Paulo Avelino dumbstruck with joy on seeing his son for the first time

IMAGE 0


"Nung una ko ngang nakita si Aki, na-stuck ako for awhile. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Napansin ko na lang naluha na ako. Siguro dahil na rin sa sobra-sobrang kasiyahan. Kasi, at last, nakita ko na rin yung anak ko nang personal," says Paulo Avelino about meeting his son for the first time.


Kakaibang kasiyahan ang nararamdaman ngayon ng young actor na si Paulo Avelino dahil sa pagdating sa Pilipinas ng kanyang girlfriend na si LJ Reyes at ng kanilang two-month-old baby na si Ethan Akio.

Ito ang unang pagkakataon na nasilayan nang personal ni Paulo ang kanyang anak. Hindi kasi siya nakasunod sa New York kung saan nanganak si LJ noong July 24 dahil na-deny ang visa application ni Paulo.

Kaya naman hindi niya napigilang maluha habang pinagmamasdan ang kanyang kamukhang-kamukhang anak.

"Iba yung feeling, hindi ko maipaliwanag, sobrang saya!" sambit ni Paulo nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa telepono kaninang umaga, October 5, on his way to Tagaytay para sa taping ng Ilumina.

Dagdag niya, "Nung una ko ngang nakita si Aki, na-stuck ako for awhile. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

"Napansin ko na lang naluha na ako. Siguro dahil na rin sa sobra-sobrang kasiyahan. Kasi, at last, nakita ko na rin yung anak ko nang personal.

"Kaya nga kinuha ko kaagad si Aki at kinarga. Kasi alam naman ng lahat na kung ilang beses kung sinubukan na sumunod sa Amerika para makasama si LJ habang buntis siya at hanggang sa manganak siya.

"Pero hindi ako sinuwerte kasi hindi ako nabigyan ng U.S. visa. Ilang beses din akong nagtangkang kumuha, pero hindi talaga ako napagbigyan na magkaroon ng visa. Kaya naman sobrang excited ako na makita yung anak namin ni LJ."

A CHANGED MAN. Paano naiba ang takbo ng buhay niya ngayong kapiling na niya ang kanyang anak?

"Naku, malaki at madami ang pagbabago!" sambit ni Paulo. "Ngayon, mas focus na talaga ako sa trabaho.

"Simula pa naman nang malaman ko na buntis si LJ, ang dami nang pagbabagong nangyari sa buhay ko. Like, hindi na ako mahilig sa mga bagong gadget like cell phones, o damit, o kung anu-ano pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi na rin ako masyadong gumigimik katulad ng dati. Ngayon, after ng trabaho, mas gusto ko na kaagad umuwi para makipaglaro kay Aki.

"Basta ngayon, mas gusto ko na lang magtrabaho nang magtrabaho para sa anak namin ni LJ. Mas iniisip ko nang mag-save ngayon para sa future ng baby namin at ng aming pamilya.

"Iba na kasi ngayon tatay na ako!" tawa niya. "Kaya nga gustong-gustong magtrabaho kasi gusto kong ibigay ang lahat-lahat ng pangangailangan ng baby at pamilya ko sa abot ng aking makakaya."

LJ'S COMEBACK. If ever ba na gustong bumalik ni LJ sa showbiz, papayagan niya ba?

"Oo naman," sagot ni Paulo. "Napag-usapan na namin 'yan.

"Ako naman, full support sa kanya kung gusto na niyang bumalik sa pag-arte. Wala namang problema sa amin yun.

"Pero sa ngayon, ang gusto ni LJ ay alagaan muna si Aki. Pag medyo malaki-laki na isiya, baka dun na siya bumalik sa pag-arte."

Magkasama na ba sila ni LJ sa iisang bahay?

"Opo, bale nakatira kami sa Fairview, Quezon City," banggit niya.

May balak na ba silang magpakasal ni LJ ngayong taon?

"Sa ngayon, wala pa naman kaming napag-uusapan," sabi ni Paulo. "Pero oo naman, may balak kaming magpakasal ni LJ.

"Pero hindi pa namin alam kung kailan, kasi ang mahalaga naman ngayon, kung papaano namin papalakihin nang maayos si Aki.

"Pero may tamang oras at panahon para dun. Darating at darating din yun sa amin."

FAMILY AFFAIR. Hindi lang daw si Paolo ang na-excite sa pagdating ni Aki, kundi ang pamilya niya at pamilya ni LJ.

"Naku, lahat ng family ko at family ni LJ, sobrang excited na makita si Aki. Lahat sila gusto talagang makita si Aki."

Sa mga nakakita na sa anak nina Paulo at LJ, sinasabi nilang kamukhang-kamukha ito ng young actor. If ever ba na may kumuha kay Aki sa commercial ay papayagan nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro mapag-uusapan. Bahala na siguro pag nandun na tayo," sabi ni Paulo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN