Stars brighten up the morning at Anak TV Seal Awards 2010

IMAGE 0


Stars and personalities from rival stations get together for a photo op during the closing of the Anak TV Seal Awards 2010 awarding ceremony. Among the awardees were: (top photo, from left) TV Patrol's Korina Sanchez and Ted Failon, Saksi's Vicky Morales, Bandila's Karen Davila, E-Live!'s Toni Gonzaga, Showtime's Anne Curtis, ABS-CBN President Charo Santos-Concio, (belo


Naging maningning ang umaga ng parangal ng Anak TV Seal Awards 2010 noong nakaraang Disyembre 8, 2010 sa SGI Building, Timog Quezon City.

Dumalo kasi ang mga bituin mula sa iba't ibang TV network sa tanging award-giving body na nagsasagawa ng awards ceremony sa umaga, hindi sa gabi (na kadalasang ginagawa ng ibang awards groups).

Ang Anak TV Seal Awards ay taunang parangal para sa mga Philippine television program at mga personalidad sa local TV na child-friendly, child-sensitive at family-friendly.

Binuo noong 1996, naunang nakilala ang award-giving body na ito bilang Southeast Asian Foundation for Children's Television (SEAFCTV).

JUDGING PROCESS. Pinipili ang mga binibigyan ng parangal base sa mga rekomendasyon ng mga magulang, mga guro, business and media people, mga taga-gobyerno, NGOs, religious sector, at mga kabataan mula sa iba't ibang panig ng bansa.

Dadaan ang mga piniling programa at personalidad sa mahigit 3,000 hurado mula Pebrero hanggang Oktubre.

Sasalain ng mga hurado ang mga pinili na irerekomenda naman sa pangalawang grupo ng mga hurado. Pagkatapos ay ibibigay naman ng pangalawang grupo ng mga hurado ang mga nasala nila sa Board of SEAFCTV (na kinabibilangan ng network presidents at general managers) na siya namang gagawa ng huling listahan ng mga paparangalan.

Isa ang writer na ito sa mga nag-fill up ng survey para sa parangal na ito habang nakasakay sa barko ng Negros Navigation noong nakaraang taon. Tinitipon ng mga nagsasagawa ng survey ang mga pasahero at nagpapirma ng form kung sino ang sa tingin namin ay nararapat na parangalan ng Anak TV Seal.

AWARDING CEREMONY. Umaga man ginawa ang awarding ceremony, dinagsa pa rin ng mga sikat na TV personalities at network executives ang event.

Isa sa mga nakitang dumalo ay ang mismong presidente ng ABS-CBN na si Ms. Charo Santos-Concio. Isa si Ma'am Charo sa mga piniling personalidad na napabilang sa 2010 Anak TV Roster of Makabata Stars. Kasama ni Ma'am Charo na dumating sa event ang ABS-CBN Business Unit Head na si Ms. Linggit Tan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dumalo rin sa pagtitipon si Gretchen Barretto para tanggapin ang parangal para sa Magkaribal bilang isa sa mga paboritong palabas ng bawat pamilya.

Tinanggap din ng mga Showtime hosts na sina Kuya Kim Atienza, Anne Curtis at Vhong Navarro ang kanilang award bilang mga awardees ng 2010 Anak TV Roster of Makabata Stars. Kasama nila sa kanilang upuan ang co-awardee nila na si Luis Manzano.

Dahil hindi nakarating si Aga Muhlach, ang kapatid na si Arlene Muhlach ang siyang tumanggap ng award na Anak TV Roster Makabata Star para sa kanya.

Tilian ang mga tao nang tawagin na ang pangalan ni Coco Martin bilang isa rin sa mga pinarangalan.

Bagama't di nakadalo, ang ilan din sa mga pinarangalan bilang 2010 Anak TV Roster of Makabata Stars na sina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Ryan Agoncillo, Gerald Anderson, Gary Valenciano, Zaijan Jaranilla, Kim Chiu, Sharon Cuneta, Sarah Geronimo, Angel Locsin at si Ms. Judy Ann Santos.

Si Mikee Cojuangco-Jaworski, kasama ang anak na si Renzo, ang main host ng parangal na ito. Kasama nina Mikee at Renzo ang ilang personalidad na naging presenters din ng nasabing parangal, tulad nina Marvin Agustin, Ricky Davao, Cherry Mercado-Santos at kanyang anak na si Kristiana, Arnold Clavio, Cesar Montano kasama ang kanyang anak na si Angeline, Julius Babao kasama ang kanyang asawang si Tin-Tin Bersola-Babao, Karen Davila, Toni Gonzaga, Mike Enriquez, Jessica Soho, at Love Anouver. Ilan din sa presenters na ito ay kasama sa Anak TV Roster of Makabata Stars.

Naroon din sina Korina Sanchez, Ted Failon, Mel Tiangco at Bernadette Sembrano para tanggapin ang kanilang awards.

Pinarangalan din ng Anak TV Seal ang dating Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) chairperson na si Ma. Consoliza Laguardia dahil sa mga naitulong nito sa Anak TV Seal nung kapahunan ng panunungkulan nito.

Siyempre, kung nandun si dating Chairperson Laguardia, present din ang bagong MTRCB chairperson na si Grace Poe-Llamanzares para magbigay ng mga parangal sa mga nagwagi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

A MINUTE OF NOISE. Ang finale ng palatuntunan ay ang "Rousing Rally for Responsible Television" na pinangunahan ng host na si Mikee kasama ang 2009 CNN Hero of the Year na si Efren PeƱaflorida.

Inimbita nina Efren at Mikee ang lahat ng awardees, presenters at mga pinuno ng Anak TV Seal sa entablado, at saka binigyan ng iba't ibang klaseng laruang musical instrument.

Pagkatapos ay binigyan ng hamon nina Mikee at Efren ang mga ito.

Ani Mikee: "Kung kayo po ay sumasang-ayon na tungkulin ng mga magulang at hindi ng istasyon ng telebisyon na pangalagaan at palakihin nang maayos ang ating mga anak..."

Dugtong ni Efren: "Kung naniniwala kayong mas malaki ang magagawa ng mas nakararami kaysa nag-iisa. Magkaisa po tayo at gumawa ng isang minutong ingay na yayanig sa lahat. Ingay tungo sa paglaganap ng adbokasya para sa responsableng paggamit ng telebisyon!"

At saka sabay-sabay nilang pinatunog ang mga laruang musical instrument, bago sabay-sabay ring sumigaw ng, "Mabuhay ang makabatang telebisyon! Mabuhay ang Pamilyang Pilipino!"

Sa kabuuan, isang magandang pagtitipun-tipon mula sa magkakalabang network ang Anak TV Seal Awards. Noong umagang 'yon sa SGI Bldg., sa Quezon City, walang network war o hamunan kung sino ang may mataas na ratings, kundi ngitian, batian at yakapan lang ang makikita sa pagitan ng mga bituin at mga importanteng personalidad sa Philippine television.

Heto naman ang listahan ng mga nanalo sa Anak TV Seal Awards 2010:

The 2010 Top TV Program HOUSEHOLD Favorites


GMA-7: 24 Oras, Art Angel, Imbestigador, Kapuso Mo, Jessica Soho, Unang Hirit, Wish Ko Lang

ABS-CBN: Agua Bendita, ASAP XV, Kung Tayo'y Magkakalayo, Maalaala Mo Kaya, Magkaribal, Matanglawin, May Bukas Pa, NOAH, Pilipinas Got Talent, Rated K, Showtime, Sineskwela, TV Patrol World, Umagang Kay Ganda

TV5: Talentadong Pinoy

Conferment of Anak TV Seals on Winning Programs Seal


ABS-CBN: Kapamilya, Winner Ka, Kulilits, Mag-TV na Baguio, TV na CDO, Mag TV na Cebu, Salamat Dok

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NBN: Abante Pilipinas, Balitalakay, Batingaw, BizNews, Damayan, Equilibrium, Heart to Heart, Komentaryo, Negosyo Atbp., Power to Unite, Sci-Pol, Signs and Wonders, Sulong Pa, Bagong Bulakeno, TakipSilip, The Doctor is In, The Young Once.

TV5: Barney and Friends, Blues Clues, Bob the Builder, Dora The Explorer, Global Grover, Hi-5, Inside the Fish Bowl, Jimmy Neutron, Mustard TV, Postman Pat, Spongebob Squareparts, The World Exposed, Thomas and Friends, Wonder Pets

GMA-7: Adyenda, Art Angel, Happy land, PJM Forum, Tropang Potchi, Wish Ko Lang

QTV-11: Are You Smarter Than A 5th Grader, Aria, Diyos at Bayan, Go Negosyo, Grimm's Fairy Tales, Hello Kitty and Friends, Jeanie with the Light Brown Hair, Legend of Sleeping Beauty, Marco, Midnight Prayers, Pocahontas, True Confections

IBC 13: Express Balita, Gabay at Aksyon

Studio 23: Y-Speak

Net 25: Ang Iglesia ni Cristo, Ang Pagbubunyag, Bundesliga, Chronicles, Discover Germany, Global 3000, Homepage, I-Balita, Iglesia ni Cristo and the Bible, In Focus, In Good Shape, I-News, Journal News, Landmarks, Moments, On Set, Pasugo with Church News, Red Carpet, Spoon, Tomorrow Today, Tribe

UNTV: Bread and Butter, Bread Tambayan, Dito Po Sa Amin, Doc on TV, Estranghero, Good Morning Kuya, Istorya, Kilalanin Natin, KNC Show, Law Profile, Munting Pangarap, Sports 37m Spotlight

The 2010 Anak TV Roster of Makabata Stars


Male: Ryan Agoncillo, Gerald Anderson, Kim Atienza, Julius Babao, Arnold Clavio, John Lloyd Cruz, Mike Enriquez, Ted Failon, Luis Manzano, Coco Martin, Aga Muhlach, Vhong Navarro, Piolo Pascual, Gary Valenciano, Zaijian Jaranilla

Female: Christine Bersola-Babao, Kim Chiu, Charo Santos-Concio, Sharon Cuneta, Anne Curtis, Karen Davila, Sarah Geronimo, Toni Gonzaga, Angel Locsin, Vicky Morales, Korina Sanchez, Judy Ann Santos, Bernadette Sembrano, Jessica Soho, Mel Tiangco


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN