Vivian Velez on wrath of Marian Rivera's fans: "Nakalimutan ko na showbiz nga pala, kailangang maging plastic ka nang konti."

IMAGE 0


"You know, I always get into controversy because of my frankness, di ba? So, medyo kailangan kong rendahan nang konti ang sarili ko," says Vivian Velez.


Lumikha agad ng kontrobersiya ang pagbabalik ni Vivian Velez sa pag-arte dahil sa komento niya tungkol sa pagganap ni Marian Rivera sa TV remake ng pinagbidahan niyang pelikula noon, Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang.

Matatandaang sa presscon ng Imortal, ang kinabibilangang primetime series ni Vivian sa ABS-CBN, nabanggit ang tungkol sa remake ng kanyang 1980 film.

Ayon kay Vivian, "hindi bagay" kay Marian ang role bilang Proserfina dahil "kulang ng anghang" ang ipinakita nitong pag-arte. Dagdag pa niya, "mukhang mabait" kasi ang Kapuso actress. (CLICK HERE to read related story.)

Sa panayam sa kanya ni Dolly Ann Carvajal sa Paparazzi noong Linggo, November 14, ay muling ipinaliwanag ni Vivian ang kanyang naging pahayag.

"Ang sinabi ko lang naman, kulang sa anghang. Kasi, di ba, ang mukha ni Marian is really maamo?

"So, sabi ko, yung complexity no'ng character, medyo mahirap talagang i-portray. So, double effort dapat yun sa isang artista, if ever, para maipakita yung bitterness at damaged character.

"So, nakukulangan ako do'n," ulit niya.

Dahil sa naging pahayag na ito ni Vivian, maraming fans ni Marian ang nagalit sa kanya.

"Yun na nga, kaya ang sabi ko, you know, I don't mean naman to hurt Marian," sabi niya.

"Tinanong lang naman ako at nasanay kami sa film school na nagbibigay ng reaction paper. So, nakalimutan ko na showbiz nga pala, kailangang maging plastic ka nang konti.

"But, you know, I always get into controversy because of my frankness, di ba? So, medyo kailangan kong rendahan nang konti ang sarili ko."

MISS BODY BEAUTIFUL. Nang tanungin naman si Vivian kung sino dapat ang magmana ng kanyang dating titulo na "Miss Body Beautiful," mabilis niyang isinagot ang pangalan ni Angel Locsin.

Ito ba ay dahil si Angel ang kasama niya sa Imortal?

"Tinanong lang yun sa akin ng mga press, na sabi nila, kung sino raw ang if ever... So, sabi ko, si Angel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Angel naman ang para sa akin, body-wise, maganda, sexy," sagot niya.

ANGEL & MARIAN. Nasabi rin ni Vivian sa press conference noon ng Imortal na si Angel ang isa sa mga artista na gusto niyang maidirek. Kumukuha kasi ng filmmaking course si Vivian.

Kung sakali na sina Angel at Marian ang gagawan niya ng pelikula, anong klaseng pelikula ito?

"Kay Angel definitely, kung magre-remake ako, I want to do the Paradise Inn, yung kay Celso Ad. Castillo, Lolita Rodriguez and Vivian Velez.

"Babaligtarin ko naman. Ako na yung mother at siya na ang daughter. That was a beautiful film," sabi ni Vivian.

Pang-iintriga ni Dolly Ann, bakit si Marian daw ay parang hesitant siyang idirek?

"Siguro gagawin ulit namin ang Ang Babaeng Hinugot, my version. Take two!" natatawa niyang sabi.

Willing ba siyang gumawa ng project with Marian?

"Sure! Definitely," sagot niya.

Na mother and daughter din?

"Ah, siguro, oo..."

Biniro siya ulit ni Dolly Ann na base sa sagot niya ay parang ayaw raw niya.

"Hindi kasi kami magkamukha, e!" tawa ulit ni Vivian.

Kaugnay ng komento ni Vivian tungkol sa naging pag-arte ni Marian sa Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang, nagbigay na rin ng pahayag si Marian tungkol dito sa presscon ng Super Inday noong Lunes, November 15.

Ayon kay Marian, nirerespeto niya ang opinyon ni Vivian. (CLICK HERE to read related story.)

SEX-VIDEO SCANDAL. Ngayon ay may mga artistang nai-involve sa sex-video scandal. Pero lingid sa kaalaman ng marami, isa si Vivian sa pinakaunang female star na naintrigang nagkaroon ng sex video.

Noong panahon nga niya ay binansagan siyang "betamax queen."

Paano ba siya naapektuhan ng intrigang 'yon?

"I'm not affected naman kasi it's not true," sabi niya. "So I kept telling everyone, 'That's not me. It's not me.'

"Pero ganoon talaga ang mga tao. Para sa akin, wala akong magagawa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Meron na bang copy ang sinasabing betamax scandal niya sa DVD?

"I don't know, so hazy... So, sige tingnan natin para malaman natin kung sino talaga yun!" natatawa niyang sabi.

Pero, aniya, "Okay lang yun. Even nga sa Hollywod, maski nga si Vilma Santos, even Angel Locsin... Ang dami na. Kung sino-sino.

"So, wala na yun. It's just one of those. Kasi, kami namang mga artista, alam na namin ang mga destruction ng ibang tao, basta alam nilang they are doing well."

Sa lahat daw ng pinagdaanan ni Vivian, ang masasabi lang niya ay ito:

"You just have to be true to yourself kasi alam mo ang totoo.

"Sa showbiz kasi, dito sa ginagalawan nating industriya, minsan nawawala ka, e. Minsan nakakalimutan mo kung sino ka because of what other people say na ganito ka, ganyan ka.

"Pero kung kilala mo ang sarili mo, hindi ka maaapektuhan basta kilalanin mo lang ang sarili mo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN