Janelle Jamer says relationship with Jordan Herrera is still okay

IMAGE 0


"Ugali naming dalawa ni Jordan, kung ano ang issue niya before, hindi namin pinag-uusapan. Kung ano ang naging issue ko, hindi namin pinag-uusapan. Hindi kami nabubuhay sa past namin," says Janelle Jamer about boyfriend Jordan Herrera.


Isa si Janelle Jamer sa mga ipinakilala kahapon, October 4, bilang bagong host ng noontime show ng ABS-CBN na Pilipinas, Win Na Win!. Kasama niya ang Hitmakers na sina Rico Puno, Rey Valera, Marco Sison at Nonoy Zuiga, at ang "Speed Talker" na si Gee Canlas.

"I RESIGNED." Sa pagbabalik ni Janelle sa bakuran ng ABS-CBN, maraming tanong ang ipinukol sa kanya. Isa na nga rito ang pagpapatalsik diumano sa kanya ni Willie Revillame sa Wowowee noong 2007.

Pero paglilinaw niya: "I resigned. Alam naman ng staff na I resigned."

Hindi agad nakapagsalita si Janelle sa tanong ng PEP kung ano ang rason ng kanyang pag-alis. Sa reaksiyon niya, halatang ayaw niyang sabihin ang totoong dahilan.

"Tabunan na natin yun. Tabunan na natin yun," iwas niya. "Pero hindi ako nabuntis or whatsoever. Yung mga negative na lumabas noon, hindi po talaga totoo yun.

"Siguro may mga bagay ka lang na kailangang isipin mo bago mo pasukin. So, para mas safe ka, kailangan mong mamili kung aalis ka ba o mag-i-stay ka."

Hindi rin masagot ni Janelle ang tanong namin kung may kinalaman ba si Willie sa ginawa niyang pag-alis noon sa Wowowee.

"Panoorin na lang po ninyo ang Pilipinas, Win Na Win!...kasi ayoko na rin [pag-usapan]. Kumbaga, baka sabihin nakikidikit pa or whatsoever, di ba?

"Ngayon, it's a good start for me. Gusto ko positive lahat. Itong pagbabalik ko, umalis akong tahimik, bumabalik akong tahimik," saad niya.

WILLIE REVILLAME. Inamin naman ni Janelle na hindi pa sila nagkikita ulit ni Willie mula nang umalis siya sa Wowowee.

"Hindi pa. Wala ring communication," sabi niya.

"No'ng umalis ako dito, pagbalik ko dito, wala siya, nasa ospital. Dinalaw ko yung staff. Yun yung pagkauwi ko galing States.

"So, hindi pa rin kami nagkikita. Pero kung makikita ko siya, magha-hi-hello ako sa kanya. Pero hindi kami magkaaway," diin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Siya ba ang unang babati kay Willie kapag nagkita sila?

"Siguro bilang respeto na lang din dahil matagal na siya sa industriya at wala rin naman akong ginawang masama sa kanya," sabi ni Janelle.

Si Willie ba ay may ginawang masama sa iyo?

"Hindi ko alam! Wala, e," alumpihit niyang reaksiyon.

JORDAN HERRERA. Loveless nga ba si Janelle ngayon kaya bumabalik na naman siya sa limelight? Balitang wala na raw sila ng sexy actor na si Jordan Herrera.

"Hindi, okey kami. Maayos naman," paglilinaw niya.

"Nasa States si Jordan ngayon. Actually, pangalawang beses na niyang punta sa States ngayon.

"Noong una, nagpaalam siya sa akin na five months siya doon para sa mga bata. Pero biglang umuwi lang siya after 10 days lang.

"Oo, may mga anak siya doon. Tatlo bale ang anak niya. Doon sa una, isa lang, at doon sa pangalawa, dalawa. In-enumerate ko pa, ha!" tawa niya.

"Oo naman, tanggap ko, gano'n talaga, e. Pag-ibig, e. Pero okey naman kami ngayon... Ano na kami, one year and six months na rin kami.

"Every day naman kami nag-uusap. Kaso, ito lang Win Na Win na ito ang hindi namin napag-usapan nang medyo maayos."

Dati nang nasalang sa isyu si Jordan nang ma-link ito sa isang gay personality. Maliban doon ay may mga iba pang sitsit tungkol sa pagiging malapit nito sa ibang mga bading.

Aware ba si Janelle sa mga intriga tungkol kay Jordan? May mga inamin ba ang sexy actor tungkol sa mga naging malapit na gays sa kanya?

"Ugali naming dalawa ni Jordan, kung ano ang issue niya before, hindi namin pinag-uusapan. Kung ano ang naging issue ko, hindi namin pinag-uusapan. Hindi kami nabubuhay sa past namin.

"Basta, masasabi ko na sobrang iba, iba niya ako sobrang inalagaan. Ibang level. Mabait. Very friendly siya, e.

"Ngayon, medyo nanibago kami kasi naging ano kami...na hindi kami parehong active sa isa't isa, e. So, ngayon, medyo naninibago na kailangang ayusin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tinanggap ko itong Win Na Win at nandoon siya sa States. Hindi namin napag-usapan nang maayos. Kaya naman siya nandoon, kasi yung mga kids, nasa schooling. Puwede naman akong sumama, kaso nga lang hindi puwede," saad ni Janelle.

ROBIN PADILLA. Biniro naman si Janelle na kung nasa Wowowee pa siya noon ay baka siya ang natipuhan ni Robin at hindi si Mariel Rodriguez.

"E, bakit naman, may dyowa ka! Ewan ko lang kung single ako. Hindi naman ako ipokrita, di ba? Pero kung may boyfriend, wala siguro sa utak ko yun," sabi ni Janelle.

Crush niya rin ba si Robin?

"Baka awayin ako ni Mariel!" tawa niya.

"Well, wala naman sigurong babae ang hindi magkaka-crush sa kanya dahil napaka-gentleman niya. Kahit naman sino siguro.

"Pero minsan nakakatakot dahil lahat sa kanya kinikilig. So, mas maraming temptation."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN