Stars invade launching of new Italian-inspired café in Makati; Manny Pacquiao cuts ceremonial ribbon

IMAGE 0


Filipino boxing icon Manny Pacquiao graces the launching of Caffe Ti-amo at Greenbelt 5 in Makati City. Standing beside Manny is Jollibee Foods Corporation Chairman Tony Tan Caktiong (right).


Naging star-studded ang launching ng Caffe Ti-amo na ginanap ngayong araw, December 1, sa Greenbelt 5, Makati City.

Ipinagmamalaki ng nasabing café ang kanilang Italian coffee and gelato products, at ipinatikim nila ito sa mga bisitang dumating.

Sa bansang Korea unang sumikat ang Caffe Ti-amo na itinayo noong 2006. Mayo naman ng taong ito nang lumabas ang balita na binili ng local fast food giant na Jollibee Foods Corporation ang master franchise ng coffee and ice cream café at balak nilang magbukas ng maraming outlets dito sa Metro Manila.

In Italian, "Ti-amo" means "I love you" at tila sakto naman ang pangalan ng café dahil nagustuhan ng mga invited guests ang kanilang gelato ice cream na mabibili sa iba't ibang flavors tulad ng vanilla, ube, dark chocolate, milk chocolate, chocolate chip, chocolate mint, melon, blueberry, orange, at piña colada.

KAPUSO INVASION. Bago pa sumapit ang tanghali ay unti-unti nang nagdatingan ang mga inimbitahang bisita na halos galing lahat sa bakuran ng GMA-7.

Unang dumating ang Brazilian-Japanese model at Survivor Celebrity Showdown castaway na si Akihiro Sato, na sinundan naman ng aktres na si Heart Evangelista.

Magkakasabay na dumating ang mga ALV Events International talents na sina Carla Abellana, Bianca King, at Camille Prats, kasama ang kanilang manager na si Arnold Vegafria.

"We're just friends," sabi naman ni Richard Gutierrez nang tanungin siya ng mga reporters kung may namamagitan ba sa kanila ng modelo at Survivor Celebrity Showdown castaway na si Solenn Heussaff.

Magkasamang dumating sina Solenn at Richard kaya na-curious ang marami kung may something romantic na namamagitan sa dalawa, na parehong napapanood sa Kapuso network.

Napag-alaman din ng PEP (Philippine Entertainment Portal) that Solenn is currently being considered para mapabilang sa cast ng upcoming primetime series ni Richard na Captain Barbell.

Present din si Annabelle Rama at ang mga alaga nito na sina John Hall, Michelle at Ehra Madrigal, at Carla Humphries.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang iba pang dumating ay sina Ruffa Gutierrez, Rhian Ramos, Isabel Oli, Gwen Zamora, Sam Pinto, Iza Calzado, Bea Binene, Ian Batherson, JC Tiuseco, Kris Lawrence, at Jay R.

Nagkita rin sa event sina GMA-7 chief executive na si Atty. Felipe Gozon at TV5 head na si Manuel "Manny" Pangilinan. Nagkatabi pa nga ang dalawang network heads na bihira natin makita, siyempre, in a public setting.

Mas naunang nagpaalam para umalis si Pangilinan dahil may isa pa raw itong lakad na pupuntahan. Natatawa namang sinabi ni Atty. Gozon na "puro GMA-7 pala ang nandito" habang papalabas ng café entrance.

PACMAN CUTS THE RIBBON. Hindi agad ginawa ang ribbon- cutting ceremony dahil hinihintay ang pagdating ng guest of honor na walang iba kundi ang world boxing champion na si Manny Pacquiao.

Nagkagulo naman ang mga tao sa pagdating ni Pacquiao, na personal pang sinamahan ni Jollibee founder at JFC Chairman Tony Tan Caktiong.

Maging ang mga naiwang celebrity guests ay tila na-star-struck nang makita nang malapitan ang Pambansang Kamao, na bantay-sarado ng kanyang mga bodyguards.

Pinakiusapan muna ang mga photographers at cameramen na umusog at bigyan ng sapat na distansya ang dalawang VIP's para masimulan na ang ribbon-cutting ceremony na tumagal lamang ng ilang segundo.

Hindi na na-interview ng mga reporters si Pacquiao dahil dumiretso na agad ito sa nakareserbang upuan, kasama ang ilang executives ng giant fastfood company, para kumain.

Tuwang-tuwa naman ang mga empleyado ng café dahil pinagbigyan ni Pacquiao ang kanilang kahilingan na makapagpakuha ng larawan sa may counter bago umalis. Walang humpay din ang pagkuha ng picture ng mga tao na nakapuwesto sa labas habang nagsisigawan ng "Manny! "Manny! Manny!"

All in all ay naging matagumpay ang launching ng newest brand under the Jollibee group, at umaasa siyempre ang kumpanya na tatangkilikin din ito ng publiko kagaya ng iba nilang food chains.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN