Liezl Sicangco on "pag-aalaga" claim of Robin Padilla and Mariel Rodriguez: "Bakit may kuto at ang daming lisa ni Ali?"

IMAGE 0


The union of Robin Padilla and Mariel Rodriguez did not just ignite a circle of controversies, but also a complaint from Liezl Sicangco, the mom of the action star's four children. In her recent text messages, she asked: "Bakit may kuto at ang daming lisa ni Ali?"


"Bakit may kuto at ang daming lisa ni Ali?"

Ito ang reklamo ni Liezl Sicangco, ang ina ng apat na anak ni Robin Padilla, sa isang text message, na nakarating sa PEP (Philippine Entertainment Portal) noong Lunes, ika-27 ng Setyembre.

Kinuwestiyon rin niya ang pahayag ng action star sa ilang interbyu, kung saan sinabi ni Robin na inaalagan nila ng misis na si Mariel Rodriguez ang mga anak niya kay Liezl—Kylie, 17; Ali, 10.

Noong ika-21 ng Setyembre sa SNN, heto ang winika ng Kapamilya host-actor: "Nagpapasalamat ako kay Mariel dahil sa panahon na iyon na dapat kami po ay nasa honeymoon period, nag-aalaga siya ng bata. Noong panahon na dapat ay umaatikabong pag-ibig, siya po ay nag-aalaga ng dalawang bata [Kylie at Ali]."

Subalit, noong nakabalik sa Australia si Ali noong ika-20 ng Setyembre, may na-diskubre ni Liezl.

Ang kabuuan ng kanyang text message: "Akala ko ba inaalagaan ni mariel c ali bakit may kuto at ang daming lisa ni ali. kailangan tanggalin ko lahat kc d sya allowed pumasok sa school puuwiin cya. naku pinagmalaki pa nila na inaalagaan si ali."

REPLY FROM ROBIN'S CAMP. Unang kinuhaan ng reaksiyon ang manager ni Robin na si Betchay Vidanes sa pamamagitan ng Facebook chat.

Kasalukuyang nasa Australia ito kaya ang unang tanong ng PEP ay tungkol sa kanyang lokasyon. Ang sabi niya, "malamig" daw doon at "nag-iisa siya." Nang banggitin ng ka-chat niyang si Rommel Llanes, associate editor ng PEP, ang tungkol sa pagkakaroon ng lisa at kuto ni Ali, biglang naging offline ito.

Bandang alas tres ng hapon kanina, ika-29 ng Setyembre, pinadalhan ng text message si Mariel.

Makalipas ang halos isang oras, pinadala ng Entertainment Live at Pilipinas, Win na Win! co-host ang numero ni "ate nini," na ayon sa Kapamilya star ay "in charge of ali's personal hygiene."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Agad na tinawagan ng PEP si Ate Nini, o Nini Hidalgo, ang isa sa "mahigit sampu" na kasambahay ng action star. Bandang alas kuwatro y medya naganap ang panayam sa telepono.

Aniya, mahigit "limang buwan" daw niyang inaalagaan si Ali at nito lamang Setyembre raw niya napansin na may kuto at lisa ang kanyang alaga.

"Bale, araw-araw po kasi, nagte-training at jogging 'yan sa Circle [Quezon City Memorial Circle]. Minsan po, inaabot ng tanghali hanggang alas-tres. Araw-araw iyan. Ayun, naaarawan siya," ang panimulang kuwento niya.

Sa pagpapatuloy ni Ate Nini, "Pero tatlong beses iyan maligo. Sa umaga, kapag bababa sa second floor, bago umalis ng bahay, at saka pagbalik. Itong September lang namin nakita. Ayun, hindi na namin nagamot kasi bumalik na nga siya sa Australia."

Noong tinawagan siyang muli ng PEP makalipas ang 20 minuto, idinagdag pa niya: "Minsan din, naglalaro si Ali dito sa bahay, kasama ang street children."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN