Actor-politician Patrick dela Rosa arrested on complaint of attempted rape

IMAGE 0


Actor and Oriental Mindoro first district Board Member Patrick dela Rosa was arrested after a 20-year-old college student accused the actor-politician of raping her in a condominium in Quezon City on October 8.


Nabigo ang mga miyembro ng media na nagpunta sa Station 7 ng Quezon City Police District noong Sabado, October 9, dahil hindi nila na-interview si Patrick dela Rosa.

Kasalukuyang nakakulong ang aktor at Oriental Mindoro first district Board Member dahil sa attempted-rape case na isinampa laban sa kaniya ng isang 20-year-old student na residente ng Cainta, Rizal.

Hindi rin nila nakunan ng video o litrato ang actor-politician dahil nakaharang sa selda ang kanyang inmates.

Naganap daw ang alleged attempted rape sa Unit 2206 ng Regalia Towers sa P. Tuazon corner Edsa, Cubao, Quezon City, noong Biyernes, October 8, 2 a.m.

Nakasaad sa affidavit ng complainant na may drinking session sila ng kanyang mga kaibigan sa nabanggit na condo unit nang dumating diumano si Patrick. Dahil sa epekto ng alak, pumasok daw ang estudyante sa kuwarto at mabilis na nakatulog.

Bandang 5 a.m. nang magising daw ang complainant dahil nasa ibabaw niya diumano si Patrick at pareho na raw silang walang saplot. Nagsisisigaw siya, kaya nagising ang mga kaibigan niya na tumulong sa kanya, sabi nito sa affidavit.

Ayon sa imbestigador ng kaso, umiiyak ang babae nang pumunta ito sa Station 7 para personal na ireklamo ang pangmomolestiya sa kanya.

Naghahanda naman ng kontra-demanda si Patrick, sa pamamagitan ng kanyang legal counsel na si Atty. Rizal Vizcarra.

Iniipon na ni Atty. Vizcarra ang mga ebidensya na magpapatunay na walang katotohanan ang ibinibintang kay Patrick.

Nahalal na number one board member ng Oriental Mindoro si Patrick noong May 2010 elections. Hindi makapaniwala ang kanyang mga kababayan sa kasalanan na ibinibintang kay Patrick dahil mahusay raw ito na board member. Iniisip nila na sinisiraan lamang siya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN