Karen delos Reyes defends her "pasaway" tag in Survivor Philippines

Survivor Philippines" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23424/karen-delos-reyes-defends-her-pasaway-tag-in-survivor-philippines" data-desc="Karen explains why she called fellow castaway Ervic Vijandre "batugan."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/03e2db946.jpg"> Survivor Philippines" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23424/karen-delos-reyes-defends-her-pasaway-tag-in-survivor-philippines" data-desc="Karen explains why she called fellow castaway Ervic Vijandre "batugan."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/03e2db946.jpg"> Survivor Philippines" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23424/karen-delos-reyes-defends-her-pasaway-tag-in-survivor-philippines" data-desc="Karen explains why she called fellow castaway Ervic Vijandre "batugan."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/03e2db946.jpg">

Survivor Philippines" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23424/karen-delos-reyes-defends-her-pasaway-tag-in-survivor-philippines" data-desc="Karen explains why she called fellow castaway Ervic Vijandre "batugan."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/03e2db946.jpg"> Survivor Philippines" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23424/karen-delos-reyes-defends-her-pasaway-tag-in-survivor-philippines" data-desc="Karen explains why she called fellow castaway Ervic Vijandre "batugan."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/03e2db946.jpg"> Survivor Philippines" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23424/karen-delos-reyes-defends-her-pasaway-tag-in-survivor-philippines" data-desc="Karen explains why she called fellow castaway Ervic Vijandre "batugan."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/03e2db946.jpg"> Survivor Philippines" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23424/karen-delos-reyes-defends-her-pasaway-tag-in-survivor-philippines" data-desc="Karen explains why she called fellow castaway Ervic Vijandre "batugan."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/03e2db946.jpg">

IMAGE 0


"Bakit naman ako magtataray sa isang lalaking hindi ako gusto? Parang ang cheap ko naman, di ba? Kung hindi mo ako gusto, e, di huwag! Ang dami-daming guys diyan, e," says Karen delos Reyes.


Isinalang sa "Don't Lie To Me" segment ng Showbiz Central kahapon, October 3, ang fourth castaway na napatalsik sa Survivor Philippines Celebrity Showdown na si Karen delos Reyes.

Ang unang tanong kay Karen ng segment host na si John 'Sweet' Lapus: "Totoo ba ang paratang ng ilang mga katribo niya na ikaw ang pasimuno ng mga gulo sa Survivor dahil pasaway at palaaway ka?"

"No," sagot ni Karen, pero "Lie" ang lumabas na resulta sa lie detector.

Pagkatapos ng dance routine ni Sweet ay tinanong niya si Karen kung bakit sa palagay niya ay sinasabihan nga siyang pasaway ng karamihan.

"E, hindi naman ako pasaway or whatever at saka hindi rin naman sa akin nanggaling yung mga awayan nila. I mean, hindi ako ang nagsimula.

"May point lang kasi talaga na sobrang outspoken akong tao and kapag may mga issues sa tribo namin, sa Sar Mayee lalo. Pag sa tingin ko hindi maganda, e, magsasalita talaga ako," pagtatanggol ni Karen sa kanyang sarili.

Sa palagay ba niya, ang pagiging honest at prangka niya ang disadvantage niya kaya siya na-vote out?

"Hindi rin, e. Kasi nung napunta ako sa Nagar, hindi kami magkakakilala halos lahat. So, it's a different story."

Wala siyang pagsisisi sa ginawa niyang pagpapakita ng kaprangkahan sa isla?

"Wala," sagot ni Karen. "Hindi ako nagsisisi kasi for me, kumbaga, sa tingin ko, 'yon ang tama para sa akin. Pero kung may mga nasagasaan, e, pasensiya na lang."

ERVIC VIJANDRE. Pagkatapos nito ay tinawag ni Sweet ang special interrogator na binansagan ni Karen na "batugan" sa isla ng Ranong sa Thailand: si Ervic Vijandre.

Paglabas ni Ervic ay tinawag ito ni Karen ng "Daddy!

"Magkasama kami kagabi," banggit pa ni Karen.

May mga bulung-bulungan kasi sa mga namagitan sa kanila sa isla kaya ang naging tanong ni Ervic kay Karen ay ito: "Di ba, may kasabihang the more you hate, the more you love. Kaya ba siguro pinag-initan mo ako sa isla ay dahil ba may gusto ka sa akin? Don't lie to me, yes or no?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No!" ang natatawang sagot ni Karen.

"Truth" naman ang lumabas na resulta ng lie-detector test.

Bakit wala siyang gusto kay Ervic?

"Batugan siya, e!" tawa pa rin nang tawang sabi ni Karen.

Tinanong din ni Sweet si Karen kung bakit niya inaasar palagi si Ervic.

"Hindi, kasi... Hindi naman siya sobrang tamad, hindi naman ganun. Nagkakaroon lang ng times na minsan natutulog siya na tipong 'Uy, Ervic, tara gawa na tayo!' E, inaantok pa yung prinsipe, e. So, kami na lang ang gagawa."

Tinanong naman ni Sweet si Ervic, na-offend ba siya, o sumama ang loob o nagdamdam nang bansagan siya ni Karen na "batugan"?

"Hindi," sagot ng model turned reality star. "E, kasi alam ko naman sa sarili ko na hindi ako naging tamad sa isla. Siguro nga may times na natutulog ako. Pero kasi yung mga ginagawa ko sa isla, mga trabahong panlalaki.

"So, sa isla kasi, wala kaming kain, wala kaming tulog na maayos. So, yung ginagawa ko, mas may effort, mas may energy akong ine-exert. Mas madali akong mapagod.

"So, pag nagugutom ka, mahihilo ka, so itinutulog ko," paglilinaw ni Ervic.

Pero magkasundo na raw sina Karen at Ervic. In fact, the night before ng paghaharap nila sa Showbiz Central ay magkakasama silang gumimik with the other castaways.

PRETTY TRIZSA. Sumunod namang guest interrogator na tinawag ni Sweet ay ang archenemy at kalabang mortal diumano ni Karen sa isla na si Pretty Trizsa.

Ang tanong ni Trizsa kay Karen: "Defense mechanism mo ba ang pagtataray sa lalaki pag hindi mo nakuha ang atensiyon? Gaya noong una kayong nagkakilala ni Akihiro Sato sa isang bar, na sinabihan mo si Akihiro ng, 'Di ba, ikaw yung sa Celebrity Duets? I don't like you, you're not good!' Iyon ba ang defense mechanism mo pag hindi ka pinapansin ng isang otoko [lalaki]? Don't lie to me, yes or no?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No," sagot ni Karen.

"Hindi naman sa natural [na mataray]. I mean, bakit naman ako magtataray sa isang lalaking hindi ako gusto? Parang ang cheap ko naman, di ba? Kung hindi mo ako gusto, e, di huwag! Ang dami-daming guys diyan, e," pagtatanggol pa niya sa sarili.

Pero "Lie" ang lumabas na resulta sa lie-detector test. Kaya muling sumayaw at sumirku-sirko si Sweet.

"Uy, hindi!" sambit ni Karen.

"Yung kay Akihiro, hindi kami talaga friends ni Akihiro before. But acquainted kami ni Akihiro before.

"Then I saw him sa isang bar sa Makati and then binati ko siya. Pero wala namang isyu na ganun na sinabi ko na 'You're not good.' Ano ba naman yun, sobra naman yun!

"Hindi talaga, wala talaga. Wala akong maalalang ganun, at hindi ako ganung klaseng tao."

Survivor Philippines" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23424/karen-delos-reyes-defends-her-pasaway-tag-in-survivor-philippines" data-desc="Karen explains why she called fellow castaway Ervic Vijandre "batugan."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/03e2db946.jpg"> Survivor Philippines" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23424/karen-delos-reyes-defends-her-pasaway-tag-in-survivor-philippines" data-desc="Karen explains why she called fellow castaway Ervic Vijandre "batugan."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/03e2db946.jpg"> Survivor Philippines" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23424/karen-delos-reyes-defends-her-pasaway-tag-in-survivor-philippines" data-desc="Karen explains why she called fellow castaway Ervic Vijandre "batugan."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/03e2db946.jpg">


Survivor Philippines" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23424/karen-delos-reyes-defends-her-pasaway-tag-in-survivor-philippines" data-desc="Karen explains why she called fellow castaway Ervic Vijandre "batugan."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/03e2db946.jpg"> Survivor Philippines" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23424/karen-delos-reyes-defends-her-pasaway-tag-in-survivor-philippines" data-desc="Karen explains why she called fellow castaway Ervic Vijandre "batugan."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/03e2db946.jpg"> Survivor Philippines" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23424/karen-delos-reyes-defends-her-pasaway-tag-in-survivor-philippines" data-desc="Karen explains why she called fellow castaway Ervic Vijandre "batugan."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/03e2db946.jpg"> Survivor Philippines" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23424/karen-delos-reyes-defends-her-pasaway-tag-in-survivor-philippines" data-desc="Karen explains why she called fellow castaway Ervic Vijandre "batugan."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/03e2db946.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN