ABS-CBN petitions QC Court to release decision on TRO before Willing Willie's October 23 airing

IMAGE 0


The Kapamilya network has filed a motion to resolve at the Quezon City Regional Trial Court to stop the airing of Willie Revillame's new show on TV5. Willing Willie is set to premiere on October 23.


Kahapon, October 15, ay nagsampa ang ABS-CBN ng motion to resolve sa Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) upang pigilan ang pag-ere ng Willing Willie, ang bagong show ng dating talent nitong si Willie Revillame sa TV5, sa October 23.

Ito ay matapos hindi magbigay ng desisyon ang nasabing hukuman sa petition for temporary restraining order (TRO) at writ of preliminary injunction na isinampa ng ABS-CBN laban sa comedian at TV host.

Matatandaang sinabi ni Judge Luisito Cortez ng QCRTC Branch 84, sa hearing para sa nasabing TRO noong October 8, na sa dulo pa ng buwang ito niya dedesisyunan ang nasabing TRO. Samakatuwid, matutuloy ang premiere airing ng Willing Willie sa October 23, Sabado. (CLICK HERE to read related story)

Sa motion to resolve na isinampa ng ABS-CBN kahapon, sinabi nito sa korte na may "urgency" upang ilabas ang desisyon bago pa man maiere ang bagong variety show ni Willie sa TV5.

October 4 pa isinampa ng ABS-CBN ang TRO laban kay Willie. Ayon sa network, nakapirma pa ang Tv host sa kanila ng kontrata hanggang September 2011 kaya't hindi siya dapat gumawa ng programa o lumabas sa ibang network.

Nagsimula ang gulo sa pagitan ni Willie at ng network noong May 4 nang bantaan ni Willie ang management ng ABS-CBN na magre-resign siya mula sa programang Wowowee kung hindi mapapatalsik ang showbiz commentator na si Jobert Sucaldito. Matapos nito, hindi na lumabas si Wilie sa nasabing programa hanggang napalitan ito ng Pilipinas, Win na Win noong July 31. (CLICK HERE to read related story.)

Noong August 9, nagpa-presscon naman si Willie upang i-announce ang pagpapaalam niya sa ABS-CBN. Nagsampa rin si Wilie ng kaso laban sa ABS-CBN upang matapos na ang kanyang kontrata. (CLICK HERE to read related story.)

Ayon naman sa ABS-CBN, hindi puwedeng tapusin ni Willie ang kanyang kontrata dahil sa ang network daw ang "aggrieved party." (CLICK HERE to read related story)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mukha namang tuloy na tuloy na ang premiere ng Willing Willie dahil nagkaroon ito ng grand trade launch noong Wednesday, October 13.

(CLICK HERE to read related story. CLICK HERE to view pictures from the trade launch.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN