagta-tumbling, na umani ng palakpak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bago natapos ang medley ay pumasok ang dambuhalang si Jimmy na naka-Lady Gaga costume—naka-mini skirt, bra as top, at kulay platinum ito. Kay Bitoy dapat ang portion na ito pero na-achieve naman ni Jimmy ang desired effect.

TOUGH HITS. Kasunod ni Jimmy ang "Tough Hits" portion nina Vic at Joey (na kung present si Tito ay siya dapat ang taga-gitara). "Tough [imbes na Top] Hits" ang tawag ni Joey sa pagpapalit nila ng mga naughty lyrics ng mga popular songs. Ito raw ang mga bagay na kailanman ay di nila magagawa on TV kaya't buti na lang may mga live shows, katulad ng sa Anaheim, na walang censorship na ipapatupad.

Ilan sa mga tough hits ng duo ay ang "Kikay" (to the tune of "Shame and Scandal in the Family"),

 "Si Felimon," "Saranggola" (ni Celeste Legaspi), at ang finale, "Sapatos ni Sion" (with the famous line, "Kikinis 'yon!") na in-update nila nang konti.

Bago matapos ang portion ay sumali si Jimmy, may alam daw siyang bagong tawag sa mga bading at may konek daw ito sa nakaraang hostage-taking sa Luneta Grandstand last August. Kung meron daw hostage-taker, ang bading daw ay "sausage-taker." Ito pala ang cue para tawagin si Allan K na tinagurian ni Joey na "Pambansang Sausage Taker ng Pilipinas."

Bumanat naman si Allan K ng pinasikat niyang Miss Universe Beauty Pageant Animal Division, kung saan ginampanan niya ang iba't ibang kandidata mula sa iba-ibang bansa nang nag-iisa. Hindi man nagpapalit-palit ng costume ay dinaan ni Allan K ang pakuwela sa dialogue.

Pinakamalakas ang hagalpakan sa portrayal niya ng Miss China, na habang tumatawa ang mga tao ay pinatatagal pa niya ang kanyang performance. In the end, pagod na pagod siya dahil pinilit niyang maikot ang buong pabilog na stage para mapanood siya ng lahat.

PINOY HENYO. Hindi makukumpleto ang show kung walang "Pinoy Henyo," ang sikat na segment sa Eat Bulaga! na isang modified version ng charades, kung saan ang isa sa mag-partner ay magpapahula sa isang salita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tagahula ay magtatanong ng clues, gaya ng, "Lugar ba ito?" "Pagkain?" "Tao?" At ang nagpapahula ay maari lang sumagot ng "Oo," "Hindi," at "Puwede."

Sa Anaheim version, dalawang members ng audience ang on-the-spot na pinili nina Vic at Joey. Taga-Iligan sa Pilipinas ang babaeng first contestant, na nahulaan ang word na "daga."

Nahulaan din ng isang taga-Baguio naman na lalaki ang salitang "Pampanga." Kapwa sila nag-uwi ng mga souvenir items from Eat Bulaga!

CLOSING NUMBER. Sumunod agad sa "Pinoy Henyo" ang closing number nina Vic at Joey. Kinanta ni Vic ang pa-kilig song niyang "Ipagpatawad Mo," na sinundan naman ni Joey ng "Rock, Baby, Rock."

At this point, nagkakagulo na sa harap ng stage. Nag-uunahan na ang mga kababayan natin na makipagkamay sa mga artista o makipag-"kodak."

Hindi naging madaling ang pag-pull-out sa mga artista dahil malayo sila sa backstage at kailangang dumaan sa aisle na puno na ng tao. Almost two hours inabot ang show kaya mag-a-alas diyes na ito natapos.

AFTER THE SHOW. Pagkatapos ng show, diretso na ang magkasintahang Vic at Pia sa Los Angeles International Airpiort. Kailangan na kasing bumalik ng Manila si Bossing to resume the shoot of his MMFF (Metro Manila Film Festival) 2010 entry na Agimat ni Enteng, habang si Pia naman ay kailangan na sa "Chicka Minute" ng 24 Oras.

The rest ay bumalik na sa hotel at dumiretso sa Amber Waves Resto-Bar, kung saan nagpa-reserve ng dinner si Ms. Malou. Steak or salmon ang pagpipilian sa main course. At dahil sa laki ng grupo ay hindi agad nai-serve ang pagkain sa lahat.

Nakita naming nilantakan ni Jimmy ang tinapay sa table nina Wally, Ruby, Pauleen, at iba pa. Kuyog naman lagi sa isang table ang EB Babes na tila sa soup pa lang ay mga busog na. Dito yata nila napagkayarian na next time na lang nila sisipatin si Mickey Mouse dahil mas gusto muna nilang mag-shopping ng mga pasalubong para sa mga kamag-anak kesa pumunta sa Disneyland.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tawa pa rin nang tawa si Allan K sa tawag sa kanyang "sausage-taker." Alam daw niyang si Joey na naman ang nag-imbento noon.

"Ganyan 'yan, e. Sa eroplano pa lang nag-iisip na ng joke," sabi niya.

Sagot naman ni Joey, "Kailangan kasi may bago, 'saka mai-relate mo sa mga current events para may dating."

Nanghihinayang din si Joey na isa lang ang show nila. Dapat daw pag may show abroad, mga tatlong destinations man lang na magkakalapit.

"Gaya nito, dapat may San Francisco tayo," sabi niya kay Ms. Malou. "Kasi sayang ang biyahe."

May point naman siya dahil madugo ang preparasyon ng bawat isa sa kanila pag may show abroad. Kailangang mag-taping ng mga shows, mag-let go ng ibang commitments, at mapalayo sa mga mahal sa buhay ng ilang araw, kaya mas maganda nga naman na sinusulit.

Bago maghiwa-hiwalay after dinner, nagpaalam ang lahat kay Mr. T at sa asawa nito na babalik na sa bahay nila sa Glendale. Ang karamihan ay dumiretso na sa kuwarto at nagpahinga habang ang iba ang nag-victory party naman sa lobby.

UWIAN NA. Dahil 11:55 p.m. pa ng gabi ang flight, via Cathay Pacific, ng karamihan sa grupo ng Dabarkads, at 10:00 p.m. naman ang EB Babes, via PAL, ay mahaba ang libreng oras ng lahat para mamasyal o mag-shopping.

Si Allan K ay bumalik ng South Coast Plaza sa Costoa Mesa habang si Phillip Lazaro naman ay sinamahan nina Direk Poochie at writer na si Jenny Ferre sa Disneyland.

Kuwela ang kuwento ni Jenny about Phillip na first time sa anumang Disneyland.

"Laging natutulala ang bakla! E, siyempre... Kinakalabit ko kasi limited lang ang time, natutulala pa. 'Tapos ang hahaba pa ng pila. Pati ba naman corndog pinilahan [hotdog na nakabalot sa arina]... Sabi ko, 'Wag ka nang pumila diyan.' Kailangan daw niyang matikman."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Ms. Malou ay nakipagtagpo sa mga California-based friends niya habang ang mag-asawang Joey at Eileen naman ay namasyal sa La Brea, isang sosyal na lugar sa LA.

BACK TO PINAS. Kinagabihan ay nauna nang tumulak papuntang airport ang grupo ng EB Babes, kasama ang ilang staff members ng Bulaga. Alas-sais naman ang call time ng grupo ni Joey de Leon sa lobby ng hotel at seven ng gabi ay dapat umaandar na ang limo bus papuntang airport. May nakakabit nang trailer sa likod na limo bus para sa mga bagahe, na siyempre pa ay nadagdagan dahil sa mga na-shopping.

Iba ang driver ng limo bus ng gabing 'yon at bago sa paningin ng lahat. Kaya naman nang umaandar na ay nagbiro si Joey, na habang nagdadayalog ay hinihimas-himas ang kalbong ulo ng katabing si Wally at nakaakbay ang kabilang braso sa misis na si Eileen.

Sabi niya: "Oy, may tumingin ba kung kasama nating umalis 'yong bagahe?"

Napag-usapan din sa road trip ang mga kadalasang nagiging hassle sa biyahe. May binanggit si Joey na isang artista na sa higpit mag-impake ay naimpake pati passport kaya pagdating sa airport ay nataranta ito, at kung anu-ano pa.

At parang biro naman ng tadhana, biglang nag-ring ang phone ni Ms. Malou Fagar at nasa kabilang linya ang umiiyak na si Molly ng EB Babes. Naiwan daw sa hotel ang mga bagahe nito. Agad namang gumawa ng paraan si Ms. Malou at si Josie, na tao ni Mr. Tuviera.

Nagtawag ng puwedeng mag-check kung may naiwan nga sa hotel at kung puwede ay ihabol ito sa airport. Naghanap naman ng kakilala si Josie sa PAL para pakiusapan na ile-late check-in na lang ang bagahe.

Fortunately, nakahabol naman ang bagahe at matiwasay na nakauwi ang EB Babes. However, nasabon naman ng mga boss niya si Molly dahil ito pala ang nakatalagang leader ng grupo na dapat ay nagpapastol sa lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tila nalibang si Molly sa pagpapa-picture sa mga Pinoy sa lobby at hindi na niya nabantayan kung naiakyat ba sa sasakyan nila ang mga bagahe niya. It turned out, hindi pala.

Samantala, ang bigger group naman ng Dabarkads ay masuwerteng pinauna sa linya ng check-in counter ng mga Pinoy na staff ng Cathay Pacific. Wala namang nag-overweight sa grupo (allowed ng tig-isang hand-carry bag at tig-dalawang bags or box for check-in per tao at bawat bag ay dapat tumimbang lamang ng 23 kilos). Kung meron man ay kineri-over ito sa mga merong isa lang na bagahe.

Matapos mag-check-in ay tumuloy ang grupo sa dining area. Naghanap ng Chinese restaurant si Mr. T, pero napagkasunduan ng lahat na okey na rin ang pinipilahan nilang Sushi Boy.

Matapos ang dinner ay pumila na ang lahat for X-ray para makapasok na sa terminal. Walang upuan sa lounge area ng terminal kaya nagkasya na ang mga Dabarkads na sumalapak sa sahig. May mga accommodating Pinoy na naman na pinapasok na ang mga Dabarkads sa entry tube ng mga business-class passengers kahit economy ang tiket nila.

Sina Mr. and Mrs. T, Joey at Eileen, Malou Fagar at Allan K lamang ang taga-business class sa grupong 'yon kaya't nadaanan pa ng tropa ang mga ito habang naka-prenta na sa kanilang mga upuan, na nako-convert into a chaise lounge-like seat kapag gusto nang humiga ang pasahero. Dinemonstrate pa ni Allan sa amin kung paano nagta-transform ang seats.

(Incidentally, sa eroplano na nag-celebrate ng birthday niya si Ms. Eileen. Sept. 20 kasi ang birthday nito.)

May two-hour stop-over ang Cathay flight para magpalit ng eroplano sa Hong Kong.

Noong pabalik na ang grupo sa Manila, sumigla si Julia. Mula daw kasi sa airport ay didiretso siya sa prep school ng anak na si Beans at susunduin niya ito. Gustong bumawi ni Julia sa anak dahil after a few days ay aalis na naman siya papuntang Fukouka, Japan, para sa September 26 show nila doon nina Allan K, Paolo Ballesteros, Teri Onor, Ate Gay, at Kim Idol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Ruby naman ay equally excited na makita ang dalawang anak na si Toni at AJ.

Smooth ang one-and-a-half hour flight ng Cathay from Hong Kong to Manila, at may kanya-kanya nang sundo ang bawat isa paglabas sa arrival area ng NAIA (Ninoy Aquino International Airport).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN