Supreme to the Extreme Awards recognizes this year's "movers and shakers" in Philippine pop culture

IMAGE 0


Gretchen Barretto receives her award for the Comeback of the Year category at this year's Supreme to the Extreme Awards. "I'm not surprised," Gretchen commented, beaming.


Gretchen Barretto. Dra. Vicki Belo. Solenn Heussaff. The Magalona family.

Ilan lamang 'yan sa mga pangalang nagningning sa naganap na Supreme to the Extreme Awards 2010 noong Miyerkules, Disyembre 15, sa Opus, Resorts World, Pasay City.

Ang Supreme to the Extreme Awards 2010 ay inorganisa ng Supreme section ng Philippine Star, para parangalan ang mga "movers and shakers" ng pop culture ng bansa ngayong taon.

Ganap na 7 p.m. pa lang ay nakarating na ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Opus, dahil ang oras na ito ang nakalagay sa press invite. Dahil maaga ang PEP, nasaksihan nito ang engrandeng pagdating ng mga bituin sa venue ng awards night simula 9 p.m.

Isa sa mga unang dumating ay si Maxene Magalona, kasama ang ina niyang si Pia Magalona at kapatid na si Arkin. Maaga rin ang fashion director na si Robby Carmona, si Victor Basa with girlfriend Divine Lee, ang fashion designer na si Rajo Laurel, at ang dating ABS-CBN News Head na si Maria Ressa.

Nagmistulang catwalk naman ang hallway papasok ng Opus nang sunod-sunod na nagdatingan ang mga fashionable celebrities na sina Mich Dulce, Bubbles Paraiso, Solenn Heussaff, Borgy Manotoc, Georgina Wilson, Megan Young, Liz Uy, at ang Supreme editor na si Tim Yap.

Dumating din ang ang The Amazing Race Asia winning tandem na sina Richard Hardin at Richard Herrera. Kasama ni Hardin ang fiancée niyang si Andrea.

Magkasabay namang dumating si Dra. Vicki Belo at ang anak niyang si Quark Henares. Ayon kay Dra. Vicki, darating rin dapat ang partner niyang si Hayden Kho. Kaya lang, napagod daw ito sa pag-aasikaso sa kanyang perfume business.

Pasado 10 p.m. na nang makarating ang aktres at commercial model na si Gretchen Barretto, na tila pinaka-VIP sa event. Nagsimula ang event ilang minuto matapos makapasok ni Gretchen sa Opus.

SUPREME WINNERS. Si Tim Yap ang nagsilbing host ng Supreme to the Extreme Awards 2010.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Tim, ang mga mambabasa ng Philippine Star ang nagdesisyon kung sino ang karapat-dapat na manalo.

Ang unang award na binigay ay para sa kategoryang Comeback of the Year, na napanalunan ni Gretchen.

"I'm not surprised. I'm the only girl nominated. So thank you very much," pahayag ni Gretchen ng kuhanin niya ang kanyang award. Nominado rin sa parehong kategorya sina Robin Padilla, Isko Moreno, Amy Perez, Willie Revillame, at ang dating Pangulo Joseph Estrada.

Ang kategoryang Collaboration of the Year naman ang sumunod na itinanghal. Nominado rito ang mga partnership na pinag-usapan umano sa 2010, tulad nina Rajo Laurel at ang apparel brand na Wharton; ang iskultor na si Leeroy New at ang fashion designer na si Kermit Tesoro; si Dra. Vicki Belo at si Charice, na isinailalim umano ng beauty doctor sa botox procedure; at ang komedyanteng si Pokwang at ang socialite na si Divine Lee.

Nanalo sa kategoryang ito ang partnership ni Dra. Vicki at ni Charice. Malugod namang tinanggap ng beauty doctor ang award. Aniya, kahit nagkaroon ng kontrobersiya ang procedure na ginawa niya kay Charice ay naging mas popular pa rin ito.

Samantala, ang fashion designer at Survivor Philippines Celebrity Showdown castaway naman na si Solenn Heussaff ang nanalo sa kategoryang Breakout Reality Star of the Year. Umarteng umiiyak at emosyonal si Solenn habang tinatanggap ang kanyang award.

Ang Supreme Dynasty Award naman ay napanalunan ng pamilyang Magalona, dahil marami sa kanila ay may potential na maging artista. Kasama ng young actress na si Maxene Magalona ang kanyang inang si Pia Magalona at kapatid na si Arkin nang tanggapin nila ang award.

"Mabuhay si Francis M!" sigaw ni Maxene. Matatandaang namatay ang ama ni Maxene noong isang taon. Si Francis M ay isang rapper, actor, at TV host na hinahangaan dahil sa kanyang pagkamakabansa.

Ang dating ABS-CBN News Head naman na si Maria Ressa ang nakatanggap ng Televisionary Award para sa impact na kanyang binigay sa Philippine media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"This is an incredible time to be working in the media," pahayag ni Maria Ressa nang tanggapin niya ang kanyang parangal.

Nominado naman sa kategoryang Best in Chemistry, o love team of the year, sina Robin Padilla at Mariel Rodriguez, Junjun Binay at Kris Aquino, Borgy Manotoc at Georgina Wilson, at ang Melason team na sina Melai Cantiveros at Jason Francisco.

Ang real-life tandem nina Borgy Manotoc at Georgina Wilson ang nag-uwi ng panalo. Pinasalamatan ng dalawa si Solenn Heussaff, na naging daan daw ng pagkakakilala nilang dalawa. Nagpasalamat din sila kay Tim Yap, na pangunahing promoter umano ng "Borgina" tandem.

Si Rufa Gutierrez naman ang tumanggap ng Supreme Junior Award, o next big star award, para sa mga anak niyang sina Lorin at Venice. Ayon kay Rufa, nagbu-beauty rest na raw ang kanyang mga anak kaya siya na lang ang kumuha ng trophy.

Ang ilan pang mga ibinigay na award ay ang Twitterati Award para kay Anne Curtis, The Supremo Award para kay Ely Buendia, DJ of the Year Award para kay Mars Miranda, The Fashion Force Award para kay Liz Uy, at Blogger of the Year Award para kay Cecile Van Straten ng Chuvaness.com.

Matapos ang awarding ay tumuloy ang lahat sa Republiq, ang bar na katabi ng Opus, para sa after-party.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN