John Lloyd Cruz on Ruffa Gutierrez: "It's time for me to stay away from her."

IMAGE 0


"Sobra na, e. Parang sagad na sagad na yung ano sa akin, parang masyado naman akong napapasama na ngayon. Parang na-realize ko lang na parang ngayon na dapat magsalita..." complains John Lloyd Cruz about the unending rumors linking him to Ruffa Gutierrez.


Naging kontrobersiyal ang paglabas sa telebisyon, at maging dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal), ng pahayag ni Ruffa Gutierrez sa hindi mamatay-matay na isyu na patuloy ang komunikasyon nila ni John Lloyd Cruz.

Ayon kay Ruffa, hindi siya, kundi ang co-host niya sa Paparazzi na si Mo Twister, ang nagsabi na tumatawag pa rin si John Lloyd sa kanya. Bagamat sinabi niyang wala namang masama kung tumatawag pa rin si John Lloyd sa kanya dahil magkaibigan pa rin naman sila even after ng kanilang "special relationship."

Pero sa isang interview nga ni John Lloyd ay idinenay ng aktor na may komunikasyon pa rin sila ni Ruffa. Gayunpaman, kahit ginawa ito ng aktor, hindi raw sumama ang loob ng TV host-actress.

Ayon kay Ruffa, "Once and for all, I just like to say na hindi kami magkaaway ni John Lloyd. Hindi kami mag-on ni John Lloyd.

"Kung tumatawag siya o hindi, bilang magkaibigan na lang yun. So, kung meron siyang dapat i-deny, e, nasa sarili na lang niya yun.

"Basta for us, kami ng pamilya ko, wala kaming kaaway. And definitely, hindi namin kaaway si John Lloyd.

"I've moved on a long time ago. Kung may communication man, it's strictly friendship," giit niya.

Tungkol sa pag-deny ni John Lloyd, to the rescue naman si Dra. Vicki Belo kay Ruffa nang patunayan niya ang patuloy na pagtawag ni John Lloyd kay Ruffa. Naganap daw ang pagtawag ng aktor nang magkasama sina Ruffa at Dra. Belo sa Dubai at Lebanon.

"Nagbe-breakfast kami sa Dubai, 5 a.m. yun ng Manila time. Aba, nakita ko ang pangalan! Sabi ko, aha. Pero hindi ko siya [Ruffa] sinabihan, wala akong sinabi.

"Tapos pagdating namin ng Lebanon, nangyari ulit kaagad-agad. Pagdating namin, tumawag ulit. The next day, breakfast, tumawag na naman," kuwento ni Dra. Belo.

Ginagawa raw ito ni Dra. Belo dahil gusto lang daw niyang ipagtanggol si Ruffa sa pangit na impresyon ng mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dine-defend ko lang si Ruffa kasi baka akala ng mga tao na si Ruffa ang naghahabol. Hindi po totoo na siya ang naghahabol. May ibang tawag nang tawag.

"Basta ako nakita ko. At naririnig ko yung boses. Kilalang-kilala ko yung boses nun, 'no," dagdag pa ni Dra. Belo.

JOHN LLOYD SPEAKS UP. Dahil sa mga pahayag nina Ruffa at Dra. Belo, napilitan na si John Lloyd na basagin ang kanyang katahimikan para once and for all ay harapin na ang isyu.

Sa interview sa kanya na lumabas sa TV Patrol at SNN (showbiz News Ngayon) kagabi, October 21, nilinaw ni John Lloyd ang magkaiba nilang pahayag ni Ruffa.

"When I was asked before if I am still in communication with Ruffa, parang hindi siya ganun kadaling tanong na sagutin," sabi ng aktor.

"It's not communication, like kung paano siya in-insinuate ng ilang mga tao, ng ilang members ng press. It's communicating na may effort to address some issues na involved kami pareho.

"As you know it, madalas may mga pagkakataon na ibig kong sabihin, inili-link pa rin kami. And maririnig ko or maririnig niya na may sinabi ako o may sinabi siya. So, anong dapat mong gawin pag ganun?

"So, sa amin, for two people who used to be together, it's just normal na pag-usapan yun na kayo mismo. Kung ano ba talaga yung lumalabas na isyu na sinabi mo o sinabi ko. Ganun lang kasimple yun," paliwanag niya.

Iginiit ni John Lloyd na kailanman ay wala siyang intensiyon na magtago o magsinungaling tungkol sa isyu.

"Siguro yung pagkakataon kung kailan naitatanong siya o kung kailan siya dapat sagutin, dun lang nagkakaroon ng pagkakaiba, e. Pero what I'm saying now, ito yung dapat kong sabihin, or ito yung gusto kong sabihin," saad niya.

STAY AWAY FROM RUFFA. Para matigil na raw ang isyu, sinabi ni John Lloyd na iiwasan muna niya si Ruffa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ano lang naman kasi ito... Here are two people who used to be together but who are open to the idea of friendship after a relationship. Parang we tried naman, pero may mga bagay na hindi na namin...

"In other words, parang nakakapanghinayang, kasi kaya naman sana, e, kung hindi lang binibigyan ng malisya ng ibang tao. Siguro yung friendship can last. For how long, I don't know.

"Pero minsan, dala na rin nung kagagawan ng ibang tao, binibigyan ng malisya, kung anu-ano ang ini-insinuate. E, unfortunately and sadly, nakakasira.

"For now, para siguro matahimik na rin lahat, especially people who are dear to me... Hindi na rin kasi maganda yung mga naglalabasan, e. Parang laging ako yung napapasama.

"Oftentimes, they put me on a bad light. And it's not easy for my family, it's not easy for Shaina, it's not easy for our relationship...

"So, para matapos na, siguro it's time for me to stay away muna. Siguro para alam na rin nila, it's time to make it public, na maybe it's time for me to stay away from her [Ruffa]. Para na rin matapos na, out of my respect for her and for her family.

"Yun, ganun na lang," deklarasyon ni John Lloyd.

END OF FRIENDSHIP? Tuluyan na bang isinasara ni John Lloyd ang posibilidad na maging magkaibigan sila ni Ruffa?

"Siguro, kasi kung ganito lang naman ang mangyayari, parang bakit ba sobrang laking issue na parang pag nag-communicate yung dalawang tao who used to be together, parang napakalaking issue sa kanila?

"I mean, sayang lang. Hindi siguro kinaya nung friendship. So, maybe it's best kung medyo ako na yung lalayo.

"Pero don't get me wrong, ha, wala akong pinuputol na anything. Siguro for now, 'eto muna yung pinakamagandang magagawa ko," sabi niya.

Dahil sa ginawa niyang pagbasag ng kanyang katahimikan, umaasa ang aktor na matitigil na rin ang isyu sa kanila ni Ruffa dahil sobra na raw kasi ang mga lumalabas tungkol sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sobra na, e. Parang sagad na sagad na yung ano sa akin, parang masyado naman akong napapasama na ngayon. Parang na-realize ko lang na parang ngayon na dapat magsalita...

"Eto na yung akin. Sabi ko nga, may mga bagay na hindi ko na hawak. So, pagka ganun, ang puwede mo na lang panghawakan, yung sa 'yo. Kung ano na lang ang parte mo.

"But ako talaga, personally, kung ano pa yung lalabas after nito, wala na ako diyan," sabi niya.

STILL GOING STRONG WITH SHAINA. Ang naiipit sa isyu ay ang kasalukuyang girlfriend ni John Lloyd na si Shaina Magdayao. Pero ayon kay John Lloyd, hindi raw apektado si Shaina sa balitang nag-uusap pa sila ni Ruffa.

"As you know it, hindi naman ito first time nangyari, di ba? Parang paulit-ulit na nga ito. Para na nga kaming mainstay sa isang show sa TV5," patama ni John Lloyd sa showbiz talk show ng TV5 na Paparazzi, kung saan isa sa mga host si Ruffa.

Sabi naman ni John Lloyd tungkol kay Shaina, "She has been very understanding about the whole thing. Very mature about it.

"We're very much okay, nagkakaintindihan kami. Pag ganun, mas lalo mong minamahal yung tao."

Sa kabila ng mga intriga ay natutuwa pa ring ibinahagi ni John Lloyd na nananatiling matibay ang kanilang relationship ni Shaina.

"For Shaina, kung paano siya naging supportive and mature kasama ko through all these, parang it's now the good time para ma-appreciate ko siya and I'll tell her na I love her for her patience and understanding. It makes me wanna love her more.

"Sana talagang maging maayos ang lahat because I love the life that we have together. Parang I can't get anything or anyone to keep it that way," pahayag ni John Lloyd.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN