Angelu de Leon on getting married after two children: "It's not how you started, it's how you finish."

IMAGE 0


"I don't say our relationship will be smooth, bed-of-roses relationship. It would have its ups and downs, it would have it's adjustments. But the good thing about it, we know that it would come," says Angelu de Leon about her relationship with husband Wowie Rivera.


Napakaganda ng aura ni Angelu de Leon nang humarap siya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa presscon ng Koreana kagabi, October 5, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Kitang-kita ang kaligayahan at kasiyahan ni Angelu ngayon bilang Mrs. Lorenzo "Wowie" Rivera.

Kamakailan lang nang sorpresahin ni Angelu ang lahat dahil sa pagpapakasal niya sa kanyang non-showbiz boyfriend sa Sofitel Hotel noong September 17. Sa ngayon, halos wala na raw mahihiling pa ang aktres.

"IT'S HOW YOU STARTED." Alam naman ng lahat na may dalawang anak na babae na si Angelu sa pagkadalaga at sa magkaibang ama—ang panganay niya ay mula sa aktor na si Joko Diaz at ang pangalawa ay mula sa businessman na si Jojo Manlongat.

Pero kung magkakaroon at bibiyayaan daw sila ng kanyang mister ng kanilang sariling anak, "bonus" na raw ito para kay Angelu.

"I guess ang pinaka-bonus ko na lang kay God is to have a baby with him [Wowie]," sambit ng 31-year-old actress.

"And sabi ko nga, it's not how we started. Sabi nga, bakit simple lang ang wedding, bakit madalian? Bakit ganyan-ganyan? It's not how you started, it's how you finish.

"So, I guess, yung icing of the cake namin is when we really spend our lifetime together in eternity. To top it all, yun ang dating.

"Sabi ko nga," patuloy niya, "I waited for it, for more than half of my life. At sabi ko, I really prayed for this.

"Noong time na maghiwalay kami, I really prayed. Sabi ko, 'Lord, kung siya, give me a yes and a no answer.' Sabi ko, 'Ayoko na ng give me a sign. Gusto ko talaga, yes and no.'

"And you know, true enough, He brought me to a Bible verse that said yes."

Ang Bible verse na tinutukoy niya ay ang 2 Corinthians Chapter 2.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakalagay do'n na 'A yes is a yes from God.' So, yung pagsasabi ng Amen, it's just actually agreeing to what God said.

"Talagang sabi niya, 'It's God's will, God's time, it's perfect and it's good.' So, yun lang."

Perfect talaga para sa kanya?

"I don't say our relationship will be smooth, bed-of-roses relationship. It would have its ups and downs, it would have it's adjustments. But the good thing about it, we know that it would come.

"At sabi nga namin, the only thing that can ruin this marriage is when we forget that God is the center. That's the only thing. That's the only time.

"Kapag pride sets in, nagpaapekto ka na sa mga sabi ng ibang tao, yung judgment ng ibang tao, and we forget that we have a higher God. That's the only time that this marriage is not gonna work," saad niya.

KOREANA IS ALSO A BLESSING. Maging ang pagkakasama raw ni Angelu sa cast ng Koreana, bilang ina ni Kris Bernal, ay maituturing niyang isang blessing.

"I guess, I'm very, very lucky," sambit niya. "Unang-una, I play the good mother naman. So, for a change, finally, malapit sa puso ko.

"Nanay ako na hindi na ako yung palasigaw, mataray. Parang finally, kumportable na kumportable.

"I guess, sa role na ito, hindi ako umaarte. I'm being paid to be who I really am in life.

"Whatever I do on the show, I will do for my kids. So, yun yung pinaka-kinaganda ng show.

"Sabi ko nga, ito yata ang pang-honeymoon sa amin ni Lord," nakangiting pahayag ni Angelu.

HONEYMOON. Ayon sa aktres, ngayon pa lang kasi magaganap ang honeymoon nila ng kanyang asawa. Sa Europe daw nila balak mag-honeymoon.

"We'll gonna leave this October and then, this [Koreana] came. Siyempre, normally kapag may trabaho, parang paano 'yan? Paano ang schedule?' And he [Angelu's husband] was open for change.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But the good part, the days itself on the script, mawawala talaga ako for a time. Tapos, babalik ako. So, sabi ko, parang can't it be more perfect than that?

"Sinabi naman nila sa akin na medyo matagal. And they were very honest to tell me na hindi sure kung babalik ang character ko, which is good.

"For me, okay lang. Kesa yung nagpapaasa na 'Huwag kang mag-alala, babalik ka.' 'Tapos, tapos na ang show, hindi ako bumalik!" natatawang sabi ni Angelu.

Dugtong pa niya, "That's what I admire in GMA, the honesty that they can tell their actor na, 'You know, we're not sure if you'll gonna come back.' Parang for me, thank you. Parang, hello, sa panahon na ito, you cannot be choosy! Hindi ka na puwedeng magmaldita, may pamilya na."

Wala rin daw problema sa mister ni Angelu kung magpatuloy siya sa kanyang showbiz career.

"Hindi... Actually, nakakatawa nga. Noong time na pagkatapos naming ikasal, a week after, we found out na may Koreana.

"So, sabi niya, parang siya lang daw ang ikinasal, tapos biglang binata siya ulit. Kasi, I come home 9 o'clock [in the morning], may meeting na siya.

"E, noong time na hindi pa kami ikinakasal, we were together every day. Tapos, parang ngayon, noong ikinasal daw siya... Parang nagbibiruan kami, 'Ay, anong nangyari, may asawa ba 'ko?' At least with those things, we can joke about it," kuwento ni Angelu.

Pero iginiit ni Angelu na kung sakali man daw makasagabal ang kanyang career sa kanyang pamilya, alam na niya ang pipiliin niya.

"Of course, I'll be very, very honest. If this becomes a problem sooner or later, of course, I will choose my husband because I have to submit to him," sabi niya.

SEEING HERSELF. Aminado naman si Angelu na somehow ay nakikita niya ang kanyang sarili sa lead star ng Koreana na si Kris when she was younger.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko nga, I guess, kasi noong panahon naman namin, mas iba yung culture ng show business. Kasi ngayon, they really have to be on their toes, kasi ang bilis ng palit ng panahon.

"Kaya sabi ko [kay Kris], 'You have to be grateful. Not just with the work that you get, but also with the people around you.'

"Eventually kasi, katulad ko, kung sino yung mga taong kasama ko noong sikat na sikat ako at noong mag-lie low rin ako, noong time na bumabalik ako, it's the same people. Nadaragdagan, pero hindi nababawasan, which is I think the most important.

"At later part ko na lang na-realize na ang importante is not who you are in show business, but it's the relationship you have in show business. Kasi nga, it's not the title or label you have or kung anumang star ka.

"But eventually, it's the people around you that you'll gonna meet. The same staff, same crew, same utility.

"Parang yun for me, you'll always have to be grateful. Kasi minsan, when pride sets in, it's totally different. Parang yabang... Parang 'mawala na kayong lahat, huwag lang ako...' Ay, pangit!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN