Janelle Jamer returns to noontime hosting via Pilipinas, Win na Win!

IMAGE 0


"Ito 'yong gusto ko talagang gawin—ang mag-ingay sa tanghalian, kumanta sa tanghalian, at tumawa nang tumawa kahit walang nakakatawa," says returning TV host Janelle Jamer about accepting a hosting job on Pilipinas, Win na Win!.


"Wala akong kasalanan!" Janelle Jamer jokingly told PEP (Philippine Entertainment Portal) and other members of press at the start of her interview after her first appearance on Pilipinas, Win na Win!.

Janelle was introduced as one of the new hosts of the ABS-CBN noontime show, along with Hitmakers Rico Puno, Rey Valera, Nonoy Zuiga, and Marco Sison, and Gee "Speed Talker" Canlas.

This is actually Janelle's comeback to the noontime block of ABS-CBN after she left Wowowee in 2007.

"Parang walang nagbago. Kumportableng-kumportable ako. Siguro kasi same stage and same staff. Mayroon mang nadagdag na bago, pero 'yon pa din. So, hindi ako nanibago kasi pareho pa rin ng tao, pareho pa rin 'yong studio na ginagalawan," said Janelle describing her first day on the two-month old noontime show.

During the interview, Janelle obviously expressed how much she missed hosting a show. In fact, when ABS-CBN head of TV production Linggit Tan asked her what she wanted to do for her comeback, she replied: "Gusto ko pa ring mag-hosting kasi doon ang comfort zone ko."

Since this is a sort of a second chance for Janelle to do what she really wants, she included Pilipinas, Win na Win! on her priority list.

"Ito 'yong gusto ko talagang gawin—ang mag-ingay sa tanghalian, kumanta sa tanghalian, at tumawa nang tumawa kahit walang nakakatawa. Kasi, di ba, iba pa rin 'yong may daily show, e.

"Kaya noong sinabi nila kung gusto ko bang umarte, sabi ni Tita Linggit, sabi ko, 'Tita, huwag muna ngayon.' Gusto ko talaga mag-focus sa hosting para 'yong assignment ko is daily.

"Ganun kasi talaga ako, e, parang every day may iniisip ako kung ano ba ang puwede kong gawin. Kahit maliit lang ang portion na ibinibigay sa akin, kailangan buo, kailangan kahit isang punchline lang a day," she said.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CONTRACT WITH GMA-7. Another reason for Janelle to celebrate is that she was able to get the job without any hassle. According to her, this project is really a blessing because she just signed up with GMA-7's talent arm, Artist Center. She is fortunate that the Kapuso network allowed her to do Pilipinas, Win na Win!.

"Ginawan pa rin ng paraan," said Janelle. "Siguro God's will, pinayagan pa rin ako ng kabila at naghintay din naman ang ABS-CBN sa sagot namin."

Janelle also clarified that her contract with GMA Artist Center is just for bookings, so there's no conflict about her accepting the noontime show of ABS-CBN.

She explained, "Naayos na po 'yon bago pa man ako isalang sa araw na ito, naayos na lahat. Wala namang mangyayaring parang biglang mayroon palang conflict sa contract. Nabasa na at naayos na. Ayaw rin naman naming umoo dito, 'tapos biglang magkakaroon ng problema."

Does she have any idea as to why ABS-CBN offered her this project?

"Hindi ko rin alam. Siguro timing din," she answered.

"Hindi ko rin alam kung bakit ngayon lang ako kinuha ng ABS-CBN, hindi ko rin alam 'yon. So, kung anuman ang rason nila, hindi ko alam 'yon.

"Basta masaya ako ngayon na kinuha nila ako, tinanggap ko kasi wala naman akong nakikitang pangit at wala rin naman akong nasasagasaang tao. Masaya ako ngayon na nagtratrabaho ako ngayon sa Pilipinas, Win na Win!."

UNITED AS ONE. Janelle said she has no problem working with new co-hosts, including the former Wowowee co-hosts Pokwang and Valerie Concepcion.

As much as possible, according to Janelle, she reaches out to build a good relationship with her co-hosts.

She related, "In fairness, noong nag-Wowowee ako noon, never akong nagkaroon ng issue o may kaaway ako. Wala akong record na may kaaway ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Like ngayon, ako 'yong bagong pasok sa kanila, ako 'yong nag-e-effort mag-adjust at nag-e-effort na talagang mas makilala ko pa 'yong mga kasama ko sa trabaho.

"Si Ate Pokie naman, noon ko pa siya nakasama sa ibang shows na ginawa ko noon sa ABS-CBN. So, ngayon, hindi naman ako masyadong nahihirapan.

"Although si Val, ngayon lang kami talaga nagkatrabaho. Pero okay naman, nagkakausap naman kami.

"Ako talaga 'yong lumalapit sa kanila para mas makilala ko sila, para mas natural sa kamera. Kasi, ang hirap 'yong nagbabasa lang kami pare-pareho ng idiot board pagkatapos hindi kami nagtitinginan or wala kaming mga inside joke. Mas maganda pa rin 'yong parang meron kaming mas personal na lihim na kami-kami ang nagkakaintidihan."

Janelle also mentioned that every host is given time to shine in Pilipinas, Win Na Win!.

She said, "Napag-meeting-an naman namin, ngayon ay parang as one kami. Hindi lang siya parang isa lang ang bida dito, parang lahat kami dito nagpa-function, e. Kung mapapansin ninyo, lahat bubbly, lahat makulit.

"Noon kasi, noong panahon ko, ako 'yong pinakamaingay sa aming tatlo. Ngayon, maingay din si Pokwang, si Valerie, at si Gee.

"So, lahat kami may kanya-kanyang character. 'Yong bawat character na 'yon, 'yon ang magtutulung-tulong para doon sa show. Hindi lang isa 'yong taong magpapasaya sa tanghalian nila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN