Jose Manalo: "Kung wala si Bossing Vic at ang Eat Bulaga!, siguro wala rin ako."

Eat Bulaga!, siguro wala rin ako."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23531/jose-manalo-kung-wala-si-bossing-vic-at-ang-eat-bulaga-siguro-wala-rin-ako" data-desc="The comedian says there's no conflict in having shows on TV5 while he is also with GMA-7." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/7cf74904a.jpg"> Eat Bulaga!, siguro wala rin ako."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23531/jose-manalo-kung-wala-si-bossing-vic-at-ang-eat-bulaga-siguro-wala-rin-ako" data-desc="The comedian says there's no conflict in having shows on TV5 while he is also with GMA-7." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/7cf74904a.jpg"> Eat Bulaga!, siguro wala rin ako."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23531/jose-manalo-kung-wala-si-bossing-vic-at-ang-eat-bulaga-siguro-wala-rin-ako" data-desc="The comedian says there's no conflict in having shows on TV5 while he is also with GMA-7." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/7cf74904a.jpg">

Eat Bulaga!, siguro wala rin ako."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23531/jose-manalo-kung-wala-si-bossing-vic-at-ang-eat-bulaga-siguro-wala-rin-ako" data-desc="The comedian says there's no conflict in having shows on TV5 while he is also with GMA-7." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/7cf74904a.jpg"> Eat Bulaga!, siguro wala rin ako."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23531/jose-manalo-kung-wala-si-bossing-vic-at-ang-eat-bulaga-siguro-wala-rin-ako" data-desc="The comedian says there's no conflict in having shows on TV5 while he is also with GMA-7." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/7cf74904a.jpg"> Eat Bulaga!, siguro wala rin ako."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23531/jose-manalo-kung-wala-si-bossing-vic-at-ang-eat-bulaga-siguro-wala-rin-ako" data-desc="The comedian says there's no conflict in having shows on TV5 while he is also with GMA-7." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/7cf74904a.jpg"> Eat Bulaga!, siguro wala rin ako."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23531/jose-manalo-kung-wala-si-bossing-vic-at-ang-eat-bulaga-siguro-wala-rin-ako" data-desc="The comedian says there's no conflict in having shows on TV5 while he is also with GMA-7." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/7cf74904a.jpg">

IMAGE 0


"Ang importante sa akin, sa mga taong pinagkakautangan ko ng loob, susuklian ko ito ng mga magagandang bagay na puwede kong gawin sa kanila. Hangga't sa kaya kong tumulong, o kailangan nila ako na gawin ko 'yon para sa kanila," says Jose Manalo.


Malaking challenge para sa komedyanteng si Jose Manalo ang bagong TV show nila nina Vic Sotto at Wally Bayola, Laugh or Lose (LoL), na napapanood tuwing Sabado, 7 p.m., sa Weekend Winners ng TV5.

Kaya naman labis siyang nagpapasalamat sa Kapatid network sa pagkakasali niya sa bagong TV show na ito na originally ay mula sa Norway.

"Thank you po sa TV5 at nabigyan kami ng bagong project, kami nina Bossing Vic at kami ni Wally," panimulang saad niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng LoL sa bagong studio ng TV5 sa Broadway Centrum last Monday, October 11.

Paano niya ide-describe ang LoL?

"Kakaibang comedy-game show ito, unang-una ito sa telebisyon, unang-una siguro sa Pilipinas na gagawin ito. Maganda iyong show, pati kami nacha-challenge dito sa show," aniya.

"Although hindi namin pine-personal kung anong nangyayari, hindi namin masyadong kina-career kung ano ang nangyayari, kasi baka lalong masira iyong diskarte namin para patawanin iyong tao.

"Maganda talaga 'yong show, kasi para patawanin mo iyong isang tao na hindi naman niya alam na patatawanin mo siya... Habang pinapatawa mo kasi, pinipigil niya, e. So, mahirap, mahirap din 'yong ginagawa namin. Pero part ito ng trabaho, e."

Bilang komedyante, itinuturing niyang hamon sa kakayahan niya ang bago nilang show.

"Challenge talaga, challenge talaga," saad niya habang patango-tango. "At kung mahaba pa 'yong oras, mas magagawan pa naming hugutin. Pero minsan kasi, may time limit talaga, pinapuputol na rin."

BOSSING VIC. Aminado si Jose na napakalaki ng kanyang utang loob kay Vic Sotto at sa mga kasamahan sa Eat Bulaga! at sa TAPE na producer nito. Kaya para sa kanya, anumang tagumpay na tinatamasa ay utang niya sa kanila.

"Unang-una, 'yong utang na loob, sabi nga nila ay hindi naman nababayaran ng pera. Siguro 'yong pakikisama ko na lang na ibibigay ko sa kanila, kung paano ko sila pakikisamahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang importante sa akin, sa mga taong pinagkakautangan ko ng loob, susuklian ko ito ng mga magagandang bagay na puwede kong gawin sa kanila. Hangga't sa kaya kong tumulong, o kailangan nila ako na gawin ko 'yon para sa kanila.

"Siyempre, kailangan na 'yong trabaho natin ay laging pinagbubutihan. Kailangang mas dagdagan natin iyong nalalaman natin sa trabaho at kailangan na tuloy-tuloy.

"Sa totoo lang, kung wala si Bossing Vic at ang Eat Bulaga!, siguro wala rin ako, walang Jose Manalo ngayon. Ganoon kalaki iyong utang na loob ko sa kanila," tuloy-tuloy na sabi ni Jose.

Paano niya ide-describe si Bossing Vic?

"Si Vic Sotto, totoong tao siya, totoong tao. Iyong iba, sabi nila ay suplado, hindi po. Napakabait na tao niyan at hindi siya kunsintidor, hindi kunsintidor 'yan.

"Kapag alam niyang may ginagawang hindi maganda ang isang tao, ayaw niya 'yon, didiretsahin ka niyan. Hindi siya paligoy-ligoy, sasabihin niya sa iyo yung totoo. Kaya totoong tao talaga iyong Vic Sotto.

"Bilang komedyante naman, siya, no question na, e. Siguro kung mayroong dapat pumalit kay Tito Dolphy, siya na iyon, e, si Bossing na 'yon. Wala akong doubt doon, kasi kilala natin iyan, e.

"Unang-una kasi, ang galing ng isang tao ay mauumpisahan sa pakikisama, kaya siya natatanggap ng mga tao. Dahil kung hindi marunong makisama iyan at hindi siya nakakatawa, hindi iyan tatangkilikin ng publiko.

"At mabait na tao talaga iyan at madaling tumulong. Ganyan si Bossing," papuri ni Jose kay Vic.

WORKING WITH DIFFERENT NETWORKS. Bukod sa LoL, mainstay din si Jose sa TV5 sitcom na My Darling Aswang, na tinatampukan din ni Vic with Daiana Menezes at iba pa.

Okay lang ba sa GMA-7 na napapadalas ang show niya sa TV5? Hindi kaya mapag-initan naman siya sa Kapuso Network?

"Hindi naman siguro," mabilis na sagot ni Jose.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naiintindihan din naman ng GMA-7. Tutal, ang show naman namin sa GMA is Eat Bulaga!. Tapos, alam naman nating lahat na ang Eat Bulaga! ay block-timer naman.

"Nandoon kami sa GMA, pero siguro wala namang nagho-hold sa amin na huwag lumabas sa ibang istasyon. Wala namang problema, wala namang problema sa GMA-7."

Eat Bulaga!, siguro wala rin ako."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23531/jose-manalo-kung-wala-si-bossing-vic-at-ang-eat-bulaga-siguro-wala-rin-ako" data-desc="The comedian says there's no conflict in having shows on TV5 while he is also with GMA-7." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/7cf74904a.jpg"> Eat Bulaga!, siguro wala rin ako."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23531/jose-manalo-kung-wala-si-bossing-vic-at-ang-eat-bulaga-siguro-wala-rin-ako" data-desc="The comedian says there's no conflict in having shows on TV5 while he is also with GMA-7." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/7cf74904a.jpg"> Eat Bulaga!, siguro wala rin ako."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23531/jose-manalo-kung-wala-si-bossing-vic-at-ang-eat-bulaga-siguro-wala-rin-ako" data-desc="The comedian says there's no conflict in having shows on TV5 while he is also with GMA-7." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/7cf74904a.jpg">


Eat Bulaga!, siguro wala rin ako."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23531/jose-manalo-kung-wala-si-bossing-vic-at-ang-eat-bulaga-siguro-wala-rin-ako" data-desc="The comedian says there's no conflict in having shows on TV5 while he is also with GMA-7." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/7cf74904a.jpg"> Eat Bulaga!, siguro wala rin ako."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23531/jose-manalo-kung-wala-si-bossing-vic-at-ang-eat-bulaga-siguro-wala-rin-ako" data-desc="The comedian says there's no conflict in having shows on TV5 while he is also with GMA-7." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/7cf74904a.jpg"> Eat Bulaga!, siguro wala rin ako."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23531/jose-manalo-kung-wala-si-bossing-vic-at-ang-eat-bulaga-siguro-wala-rin-ako" data-desc="The comedian says there's no conflict in having shows on TV5 while he is also with GMA-7." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/7cf74904a.jpg"> Eat Bulaga!, siguro wala rin ako."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23531/jose-manalo-kung-wala-si-bossing-vic-at-ang-eat-bulaga-siguro-wala-rin-ako" data-desc="The comedian says there's no conflict in having shows on TV5 while he is also with GMA-7." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/7cf74904a.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN