Alfred Vargas reveals the ring on his finger is "a symbol of our unending commitment, inspiration and love"

IMAGE 0


Alfred Vargas (right) is seriously in love. Nanggaling ito ng Italy at namanhikan na raw sa pamilya ng kanyang girlfriend na si Yasmien Espiritu (left).


Kahit busy sa panunungkulan bilang City Councilor ng Quezon City, tuloy pa rin si Alfred Vargas sa kanyang showbiz career, at hindi niya naise-set-aside ang personal life — lalong-lalo na ang kanyang love life.

In fact, Alfred is taking his love life so seriously na kailan lang, nanggaling ito ng Italy at namanhikan na raw sa pamilya ng kanyang girlfriend na si Yasmien Espiritu.

Ayon kay Alfred, sa panayam rito ng Startalk yesterday, October 9, "Very positive, very, very positive at saka, sobrang tuwang-tuwa ako. I'm a new man. I'm a very inspired person ngayon."

Tinanong si Alfred kung pamamanhikan lang ba ang nangyari or nagpakasal na sila?

Aniya, "Sabihin na lang natin na ginawa ko na ang lahat ng puwede kong magawa para hindi na siya makawala sa akin. Basta, hindi na siya puwedeng makawala sa akin."

Ikinuwento pa niya na magaganap ang kasal nila ng non-showbiz girlfriend sa Pilipinas.

"Ang kasalan namin ay dito sa Philippines... either next year or 2012."

Hindi maiwasang magduda ng mga taga-Startalk na posibleng may kasalan nang naganap nang magpunta ng Italy si Alfred dahil kapansin-pansin ang suot na singsing ni Alfred noong ini-interview nila.

Natatawa namang sagot ng actor-politician, "No, ano lang 'yan, it's a symbol... of inspiration and commitment."

Wedding bond ba daw ito?

"It's a symbol of our unending commitment, inspiration and love," pilit niya.

May naging pahayag pa rin sa bandang huli ng interview si Alfred na tila nagpapahiwatig na may special event nga na naganap nang magpunta siya ng Italy.

"It's a very romantic event na present yung aming mga very loved ones. Very, very private na kami-kami lang talaga."

Mahabang tawa ang isinagot ni Alfred nang tanungin kung civil wedding ba ang naturang event.

Then he said, "Very wonderful occasion yung pagpunta namin do'n. Sarap ng pagkain. Sarap ng luto. Natutuwa ako. Siyempre, mahal na mahal ko siya at kahit nasaang parte siya ng mundo, mahal na mahal ko siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN