Ryan Agoncillo snaps pictures of wife Judy Ann Santos giving birth and snips umbilical cord of son Lucho

IMAGE 0


Happy parents Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos exchanged gifts after son Lucho was born. Ayon kay Juday, "Actually, hindi naman namin napag-usapan. Nagkataon lang na pareho pala naming iniisip na magbigay ng regalo sa isa't-isa. Si Rye nagbigay ng singsing. Ako po, daddy watch."


Live over the phone, nakausap ng Startalk ang proud parents ni baby Lucho na sina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos. Ramdam na ramdam kahit sa boses at pananalita ng dalawa ang excitement at kaligayahan sa pagdating ng kanilang first biological son na si Lucho.

Ipinanganak ni Judy Ann si baby Lucho noong Huwebes, October 7 sa Asian Hospital.

Unang tanong ni Joey de Leon kay Ryan ay kung nakaka-ilang kuha na ng pictures ito sa kanilang anak dahil alam daw niyang baliw na baliw ito sa kanilang baby boy.

Say naman ni Ryan, "Oo, marami-rami na. Pictures at saka video. Dahil kasama ako sa delivery room. Habang nagle-labor si Juday, hanggang sa lumabas ang bata. Ako rin 'yung nagputol ng umbilical cord, e."

Kuwento ni Joey, alam daw niyang noong una, nag-alangan si Ryan na gawin ang bagay na 'yun. Say pa niya na hindi naman daw ganoon katapang si Ryan at sa kotse lang daw ito matapang. Kaya ang tanong ni Lolit Solis ay hindi ba ito natakot?

"Hindi, e...excited na excited ako. Medyo nanginig ang tuhod, pero, masarap."

Biro naman ni Joey, hindi raw ba nanginig ang tuhod ni Ryan sa sinabi ni Mommy Carol na ang gusto ni Juday, gumawa sila agad ng kasunod ni Lucho?

Natatawang sagot naman ni Ryan, "Eto na nga, nagpa-order na ako ng ilang basket ng balut. Si Juday kasi, biru-biruan namin, hindi nahirapan sa pagbubuntis tapos, pati sa panganganak, hindi rin. "

Kasama ni Juday si Ryan sa pag-attend ng Lamaze classes noong buntis pa ito.

Hirit pa ni Ryan, "Limang ire lang, lumabas na agad. Hindi pala parang sa pelikula na nagsisigawan. May holding hands. Talagang hindi puwedeng iwanan."

Binati ni Judy Ann ng advance 'Happy Birthday 'si Joey kung kaya't nakausap din nito ang dalawang hosts ng Startalk yesterday. Sabay pagkamusta nga sa kalagayan nito ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Juday, "Medyo ayos na. Recovering. Nakakatayo na. Nakakalakad na ng konti."

Tinanong din ni Joey si Juday kung ano raw ang sinasabi ni Mommy Carol sa naging exchange gifts nila ni Ryan nang makapanganak na siya?

Hindi naman ito ipinagkait ni Juday na malaman ng publiko.

Ayon nga kay Juday, "Actually, hindi naman namin napag-usapan. Nagkataon lang na pareho pala naming iniisip na magbigay ng regalo sa isa't-isa. Si Rye nagbigay ng singsing. Ako po, daddy watch."

Hirit naman ni Lolit, 10 carats daw ba ang singsing na iniregalo ni Ryan?

Natatawang biro naman ni Juday, "Mga 42 karats!"

Si Juday naman mismo ang tinanong ni Joey kung talagang seryoso ito sa sinabing gusto na niya agad sundan ang kanilang si Lucho?

"Siguro ho, mga isa o dalawang taon muna. Masakit pala 'yung tahi," natatawa niyang sabi.

Dugtong pa niya, "Normal delivery po. Hindi ko lang din ini-expect 'yung pain ng contraction na ganoon katindi. Siguro sa susunod, mas alam ko na. Mas alam ko na ang mga i-e-expect ko na proseso. Yung ngayon kasi, bagung-bago sa akin kaya ang hirap. Nasaktan talaga ko."

Inurirat din ni Joey kung may mga nag-aalok na raw ba ng commercial para sa kanilang kasisilang na sanggol?

"May mga nag-i-inquire, pero, hindi na muna namin pinag-uusapan masyado. Kasi, masyado pang maaga para i-schedule namin ang mga kaganapan sa buhay ni Lucho. So, i-enjoy na lang muna namin."

Seryosong tanong naman daw ni Joey ay kung umiyak ba si Ryan nang lumabas na si baby Lucho?

"Hindi, e. Kasi, tawa kami ng tawa sa delivery room."

Si Ryan na ang sumagot nang, "Actually, tawa kami ng tawa sa delivery room. Kahit si Juday, naka-anesthesia na, pero, tawa ng tawa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN