Pia Moran wants another chance in showbiz

IMAGE 0


"Ang tagal-tagal ko na rin kasing walang project kaya ayun, na-depress na naman ako. Siyempre, iba yung may trabaho ka, may pinagkakaabalahan ka, saka may sense of fulfillment ka," says Pia Moran.


Nakabalik na noon sa showbiz ang dating sexy actress na si Pia Moran. Pero muli siyang nawala nang magpa-rehab siya ng anim na buwan noong nakaraang taon.

Sa muli niyang pagbabalik, nais ulit ni Pia na mabigyan ng pagkakataon.

"Basta ako, naghihintay lang ako ng trabaho at sana bigyan uli ako ng panibagong chance. Gusto ko uling umarte, gusto ko lang magtrabaho," sabi ni Pia nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon na ibinigay ng Artists Gallery last Thursday, October 14.

Ipinakuwento namin kay Pia kung bakit siya napasok sa isang rehabilitation center last year.

"It's PDEA [Philippine Drug Enforcement Agency] decision. Nagkahulihan sa malapit sa may Maligaya [Subdivision sa Fairview, Quezon City]. May kinukuhanan ako dun.

"Nag-positive yung urine ko sa drugs. Actually, gusto nila akong sampahan ng kaso pero wala naman silang nakuha sa akin.

"Nung sinabi nila na ipapa-rehab ako, sabi ko, 'Sige na, para matapos na lang, para wala nang usapan.' Dinala nila ako sa Arayat, Pampanga.

"I'm fine now. Okay na ako, na-overcome ko na yun," paniniguro ni Pia.

Aminado ang aktres na nanghinayang siya sa anim na buwan na na-rehab siya at walang trabaho.

"Siyempre, sayang yung anim na buwan. Hindi naman kasi kailangang ma-rehab ako kasi hindi naman ako yung talamak talaga sa drugs," saad ni Pia, na nakilala rin sa kanyang pagsasayaw.

Ayon kay Pia, ang kawalan ng trabaho at ang nangyaring pagkadisporma ng mukha ang mga rason kung bakit siya nalulong sa pinagbabawal na gamot.

"Ang tagal-tagal ko na rin kasing walang project kaya ayun, na-depress na naman ako. Siyempre, iba yung may trabaho ka, may pinagkakaabalahan ka, saka may sense of fulfillment ka. Tapos yung nangyari pa sa face ko," saad ni Pia, na ang tinutukoy ay ang peklat sa kanyang mukha matapos siyang magpaopera dulot ng isang car accident noong 1987.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako, ayoko ng bumalik sa drugs," patuloy ni Pia. "Kaya lang naman nangyari yun dahil sa kalungkutan, sa nangyari sa mukha ko. Malaki ang naging epekto nito sa akin.

"Pero siyempre, hindi na rin ito mababalik, 47 na ako. Hindi na mababalik yung dating Pia Moran."

Habang walang trabaho ay abala si Pia sa pag-aalaga ng isang pamangkin na may cerebral palsy at sa kanyang ina na 71 years old na ngayon.

"Nakaipon naman ako, nakabili ako ng bahay, napag-aral ko ang mga kapatid ko," banggit pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN