President Noynoy Aquino pledges one hour of his annual salary to help children in need

IMAGE 0


Bago umalis si Pangulong Noynoy Aquino sa annual benefit lunch ng Children's Hour ay nakipag-apir muna siya sa ilang mga batang tinutulungan ng non-profit organization.


Dumalo ang Pangulong Noynoy Aquino sa annual benefit lunch ng Children's Hour noong Miyerkules, Disyembre 8, sa Avenue Hall sa Makati City.

Ang Children's Hour ay isang non-profit organization na naglalayong makalikom ng sapat na pondo para matulungan ang mga batang nangangailangan ng pagkain, tirahan, edukasyon, at iba pa.

Hinihikayat ng Children's Hour ang mga negosyante, empleyado, at mga manggagawa sa bansa na ipakita ang kanilang suporta sa pamamagitan ng pag-donate ng isang oras na suweldo nila sa loob ng isang taon.

Ika-sampung anibersaryo na ng Children's Hour, kaya ang Pangulong Aquino pa ang naging panauhing pandangal ng kanilang annual benefit lunch.

Sa speech ni PNoy, pinuri niya ang non-profit organization dahil sa maka-masang programa nito.

Nangako rin siyang mag-donate ng isang oras ng kanyang suweldo bilang Pangulo ng bansa.

Umaabot sa P63,002 ang buwanang suweldo ni Pangulong Aquino.

"I am grateful that you have chosen to tread the straight path with us, the path that leads to human development and, ultimately, to national progress. Thank you for making the world a better place, one hour at a time," saad ni PNoy.

Matagal nang taga-suporta ng Children's Hour ang pamilya Aquino. Noong 2002 ay naging honorary chair nito ang dating Pangulong Corazon "Cory" Aquino.

Nang pumanaw si Cory noong isang taon, ang kanyang anak na si Elena "Ballsy" Aquino-Cruz naman ang naging honorary chair. Hindi nakadalo si Ballsy sa annual benefit lunch, kaya ang kapatid niyang si Pinky Aquino-Abellada ang kanyang naging representative.

Dumalo sa annual benefit lunch ang mga opisyal ng Children's Hour—Emily Abrera, Bienvenido Tan, at Jaime Augusto Zobel de Ayala.

Naroon din ang mga representative ng mga kompanyang sumusuporta sa Children's Hour—Ensogo, Globe, Ayala Foundation, at Le Chef at the Manor.

Lahat ng dumalo ay nakipag-lunch kasama ang ilang mga bata na tinutulungan ng Children's Hour.

Ayon kay Alejandro Cruz, country manager ng Ensogo, isang discount-and-deals website, ang Children's Hour ay isa sa pinakamaayos na charities sa bansa ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Part of our mission really is to help the charities to give back what we earn... We believe that partnering with Children's Hour will be vital in helping more children," pahayag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN