Danita Paner is okay now with mom Daisy Romualdez and ex-bf Kean Cipriano

IMAGE 0


Rocker turned singer Danita Paner impressed the execs of TV5 with her performance in 5-Star Special Presents JC de Vera, and so they decided to cast her in the network's very first teleserye, My Driver Sweet Lover (MyDSL). "Sobrang blessed ako and thankful, kasi siyempre, as a beginner sa pag-acting, ako pa yung napili for this role," gushes the 21-year-old acting newbie.


Kahit baguhan sa pag-arte, naging maganda naman ang performance ng rocker turned actress na si Danita Paner noong nakapareha si JC de Vera sa dalawang episodes ng 5-Star Special.

Na-impress ni Danita nang husto ang TV executives ng Kapatid network, kaya siya ang napisil na gumanap bilang bidang babae sa pinakaunang teleserye nilang My Driver Sweet Lover (MyDSL).

"Twice namin siya ipinareha kay JC, at dun sa parehong episodes ng 5-Star Special, parehong mataas ang ratings. So, ibig sabihin, may chemistry sila. Kaya pinagpareha namin uli sila dito naman sa MyDSL," kuwento ni Ms. Edlyn Tallada, TV5 production unit manager, sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Naimbitahan kasi kamakailan ang PEP upang i-cover ang taping ng MyDSL sa Thunderbird Resort, Binangonan, Rizal. At habang hinihintay si Danita, nakausap muna namin ang mga nakatrabaho ng dalaga.

Pulos magagandang salita ang narinig namin mula sa mga nakatrabaho ni Danita. Wala raw kiyeme at game na game sa trabaho ang adopted daughter ng dating aktres na si Daisy Romualdez. Halos lahat nga ng eksenang kinunan sa iba't ibang locations ng Thunderbird Resort, kasali si Danita at parang wala itong kapaguran.

Kaya nang makausap na namin si Danita, kinumusta namin ang experience niya ngayon as an actress.

Parang wala namang mahagilap na pagrereklamo si Danita. Mas dapat nga raw na magpasalamat siya sa ibinigay na tiwala sa kanya ng TV5.

"Sobrang blessed ako and thankful, kasi siyempre, as a beginner sa pag-acting, ako pa yung napili for this role," pahayag ng 21-year-old na nagpasikat ng mga kantang "Lunod," at "Kung Wala Na Nga," at nag-revive ng Prettier Than Pink hit song na "Cool Ka Lang."

"Medyo kakaiba siya talaga sa akin, kasi bago pa lang lahat. So, nangangapa-ngapa pa. Pero nae-enjoy ko naman siya," sabi pa ng dalaga.

SUPPORTIVE ENVIRONMENT. Malaking factor daw sa pag-e-enjoy niya sa kanyang ginagawa ang malaking support na nakukuha niya sa kanyang mga katrabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa mga staff, sa mga co-actors ko, sobrang bait nila, sobrang supportive nila. Kasi minsan pag nakakapagod na, kasi kapag sunud-sunod na talaga yung mga scenes, minsan nade-drain ka na, e.

"Pero sila, binu-boost nila yung self-esteem mo. Para mag-ano pa, para ganahan ka pa. Kasi parang minsan, 'Nakakapagod pala 'to.' Pero sobrang bait nilang lahat."

Pasalamat din siya sa suportang ipinapakita ng mga kaibigan ng kanyang Mommy Daisy.

"Oo, and dumadalaw pa sila talaga minsan sa set. Like si Tita Glo, si Gloria Romero, dumalaw pa talaga siya sa set on time. Nakaka-touch talaga. Kasi yung support niya, hindi basta-basta. And galing pa sa mga veterans. Nakakataba ng puso," nakangiting sabi ni Danita.

ALL IS WELL. Matatandaang nagkaroon ng problema ang sina Danita at Daisy noon. Napabalitang naglayas ang dalaga mula sa poder ng kanyang ina-inahan.

Paglilinaw naman ni Daisy nang makausap namin, hindi talaga naglayas ang dalaga. Sa amang si Manny Paner muna raw nakituloy ang dalaga habang "war" sila noon. Kinumusta namin ang relasyon nila ngayon ng ina-inahan na tumayo ring manager niya noon.

"Oo nga, e. Ang tagal na niya [problema nilang mag-ina]... Pero ibalik natin," natatawang biro ni Danita.

"Hindi... Okey na kami. Kasi dati, iba yung gusto ko, iba yung gusto niya. Talagang hindi kami nagkakasundo. E nung tumatanda na 'ko, ayun, medyo nag-aano na kami. Nagmi-meet halfway."

Isa sa mga itinurong dahilan ng pag-aaway nila noon ni Daisy ay ang ex-boyfriend niyang si Kean Cipriano ng Calla Lily, na ngayo'y nag-aartista na rin at sa TV5 din nakakontrata. Nilinaw noon ni Danita na walang kinalaman si Kean sa problema nila ng kanyang Mommy Daisy.

Kumusta naman silang dalawa ngayon ni Kean?

"Sobrang okey kami," sabi ni Danita. "Kasi magkatrabaho rin naman kami sa P.O.5 ni Kean, e. Nagtatrabaho po kaming lahat dun. So, okey naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi mga bata pa kami noon...[ngyaon] matanda na kami. May kanya-kanya na kaming mga...love teams! Ha-ha-ha... Ang panget. Hindi, sobrang okey lahat."

Okey rin ba sila ng ex din dati ni Kean na si Arci Munoz na ngayo'y kontrabida niya sa MyDSL? Wala bang ilangan?

"Hindi kami masyadong okey, e," biro ni Danita. "Ha-ha-ha! Hindi. Kasi si Arci... ang tawag namin sa kanya, Mona, iisa lang po ang management namin, kay Tita Annabelle [Rama]. Sa Royale Era. Okey kami.... Wala namang dapat ika-awkward, o kung anuman."

ALL WORK, NO LOVELIFE. Since nabanggit na rin lang ang tungkol sa mga relasyon, may boyfriend ba siya ngayon?

"Ha? Wala naman," nakangiting sagot ni Danita.

Hindi rin naman daw siya naghahanap ng bf ngayon. Mas gusto niyang mag-concentrate sa bago niyang career.

"Ngayon kasi, ini-enjoy ko lang lahat, e. Kumbaga, steady lang ako sa lahat. Pag may dumating naman... as long as hindi naman siya magiging hindrance sa ginagawa kong work, okey lang."

Pero ano nga ba ang requirements niya sa lalaking gustong manligaw sa kanya?

"Well, kailangan may valid I.D... may NBI...Hindi. Wala!" patawa muli ni Danita. "Basta yung importante sa akin, napapatawa ako...

"Nge, ang corny! Corny naman nito. Yung nakakasabay sa mga trip ko, mga repapips... ewan ko. Basta na lang kasi dumarating, e. Wala akong mga ideal-ideal man."

SPEAKING OF JC. Kumusta naman sila ng leading man niyang si JC de Vera? Bago namin nakausap si Danita, nabanggit ni JC sa PEP na gusto niyang kasama lagi si Danita dahil sa pagiging iba nito. Kakaiba raw kasi at bihira ang babaeng katulad ni Danita na nasasakyan ang trip ng isang lalaking katulad niya.

"Kakaiba? Isa ba akong alien? Ha-ha-ha!" biro uli ni Danita. "'Wag kayong maniniwala dun. Hindi po totoo yun... Ha-ha-ha! Kailangan bang serious? Hindi, si JC kasi, yung mga ginagawa niya, hindi mahirap na sabayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mahilig naman kasi siyang kumain. Sobrang hilig kumain niyang si JC de Vera, hindi ko nga alam saan nanggagaling yung abs niyan, e.

"Pero hindi, kahit na malakas siyang kumain, sobrang sipag na mag-gym niyan. Hay, naku! Mapapa-gym na 'ko. Soon. Dahil naiimpluwensiyahan na niya ako.

"At saka mabait talaga si JC. And hindi lang sa labas, pati sa work... ang labo ng sinasabi ko...basta mabait siya," tila natataranta na pagde-describe ni Danita sa kanyang leading man sa MyDSL na si JC.

WANTS SECOND ALBUM. So, ngayong sa pag-arte muna siya abala, ibig sabihin din ba nito'y "put on hold" muna ang music career niya?

"Hindi naman. Kapag may free time naman ako, tumutugtog pa rin ako with my band.

"Pero gusto ko talagang masundan yung first album. Kasi yun naman talaga yung...nandun talaga yung puso ko, e. Sa music. So, yun. Hopefully, bago mag-next year, masimulan na yung second album."

DANITA'S ROLE. Sa MyDSL, ginagampanan ni Danita ang role ni Gabrielle "Gaby" Barrinuevo, nag-iisang anak, heiress at sole successor ng Barrinuevo Group of Companies. Mataray, mainitin ang ulo, ayaw sa babagal-bagal na mga tao at laging fashionista.

Sabi ni Danita, challenge sa kanya ang role niya bilang Gaby dahil ibang-iba raw ito sa aktuwal na Danita.

"Si Gabrielle Barrinuevo o Gaby, ako yun, ano siya, mayaman siya na mataray, and ano ba? Hindi naman siya bitch. Konting bitchy-bitchy lang siya. Ano siya, 'fazshown,' laging siyang 'fazshown,' and ayun, mai-in love siya sa kanyang driver."

"Talagang sobrang kabaligtaran ko 'tong role na to, e. Sobrang girlie-girl na English-speaking na talagang conotic na fash-yon! Malayo talaga siya."

Sa October 25 na ang airing ng first episode ng My Driver Sweet Lover (MyDSL).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN