Vice Ganda describes scene with a giant snake in Petrang Kabayo as "torture"

IMAGE 0


"Alam kong darating ang panahon na malalaos ako. Alam ko na darating ang panahon na lulubog at lulubog ang araw ng karera ko. Pero ang masisiguro ko lang siguro, malalaos ako hindi dahil sa lumaki ang ulo ko or tinamad ako sa trabaho," says Vice Ganda.


Malapit nang husgahan ang box-office appeal ni Vice Ganda dahil sa nalalapit na pagpapalabas ng kanyang launching movie na Petrang Kabayo mula sa Viva Films.

Ayon kay Vice, nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa press conference ng Petrang Kabayo, "Hindi pa talaga nagsi-sink in sa akin nang buong-buo na tapos na, magsu-showing na.

"Kinakabahan, masaya, kinakabahan. Pero, mas namumutawi ang saya kesa sa kaba."

Same pressure daw ang napi-feel niya ngayon kung ikukumpara noong nag-concert siya sa Araneta Coliseum last May 15 ng taong kasalukuyan.

"Parang wala naman pong kaibahan ang pressure ko noon sa pressure na nararamdaman ko ngayon. Nagpi-pray na lang ako para maging sure.

"Nakaka-pressure po, parang walang itulak-kabigan. Kung paano nagkakalbo ako noon, nagka-alopecia ako sa Araneta, ganoon din ang nangyayari sa akin ngayon. Hindi rin ako napagkakatulog.

"Pareho lang ang timbang ng pressure," saad ng Showtime resident judge.

SCENE WITH THE SNAKE. "Torture" ang paglalarawan ni Vice sa isang eksena sa Petrang Kabayo kung saan pinuluputan siya ng ahas.

"Torture talaga! Torture!" bulalas niya.

"Kaya muntik na kaming mag-away ni Direk Wenn [Deramas, direktor ng Petrang Kabayo] at natakot ako na baka humantong kami sa hindi pagkakaintindihan. Kasi, ayoko talaga.

"Yung ipinakita kaninang ahas, hindi yun ang ahas na makikita n'yo sa pelikula talaga. Yun ang unang shot na pumayag na ako, kasi maliit lang naman.

"Pero yung thought na hahawak ako ng ahas—hindi nga lang hahawak, ipapulupot sa buong katawan mo—ayoko talagang pumayag. Ayoko talaga ng ahas. Pero pinagbigyan ko sila kasi maganda ang ahas, maliit lang.

"Pero nang makita na niya [Direk Wenn], hindi na niya nagustuhan, pina-reshoot niya. Malaking-malaking ahas talaga!"

Ayon kay Direk Wenn, 15 feet ang haba ng ahas na ginamit sa eksenang yun.

Patuloy pa ni Vice, "E, ayoko. Ayoko talagang gawin. Noong makita ko na malaki talaga ang ahas, ayoko. Humagulgol na ako. Inabot na kami ng siyam-siyam, ayoko talagang gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang ginawa ko, hindi ko na lang inisip ang sarili ko. Ang inisip ko na lang, yung pagod ng mga taong nagtatrabaho hanggang madaling-araw na yun. Na alam kong minumura na ako, na 'Gawin mo na, para makauwi na rin kami!'

"So, pinagbigyan ko sila. Pero hinding-hindi ko makakalimutan yun. Hinding-hindi na mauulit. It's a torture. It's an experience.

"Kasi, nakakaloka, nakapulupot talaga sa akin at ang ulo, gumagalaw! E, ang eksena pa ro'n, nakahubad ako. Naka-panty na lang ako ng skin tone.

"Tapos, yung ulo ng kabayo, tuma-touch sa ulo ng notes ko! Nakakaloka! Promise!" nakakatawang kuwento niya.


WHEN THE TIME COMES. Walang duda na si Vice Ganda ang isa, kung hindi man pinakasikat, na comedians ngayon. Pero masasabi ba ni Vice na magiging iba siya sa mga artistang nawala ang kasikatan dahil sa pagiging pabaya sa trabaho?

"Hindi ko po masasabi kasi hindi naman ako Diyos," sagot niya. "Hindi ko alam kung ano ang nakalaan para sa akin.

"Alam kong darating ang panahon na malalaos ako. Alam ko na darating ang panahon na lulubog at lulubog ang araw ng karera ko.

"Pero ang masisiguro ko lang siguro, malalaos ako hindi dahil sa lumaki ang ulo ko or tinamad ako sa trabaho. Kasi, ano ako, marunong akong magtrabaho nang maayos dahil hindi ko naman nakuha lahat ng meron ako ngayon nang madali lang. Pinaghirapan ko.

"Since kinaya kong pagtrabahuhan, kaya ko rin alagaan. Pero alam ko na darating at darating ang panahon na matatapos din lahat ng ito."

BAKLA O KABAYO? Ano ang mas ayaw niyang naririnig na itinatawag sa kanya: bakla or kabayo?

"Depende sa panahon," sabi ni Vice.

"Noong batang-bata pa ako, nasasaktan ako kapag sinasabihan ako ng bakla kasi in denial ako. Pero noong baklang-bakla na ako, proud na ako.

"Mas masakit na sa akin na tawaging kabayo. Kasi, noong nagba-bakla ka, like noong college, feeling mo, maganda ka kahit na chaka kang bakla. Kahit mukha kang kabayo, in denial ka. Napipikon ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero ngayon, wala nang masakit sa tenga ko. Kabayo o bakla, masarap sa tenga ko pa rin pakinggan."


E, kung "baklang kabayo"?

"Ako na yun!" natatawa niyang sabi.

Dahil may koneksiyon sa kabayo ang ginagampanan niyang role sa launching movie niya, may nagtanong kay Vice kung nakatikim na ba siya ng damo o marijuana.

Hindi naman ito itinanggi ng sikat na stand-up comedian.

"Isang bahagi yun ng buhay ko, ng kabataan ko na humubog din sa akin ngayon," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN