Kapamilya stars Shaina Magdayao and John Lloyd Cruz cross to GMA-7 to greet Kuya Germs on his birthday

IMAGE 0


Only the Master Showman German Moreno (left) could have prompted two ABS-CBN exclusive contract stars to step on rival soil. The occasion was the Kapuso legend's birthday celebration on Walang Tulugan With the Master Showman. Shaina Magdayao (center) brought along boyfriend John Lloyd Cruz (right), who said to Kuya Germs, "Mahal ka po namin doon sa kabila!"


Isang pambihirang pagkakataon ang naganap sa Walang Tulugan With the Master Showman kaninang madaling araw.

Umeere ang naturang variety show tuwing Sabado ng hatinggabi at nagtatapos bandang madaling araw, Linggo.

Selebrasyon kasi ng kaarawan ng host, ang Master Showman at star builder na si German "Kuya Germs" Moreno, at sorpresang dumating sa show para bumati sa kanya sina Shaina Magdayao at ang boyfriend nitong si John Lloyd Cruz.

Alam nating lahat na sina Shaina at John Lloyd ay parehong exclusive contract artists ng Star Magic ng ABS-CBN, samantalang ang show ni Kuya Germs ay sa GMA-7 ipinapalabas.

LIKE FAMILY. Pero di na rin katakatakang dumalo si Shaina. Halos anak na rin ang turing ni Kuya Germs dito at sa mga ate nitong si Vina Morales at Sheila Magdayao. Si Vina ay sumikat sa That's Entertainment noon ni Kuya Germs, at si Sheila naman ay asawa ng adopted son ng huli na si Federico Moreno.

Magkahawak-kamay na lumabas mula sa backstage sina Shaina at John Lloyd para batiin ang may-kaarawan.

Hindi nakarating si Vina dahil kasalukuyan itong nasa Amerika para sa isang show doon.

Samantala, ayon kay Shaina, nagpaalam sila sa Star Magic at pinayagan naman silang makadalo sa espesyal na okasyong ito sa buhay ng Master Showman.

Sinabi pa ni Shaina sa kanyang Tatay German, "May bago na pong bumabati sa inyo ng happy birthday," referring to John Lloyd na sa pagkakaalam namin ay first time na tumuntong sa naturang studio.

Nang sabihin ni Kuya Germs na masaya siya at nakadalaw ang magkasintahan, sumagot si John Lloyd na kung puwede nga lang ay bibisitahin nila ni Shaina ang star builder linggu-linggo, pero "mahirap po, e, mahihirapan po tayo," ang natatawa niyang pahayag.

At dinagdagan pa ito ni John Lloyd ng, "Mahal ka po namin doon sa kabila!"

Nang tanungin ni Kuya Germs kung ano ang mga pinagkakaabalahang pelikula at TV shows nina Shaina at John Lloyd, nag-promote si Shaina ng Precious Hearts Romance Presents Alynna at ang upcoming Metro Manila Film Festival movie niyang Shake Rattle & Roll XI.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi naman ni John Lloyd, "Iniimbitahan ko po kayong manood sa Lunes, mga Kapuso!"

Ang tinutukoy ni John Lloyd ay ang serye nila ni Angel Locsin na Imortal, na premiere episode na sa Lunes, October 4, sa ABS-CBN.

KEEPING HIS COOL. Sa pagtatapos ng naturang segment, pinayuhan sila ni Kuya Germs na huwag maniwala at magpadala sa mga pag-iimbento ng mga taong hindi tama ang ginagawa.

Malamang ang tinutukoy ni Kuya Germs ay ang malisyosong intrigang kumalat kamakailan tungkol sa magkasintahan. (CLICK HERE for related story.)

Pahayag pa ni Kuya Germs kay John Lloyd, "Ikaw ay mabait na bata. 'Yang success mo andidiyan, at iyan, magpapatuloy at maraming nagmamahal sa iyo.

"At higit sa lahat, ikaw ang nakita ko na hindi ka napipikon kahit na binababato ka. Ikaw, cool ka pa rin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN