John Lloyd Cruz lashes back at those who say that he and Shaina Magdayao have broken up

IMAGE 0


"Lagi naman kaming binabato ng kung anu-anong isyu, e. Siguro ganun talaga kapag nakikita na maganda yung naidudulot n'yo sa isa't isa, masaya kayo, nananahimik kayo. Ayaw kayong patahimikin, lagi kayong binabato," says John Lloyd Cruz about his detractors.


Sunud-sunod ang mga intrigang kinakaharap ng magkarelasyong sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao.

Matapos ang malisyosong balita tungkol sa diumano'y pagsugod sa kanila sa ospital, sumunod naman dito ang muling pagkaka-link ni John Lloyd sa dating karelasyon niya na si Ruffa Gutierrez makaraang mabunyag ang patuloy na pagtawag niya sa TV host-actress.

Ngayon naman ay iniintrigang naghiwalay na raw sina John Lloyd at Shaina.

Hindi nga napigilan ni John Lloyd na maglabas ng sama ng loob ukol sa matitinding intrigang ibinabato sa kanila ni Shaina sa taped interview sa kanya ng The Buzz na ipinalabas kahapon, November 14.

"Lagi naman kaming binabato ng kung anu-anong isyu, e. Siguro ganun talaga kapag nakikita na maganda yung naidudulot n'yo sa isa't isa, masaya kayo, nananahimik kayo. Ayaw kayong patahimikin, lagi kayong binabato," himutok ni John Lloyd.

Sinigurado naman niya sa kanilang mga tagahanga na hindi sila naghiwalay ni Shaina. Maayos at masaya raw ang relasyon nila.

"Huwag kayong mag-isip, huwag kayong mag-alala. Sobrang okay kami," sabi ni John Lloyd.

"Kung iisipin mo, paano pa sila nagkikita to make it a point na hindi nawawala yung quality time? To tell you honestly, talagang we've never been happier. Super blessed kami."

Dagdag niya, "She's been understanding. Mahirap makahanap ng ganun para sa isang katulad ko na loaded ang schedule," sabi pa ng aktor.

FROM BANGKOK TO IRELAND. Patunay sa pagka-committed ni John Lloyd sa kanilang relasyon, kahit hindi niya nakapiling si Shaina sa birthday ng aktres ay ipinadama pa rin niya ang kanyang pagmamahal dito in a sweet, special way.

"Nung mismong araw ng birthday niya [November 6], nasa Bangkok siya, nasa Ireland naman ako noon. Natawagan ko lang siya," banggit ng aktor.

Pero hindi niya raw nakalimutan bilhan ng pasalubong at regalo ang girlfriend.

Ani John Lloyd, "Isa yun sa mga paborito kong ginagawa, e, to shop for my gilfriend. Kasi parang it brings me closer to her lalo na kapag sobrang miles away.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagkaroon ako ng konting time at sa ganung paraan na lang ako nag-celebrate kahit na napakalayo namin sa isa't isa."

TONI GONZAGA. Samantala, inamin naman ni John Lloyd na totoong na-conscious siya sa kissing scene nila ni Toni Gonzaga sa upcoming Star Cinema movie nila na My Amnesia Girl. Matagal na raw kasi niyang hinahangaan ang leading lady niya.

"Ako pa yung nailang. Isa akong fan ni Toni Gonzaga. Dating-dati pa 'yan nung nasa kabila [GMA-7] pa siya hanggang sa makalipat siya dito [ABS-CBN].

"Kaya ako, laging nanonood lang, pinagmamasdan siya especially off-cam. Tawang-tawa ako lagi sa kanya," banggit ng aktor.

Sinagot din ni John Lloyd ang isyu na hindi raw pabor ang ina ni Toni na si Mommy Pinty at ang boyfriend ng aktres na si Paul Soriano sa kissing scene nila ni Toni sa pelikula.

"I'm sure yung mommy niya, bago pa tinanggap itong pelikulang ito, nagkaroon sigurado sila ng pag-uusap. Even with Direk Paul siguro.

"Trabaho 'tong ginagawa namin, alam nung mommy o parents ni Toni, alam ni Direk Paul, and alam ni Toni because siya yung pumasok sa bagay na ito, e," sabi niya.

DIREK CATHY GARCIA-MOLINA. Nagkomento rin si John Lloyd tungkol sa isyung tanging si Cathy Garcia-Molina, ang direktor niya sa My Amnesia Girl at sa limang nagdaan niyang pelikula, ang gusto niya raw maging direktor sa mga gagawin niyang pelikula.

"Malaki ang naging papel ni Direk Cathy sa naging film career ko," sabi niya.

"Malaking bagay pag si Direk Cathy ang katrabaho ko kasi naiingatan yung gusto mong i-offer. Because siyempre, ang lagi namang intention is to deliver something new.

"Kami, magtinginan lang kami, alam na namin yung ibig sabihin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN