Ahron Villena relates how Survivor Philippines: Celebrity Edition helped him lose weight

IMAGE 0


Ahron Villena frequents the gym nowadays to achieve a better physique. He says, "Sabi ko, tumatanda na ako so gusto ko, kahit papaano, kung dumating na 'yong time na bibigyan ako ng project, hindi ko na kailangang maghanda, ready na ako."


Pinatotohanan ni Ahron Villena na pahirapan talaga sa pagkain ang mga castaway ng Survivor Philippines.

Si Ahron ay ang ika-11 castaway na napatanggal sa celebrity edition ng reality show ng GMA-7. (CLICK HERE to read related article)

Sa mga ipinapalabas sa telebisyon, makikitang limitado lamang ang binibigay na pagkain sa mga castaway. Minsan pa ay kinukulang sila kaya kailangan nilang maghanap sa paligid ng isla ng kung anu-anong puwedeng kainin.

Kaya naman, sabi ni Ahron, sobrang na-miss niya ang kanyang mga paboritong pagkain, tulad ng hipon at liempo. "Siyempre, doon wala kaming makain," sabi ni Ahron sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) noong Martes, Nobyembre 30, sa Johnny Rockets sa Tomas Morato, Quezon City.

Subalit kung may mabuti namang naidulot ang sitwasyong ito, sabi ng 23-year-old celebrity, marahil ito ay ang pagkabawas ng kanyang timbang. Mainam daw ito lalo pa't aminado siyang adik sa paggi-dym noon.

Ayon sa kanya, talagang bumaba ang kanyang timbang sa loob ng halos isang buwan niyang pamamalagi sa isang isla sa Ranong Province ng Thailand.

"Dito sa Survivor, kapag gusto mo palang mag-diet, sa Survivor ka sumali," natatawang sabi ni Ahron.

Patuloy pa niya, "Hindi mo na kailangang magpakahirap, talagang papayat ka. Nag-lose ako ng weight, siguro mga eight to 10 pounds."

FOCUSING ON ABS. Sa ngayon, ayon sa dating talent ng ABS-CBN, marahil ay nadagdagan na ng kaunti ang kanyang timbang. Sabi niya, "Kasi, mga three months na kami dito. Feeling ko medyo nag-gain na ulit ako."

Ito ang dahilan kung bakit nagbalik siya sa dati niyang kinahiligan, ang pagpunta sa gym.

Bilang isang "gym addict" noon, sabi ni Ahron, "dumating ako sa point na hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ako nakapag-workout. Before, four or five times a week.

"Ngayon, three [times a week] na lang. 'Tapos nagpo-focus ako sa abs kasi ang hirap magkaroon ng abs. Before 15 minutes lang pero parang walang epekto. Kaya ngayon, mga 45 minutes na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Usually kapag nagwo-workout ako, chest, biceps, and abs. 'Tapos, the next day, biceps, back, and abs ulit. Then, shoulders and abs, palaging may abs."

Ganito rin ba ang ginawa niya noong nalaman niyang kasama siya sa mga castaway ng Survivor?

"Actually, sa Survivor hindi ako nag-prepare doon. Parang dumating na handing-handa na ako." sabi niya.

Para kay Ahron, naging parte na lang ng kanyang mga karaniwang ginagawa ang pagpunta sa gym. "Sabi ko kasi, tumatanda na ako so gusto ko, kahit papaano, kung dumating na 'yong time na bibigyan ako ng project, hindi ko na kailangang maghanda, ready na ako."

Sa ngayon, naghihintay na lamang si Ahron ng kumpirmasyon ng kanyang talent manager na si Arnold Vegafria para sa kanyang susunod na proyekto.

Nang tanungin ng PEP kung ano ito, napangisi si Ahron at sinabi, "Ayaw ko munang i-confirm kasi baka mamaya maudlot."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN