Pres. Noynoy Aquino and Shalani Soledad keep mum about their rumored breakup

IMAGE 0


Both President Noynoy Aquino and Valenzuela City councilor Shalani Soledad have chosen to remain silent about their rumored breakup. News of their split started as early as the campaign period, but Shalani has consistently denied this.


Usap-usapan ngayon sa mundo ng pulitika at showbiz ang balitang breakup ni Pangulong Noynoy Aquino at ng kanyang girlfriend na si Valenzuela Councilor Shalani Soledad.

Lumakas ang usap-usapan tungkol sa isyung ito nang makunan si PNoy na may ka-date na isang babae sa isang restaurant sa Makati City noong Sabado ng gabi, October 9.

Sa briefing sa MalacaƱang kahapon, October 11, kaugnay ng rekomendasyon ng mga abugado ng Palasyo sa may pananagutan sa Manila hostage crisis, naitanong ng reporters kay PNoy ang tungkol sa ka-date niya at kung totoo ngang binasted siya nito.

Tumanggi si PNoy na pangalanan ang babaeng kasama niya noong Sabado ng gabi, pero matagal na raw niyang kakilala ito. Ayon pa sa Pangulo, ayaw raw ng babaeng ito na maging sentro ng atensiyon.

"Kapag may dumating na changes, I guess I'll inform you. But at this point in time, priority has to be matters of the state," sabi ni PNoy.

"In matters of the heart, ipapanood ko na lang sa debede [DVD]," biro pa niya.

Bagamat hindi pinangalanan ni PNoy ang kanyang ka-date, ayon sa isang source ng GMA News ay "Barbie" raw ang pangalan nito.

Nang si Shalani naman ang tanungin ng media sa isang pagtitipon noong Linggo ng gabi, October 10, tungkol sa balitang ito ay halatang umiiwas siya.

"Pasensiya na po. Next time na lang po," sabi niya.

Unang pumutok ang balitang break na sina PNoy at Shalani noong panahon pa ng kampanya para sa 2010 elctions. Pero itinanggi ito ni Shalani sa panayam sa kanya ng kapatid ni PNoy na si Kris Aquino para sa The Buzz. (CLICK HERE to read related story.)

Dumalo si Shalani sa Proclamation ni PNoy sa Batasan Pambansa at Inauguration sa Luneta, pero hindi siya namataan sa unang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo dun din sa Batasan Pambansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa balita, nag-break sina PNoy at Shalani nang bumalik ang Pangulo mula sa kanyang state visit sa U.S.

Ito rin ang basa ni Boy Abunda na kilalang malapit sa pamilya Aquino, partikular na sa bunsong kapatid ni PNoy na si Kris Aquino.

Ayon kay Boy, "I'm not a presidential spokesperson, pero ang basa ko, totoo ang balita. Totoo ang balita na hiwalay sila."

Pero sinabi rin ng TV host-talent manager na hindi raw niya alam "kung ito'y kumpirmado or kung ito'y pansamantala lamang."

Bukod sa babaeng ka-date ni PNoy noong nakaraang linggo, nali-link din ang Pangulo ngayon sa kanyang stylist na si Liz Uy at sa TV5 reporter na si Patricia Ann Roque.

Pero ayon sa kaibigan ni Liz na si Anne Curtis, pinagtatawanan lamang daw ng stylist ang balitang ito. Pero hindi raw alam ng aktres kung nakarating na kay Liz ang balita dahil naka-confine daw ito sa isang hospital dahil sa food poisoning.

Samantala, si Shalani naman ay nali-link ngayon sa mayor ng Valenzuela City na si Sherwin Gatchalian. Wala pang pahayag si Mayor Gatchalian, na naging boyfriend ni Pauleen Luna, tungkol dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN