Victor Aliwalas admits he and Liz Almoro, Willie Revillame's ex-wife, are "exclusively dating"

IMAGE 0


"Right now, I can say that we are exclusively dating one another. I am not seeing anybody else and she is not dating anybody else as well. I can truly say that this is a serious thing for me," says Victor Aliwalas about the status of his relationship with Liz Almoro.


"Yes, I am dating Liza Almoro!"

Ito ang ginawang pag-amin ng Kapuso hunk na si Victor Aliwalas sa press launch ng bagong primetime series ng GMA-7 na Beauty Queen last October 12 sa Studio 5 ng GMA Network Center.

Kasama sa cast si Victor bilang Greg Almario na best friend ng playboy na si Marc Sandoval, played by TJ Trinidad. Tampok sa Beauty Queen sina Iza Calzado, Katrina Halili, at Maggie Wilson.

Ilang buwan na ang nakakaraan nang unang mabalitang nagde-date sina Victor at ang ex-wife ni Willie Revillame na si Liz Almoro. Pero nuong presscon lang umamin si Victor sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na nag-deny nga siya noong una kahit totoong lumalabas sila.

Una kasing napabalitang may nakakita sa kanila ni Liz na magkasama sa isang restaurant ng isang five-star hotel. Katuwiran ni Victor, hindi pa raw kasi niya alam noon ang isasagot niya tungkol sa kanila ni Liz.

Pero sa pagkakataong ito ay hindi na nga makapag-deny si Victor. Last October 1 ay nakita sila ni Liz na magkasama sa well-attended concert ni John Mayer sa SM Mall of Asia Concert Grounds.

"I had my reasons why I had to deny it when I was first asked about it," simula ni Victor.

"During that time kasi, I wasn't really dating her. We have common friends and we all go out. It just so happens na she's with the group.

"So we started out as good friends talaga. We were not seriously dating that time. Kaya I denied it noon.

"But now, it's a different story. A lot of things have developed since then."

BEAUTIFUL PERSON. Noong February 2010 lang daw nagkakilala sina Victor at Liz. Kuwento ni Victor, pareho silang naging judge sa isang beauty pageant sa Ilocos Norte.

Victor admitted that he was smitten by Liz's beauty and charm.

"Liz is such a beautiful person inside and out. Who wouldn't fall for her, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So after the event in Ilocos Norte, we communicated with one another. Since we have common friends, we are always in touch with one another and we see each other when she or I am not busy.

"Right now, I can say that we are exclusively dating one another. I am not seeing anybody else and she is not dating anybody else as well. I can truly say that this is a serious thing for me.

"Ako naman, I'm a one-woman man. When I'm dating one girl, I don't date anybody else. That's how serious I am when it comes to that," sabi ni Victor.

Loveless daw si Victor noong makilala niya si Liz. Noong January 2010 daw nag-end ang relationship niya sa kanyang ex-girlfriend na naka-base sa New York City.

"It wasn't working anymore. Mahirap ang long-distance love affair," sabi niya. "She's there and I'm working here in the Philippines. The last time I was back in the U.S. was like a year ago pa.

"So it wasn't fair for her or for me to continue on with a relationship since we don't see each other. Presence is really important in a relationship.

"Sure, there are many ways to communicate like video chat, texting, and all that. But iba pa rin 'yung nagkikita kayo."

Kaya unfair din sabihin na naging "rebound girl" niya si Liz dahil kakahiwalay lang niya sa kanyang girlfriend.

"No one is a rebound girl. I did not treat Liz like that.

"When I met her, I have moved on already. I was ready for a new relationship. And Liz was somebody that I was destined to meet," saad niya.

NOT A COUGAR. Gusto ring linawin ni Victor na six years lang ang age difference nila ni Liz. He's 28 and Liz is 33. Kaya hindi raw matatawag na isang "cougar" si Liz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I got upset when this lady reporter wrote on her column that I was into cougars. That Liz was already in that level.

"I mean, come on, when you brand a woman as a cougar, she has to be about 40 and above! Liz is in her early 30s. So she doesn't belong in that category at all.

"It's okay for me to date women who are a bit older than me. But not as old as my mother, di ba?" natatawang sabi ni Victor.

Dagdag niya, "I'm for the mature type of women. Because I've dated women my age and even younger. Iba-iba talaga sila. In the end, it's still your preference. And you don't owe anybody an explanation as to who you are dating."


LIZ ALMORO'S EX-HUSBAND. Hindi naman nahiyang aminin ni Victor na hindi niya alam noong una na naging asawa pala ni Liz ang TV host na si Willie Revillame. Nalaman na lang daw niya iyon sa mga kaibigan nila.

"When I entered showbiz in 2007, I knew nothing about the gossips here," sabi ni Victor. "I'm from New York and all I did there was attend school, work, and hang out with friends. I wasn't into watching TV shows, not unless it's sports like football or basketball.

"That's why I didn't know who Willie Revillame was. I heard of him from other Pinoys in New York.

"It was not until I came here three years ago. Doon ko lang nakilala who Willie was. And that time, hindi ko pa kilala si Liz, so I was clueless that they were a couple before."

Nagkahiwalay sina Liz at Willie noong 2007, o dalawang taon matapos nilang ikasal ng dalawang beses noong 2005. Na-grant ang petition for annulment na inihain ni Liz noong 2008.

Pero hindi naman daw magiging hadlang para kay Victor ang pagiging ex-wife ni Liz kay Willie. Para kay Victor, part na raw iyon ng nakaraan sa buhay ni Liz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"According to Liz, she has moved on," sabi ng GMA Artist talent.

"In fact, when we attended an event for Red Cross, somebody said that Willie was also there. But throughout the night, hindi naman sila nagkita. Kahit na yung accidentally na magkita sila, it never happened."

Pero ready naman daw si Victor na maka-face-to-face si Willie in case na aksidenteng ipakilala sila sa isa't isa.

"It will not be a problem for me," ani Victor. "I will show him respect. I'm not the type who will turn my back on somebody being introduced to me. Hindi ganyan ang pagpapalaki sa akin ng parents ko.

"I will be a gentleman. I will extend my hand to Willie as a sign of respect."

Nang tanungin si Victor kung okey ba siya sa anak nina Liz at Willie na si Juan Emmanuel or Juamme, who is now five years old, nakiusap si Victor na huwag na lang pag-usapan ang bata.

"Out of respect na lang for Liz, let's not talk about her son. Yes, I've met him and that's about it. Hanggang doon na lang," nakangiting sabi ni Victor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN