Jay-R believes celebrities should maintain Twitter accounts to connect with fans

IMAGE 0


Mahilig din daw si Jay-R sa photography. "Yeah, my dad was a photographer. My brother's a photographer. So I grew up around photographers taking pictures. Mahilig din ako. I just recently got into ddirecting my music videos. So, kaya ko kinuha yung [Canon] 7D. It takes really good pictures, and it really has good HD video quality," saad niya.


Noong Nobyembre 22 ay naka-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng isang anti-virus software company na ginanap sa Quezon City.

Dahil nga related sa technology ang nasabing presscon, minabuti ng PEP na itanong kay Jay-R kung ano ang mga gadgets na hilig niyang gamitin.

"Madami," agad niyang sagot. "There's iPad, there's iPhone, there's iPod, there's computers. There's my, ano, lahat ng mga hardware ko for music, mga software ko for music. There's my video cameras, picture cameras. Ang dami, e."

Inamin ni Jay-R na techie talaga siya. Ginagamit niya raw kasi ang mga gadgets na ito sa kanyang trabaho bilang singer. Halimbawa, sa Mac desktop computer niya nire-record ang mga bago niyang kanta. Gumagamit naman siya ng Canon 7D para kuhanan ang mga music videos na ginagawa niya.

Dagdag pa niya, kailangan daw kasing maging updated ngayon sa larangan ng teknolohiya.

"Our age ngayon, it's an age of technology and you have to stay updated, especially in music," saad ni Jay-R. "You know, with the technology now, as it grows, yung music naggo-grow din, nagtse-change yung sounds. So, you have to keep updated if you wanna keep on top of the game, so kailangan talagang maging updated lagi."

Bukod pa sa gadgets, mahilig din si Jay-R na gumamit ng mga social networking sites tulad ng Twitter at Facebook. Isa raw ito sa mga paraan para maka-connect siya sa kanyang mga tagahanga.

"Oh yeah, it's important to reach to the fans, to communicate with them and let them know what we're doing. Kasi they're really interested, e.

"And if you don't communicate to them, mawawala yung interest. But, the fans are really important. That's why we're here, e. They make us be who we are, e.

"So it's important to give back to them and take the time to really let them know anong ginagawa mo. Kahit maliit na bagay lang na kumain ako ng itlog ngayon or something, di ba?" paliwanag ng singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Importante rin daw sa kanya ang dami ng followers niya sa Twitter, at kinukumpara niya ito sa followers ng ibang Pinoy celebrities. Sa kasalukuyan ay may 29,184 followers na si Jay-R, (@rnbjayr) sa nasabing social networking site.

"I wanna get the most I can, yeah. I could have more, you know. I compare it sa mga ibang artista. Ang dami nila! Si Mo Twister, like, 200,000, 500,000 or something, di ba? E sa akin mga 29,000 lang," saad niya.

Aminado naman si Jay-R na hindi lahat ng followers niya ay mga tagahanga niya. Meron din kasing mga nambabastos sa pamamagitan ng Twitter.

Kuwento niya, "Yung ano, yung mga haters, talaga. They're always like, "Jay-R, ang pangit mo, mukha kang unggoy." Sabi ko, "Wow, mean mo naman. Pero okay lang, I'll just delete you.'"

Dahil sa pagkabihasa ni Jay-R sa teknolohiya, kakayanin niya pa bang mabuhay ng wala ito?

"I can live without technology, definitely. Pero, I don't know if it's wise to," sabi ni Jay-R.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN