Mo Twister claims Luis Alandy went too physical on him in a basketball game

IMAGE 0


White House star Mo Twister claims he got elbowed by Luis Alandy twice, before his head was pushed by the actor during a basketball game. "So, siyempre nung ginanun na ako sa mukha, pumasok na sina Direk Dominic Zapata, yung mga ibang kasamahan namin dun, nag-aawat-awat kami. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari," he said.


Tila sa hindi magandang pagtatapos mauuwi ang sampung taon nang pagiging magkaibigan nina Luis Alandy at Mo Twister.

Kuwento kasi ni Mo bago siya sumalang sa actual press conference ng White House, na ginanap sa Imperial Palace, Quezon City, naging "pisikalan" daw ang paglalaro nila ni Luis ng basketball kamakailan.

"Luis and I have been playing basketball every Sunday. And recently, I've been seeing him elbowing me a little bit more, or halimbawa, naka-shoot siya ng basket, aapir ako, hindi niya pinapansin, lumalakad na lang...," paglalahad ng radio DJ turned TV personality sa mga press people kanina, September 28.

"May isang gabi, a few weeks ago, in-elbow niya ako sa ulo nang matindi," iminuwestra ni Mo ang pagsiko sa kanya nang pababa, "and I said, 'Ok,' I got up, nahilo lang ako [nang konti], whatever...Physical player.

"The next play, ginanyan na naman niya ako sa tiyan," muwestra uli ni Mo ng pagsiko diumano ni Luis sa kanya. "Sabi ko, 'Wow, parang today mas lalo siyang galit sa akin.'

"Then the third time, nakatingin lang ako ng ganyan, tapos ginanyan niya ako sa mukha." Ipinakita ni Mo sa katabing reporter kung paanong tinulak daw ni Luis ang kanyang mukha.

Tinanong si Mo kung ano ang naging reaksiyon niya sa ginawa sa kanya ni Luis.

"Well, it's hard to say. We're all friends, e. So, siyempre nung ginanun na ako sa mukha, pumasok na sina Direk Dominic Zapata, yung mga ibang kasamahan namin dun, nag-aawat-awat kami. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari," sagot ni Mo, na ngayon ay susubok na rin sa film acting sa bagong horror movie ng Regal Films.

RIFT WITH LUIS? Matapos ang insidente sa kanila ni Luis, tinext niya pa raw ito kung ano ba ang problema nito sa kanya.

"I texted him, I asked him, 'What's the problem? Kasi you and I have been like brothers. Is it about a girl? What is it about? Nagba-Bible study ka pa naman...' E, linggo-linggo nagba-Bible study yun, e. Nagdyi-Jesus-Jesus yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pag nababasa mo yun sa Twitter, sobrang 'I love you, God.' Tapos yun nga, medyo nawi-weird-an ako. Kasi, tuwing Sunday, sa umaga, nagsisimba. Sa gabi, manununtok ng tao. Di ba, inconsistent?" natatawa pang kuwento ni Mo.

"REALLY NICE GUY." Sabi pa ng TV5 host, yun nga raw ang hindi niya maintindihan kay Luis. Mabait na tao naman daw ito at matagal na niyang kaibigan. Hindi niya raw maintindihan kung bakit ito nagalit sa kanya. May narinig daw siyang mga posibleng ikinagalit ni Luis sa kanya na kung hindi tungkol sa babae ay tungkol sa sinabi nitong hindi maganda.

"What I want to tell Luis is, it's impossible to say something bad about you because you're a really good guy."

Hindi raw sumagot ang aktor sa text message niya na nagtatanong kung bakit nga ito galit sa kanya.

"He didn't respond. I said, 'Luis, I would like to know what the problem is. Because you have always been a very dear friend. Very close to my heart...I would defend you any time. It doesn't matter kung mali ka. I will defend you always.

"'Kung gago ka, ok lang, e. Kung gago ka, at least maiintindihan ko, kung bakit ginaganyan mo 'ko.' But he's not. He's a really nice guy."

Dagdag pa ni Mo nang masolo na ng PEP pagkatapos ng presscon proper, hindi raw nito intention na i-badmouth si Luis.

"I always think highly of him. He's a gentleman and siguro one day lang siya hindi naging gentleman. But generally, 99 percent of the time is sobrang bait... He's a good friend.

"He's a man of faith, naba-Bible study siya, nagchu-church siya. I don't want to go physical with him."

Naninibago raw talaga siya kay Luis dahil maging sa mga interview ng huli ay may napapansin siyang kakaiba.

"In the interviews, when he's talking about me, he'll say, 'He used to be my friend, why will I say sorry?' It's an aggressive tone. And it's not very becoming of the person that he wants to be."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WILLING TO GET PUNCHED. Kaya nais iparating ni Mo kay Luis na kung meron daw siya talagang nagawang mali, mas mabuti raw na sabihin ito nang diretso sa kanya ni Luis at payag pa nga raw siyang magpasapak dito.

"Find the truth on why you're mad. Approach me, talk to me about it. Then you know, if you still feel you need to punch me in the face, then punch me on the face. Pero don't punch me na hindi mo naman sinasabi kung bakit, [na] hindi naman ako nakatingin. You know, things like that...Just do it in a nicer, more gentleman way. I'm sure we can work things out.

"Kasi I do love him very much. He is a really, really nice guy. Aside from this [pagiging pisikal daw sa kanya ni Luis], everybody loves Luis for a good reason."

Tinangka ng PEP na makuha ang panig ni Luis sa pamamagitan ng kanyang manager na si Noel Ferrer. Tinext muna ng PEP si Noel, 6:11 p.m. at 7:08 p.m. Nang walang sagot ay tinawagan na ito ng PEP bandang 8:38 p.m. ngunit "cannot be reached" ang cell phone nito. Nang i-text namin siyang muli bandang alas-nuwebe, nagsabi itong, "I'm in Japan now Kapatid..."

Gayunpaman, bukas ang PEP sa pahayag ni Noel, at lalo na sa sasabihin ni Luis tungkol sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN