Kris Aquino wishes she had prenuptial agreement before marrying James Yap

IMAGE 0


When she was about to marry James, Kris relates, "my mom just said to me, 'I only ask you one thing: humingi ka ng prenup para ma-secure mo si Josh.'" James Yap's lawyer, Lorna Kapunan, rebuts, "James has said to us that he's not demanding anything that belongs to Josh or that belongs to Baby James. It is Kris who is talking to James and saying, 'Ito na lang ang sa 'yo.' James has a very good relationship with Josh. To say that he has the intention to get


Noong nakaraang Linggo, September 26, ay nakausap ng Startalk si Kris Aquino dahil nagsumite na ng amended petition ang mga abogado niya para mapawalang-bisa ang kasal nila ni James Yap sa Makati City Regional Trial Court.

Nakasaad daw sa naturang petition ang isa pang dahilan kung bakit kailangang mapawalang-bisa ang kasal nila. Ayon sa kampo ni Kris, ito daw ay dahil sa "mutual psychological incapacity" nilang dalawa ni James. Nakalagay raw sa petition na pareho silang may personality disorder simula pa noong bata sila.

Ayon nga kay Kris, "We both have to undergo the psychological testing. Mahaba raw ang session na yun."

Ipinaliwanag ng abogado ni James na si Atty. Lorna Kapunan ang rason para sa amendment nang makapanayam ito ng Startalk kahapon, October 2: "The original petition, nakalagay doon, dapat the marriage should be declared null and void dahil yung nag-marry sa kanila, walang authority. If that happens, na walang authority yung nag-marry, ang child nila will be illegitimate. And it might have not a good effect kay Baby James."

CONCERNS FOR JOSH. Sa panayam pa rin ng Startalk kay Kris, may inamin din ito na isang pagsisi niya nang pakasalan niya si James.

Ayon kay Kris, "The regret, if you ask me, was that, my mom [late President Corazon Aquino], just said to me, 'I only ask you one thing: humingi ka ng prenup para ma-secure mo si Josh [ang panganay na anak ni Kris kay Phillip Salvador].' It was not for any other reason, but my mom's concern is because Josh is illegitimate. Josh is a special child who has so many needs.

"Kung meron man akong iniyak in this whole thing, sabi ko, nalugi talaga yung panganay kong anak."

Bagay naman na nireaksiyunan ni Atty. Kapunan. "It's really sad, 'no, that her whole life has become a drama. James has said to us that he's not demanding anything that belongs to Josh or that belongs to Baby James. It is Kris who is talking to James and saying, 'Ito na lang ang sa 'yo.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It is not James saying, 'I want this.' James has a very good relationship with Josh. And to even say that... he has the intention to get the property of Josh, I think is, at the very least, hurtful."

May isyu rin daw na walang ibinigay na suporta or tulong si James nang maospital ang anak, sa suspetsang dengue, noong Setyembre.

Pero sa katunayan, sabi naman ni Atty. Kapunan, "Nagpasa nga siya [James] ng bank account for Baby James, even before this quarreling. So to say that he refuses or not offered a support, I think, it's a lie."

TAKE A BREAK FROM LOVE. On the other hand, regular naman daw na nadadalaw na ni James ang anak. Tinanong si Kris, posible raw kayang maging daan yun para manumbalik ang pagiging magkaibigan nilang dalawa?

"Hindi na," ang sagot ni Kris na ikinatawa ng mga nasa paligid niya.

Dugtong pa niya, "Of course, we'll be civil and polite with each other. It's not like I'll share my secrets with him and it's not like I'll gonna tell him na, 'Uy, nililigawan mo pala si ganito,' di ba? Walang ganoon."

Nakahanda na ba si Kris sa bagong pag-ibig?

"Ayaw muna nilang lahat," natawa rin niyang sagot. "Hindi, sinasabi ng mga kapatid ko sa akin, 'Awat ka na.' And then, sabi pa ni Ate sa akin, 'Mag-boyfriend ka na lang, ha, but please, don't get married.'"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN