Hayden Kho denies appearing in updated version of sex video with Katrina Halili

IMAGE 0


Hayden Kho (right) insists it's not him. "Nasabi na sa akin yun. Pero hindi ako yun, it's not even a sex video." His ex-girlfriend Dra. Vicki Belo (left) has assumed a pragmatic stance: "Nakita ko na lahat, so parang hindi naman ako masa-shock, di ba? Parang okay na ako."


May lumabas na naman daw na bagong bersiyon ng "sex video" nina Hayden Kho at Katrina Halili.

Matatandaang naging malaking kontrobersiya ang paglabas ng sex video nina Hayden at Katrina noong nakaraang taon. Nauwi ito sa demandahan at nagkaroon pa ng pagdinig sa Senado.

Kinuha ng Startalk ang pahayag ni Hayden tungkol sa paglabas diumano ng bagong bersiyon ng sinasabing sex video raw nila ni Katrina. Ito ang kanyang naging tugon: "Nasabi na sa akin yun. Pero hindi ako yun, it's not even a sex video."

Nakunan din ng pahayag ang ex-girlfriend na raw ni Hayden na si Dra. Vicki Belo at ito ang tanging sinabi niya: "Nakita ko na lahat, so parang hindi naman ako masa-shock, di ba? Parang okay na ako."

Makakaapekto kaya ang bagong development na ito sa kasong isinampa ni Katrina laban kay Hayden sa ilalim ng Republic Act 9262, or the Anti-Violence Against Women and Their Children Act, na ang trial ay nakatakdang ipagpatuloy sa darating na October 26?

Ayon sa legal counsel ni Hayden na si Atty. Lorna Kapunan, "Tapos na yung side ni Katrina, 'no? So on October 26, we're going to start presenting our own evidence."

Ang pahayag naman ni Hayden tungkol sa paparating na trial: "Alam ko naman kung ano yung totoong nangyari, so alam ko naman kung ano ang sasabihin. Walang kailangang i-prepare, di ba?"

Apart from the case, mas nais tutukan ni Atty. Kapunan ang pagbawi sa na-revoke na medical license ni Hayden.

"Of course, after you take several years of medicine, you would like to practise medicine. To have it revoked for a very personal matter between the two of them, with Katrina, I think is very unfair.

"We're very hopeful. In fact, we're very optimistic that the Professional Regulation Commission Board and the Philippine Medical Association will take a more fair and more objective view," pahayag ng abugado ni Hayden.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon naman kay Hayden, "I have to pick myself up. And I realize that if I'm gonna pick myself up, why not do it now, di ba?"

Samantala, nilinaw rin ni Atty. Kapunan ang balita na ibinasura ng korte ang libel case na isinampa ng dating road manager ni Katrina na si Omar Sortijas laban kay Mrs. Irene Kho, ang ina ni Hayden.

"No, ang nangyari dun was merong... The judge had asked the parties to come to a settlement. I think yung side nung Omar, ayaw nilang mag-settlement na," sabi ni Atty. Kapunan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN