Boy Abunda: "Every time I wake up with Nanay, hear her laughter...that's my life!"

IMAGE 0


"....I had nothing but guts. All I wanted was to provide for my mother. I had no dreams for myself. I just wanted Nanay to have a good life," said celebrity TV host Boy Abunda about his humble beginnings.


"Ang nanay ko, nagagalit pag sinasabi kong 'I came from nowhere,' pero totoo naman po iyon. I really came from nothing."

Ito ang prankang pagbabahagi ni Boy Abunda sa contract signing niya bilang business ambassador ng Splash Direct Sales. Ginanap ito noong December 20 sa Discovery Suites, Ortigas Center, Pasig.

"'Nothing' meaning, of course, I had the love of my parents, pero wala rin po akong pinag-umpisahan. I had nothing but guts. All I wanted was to provide for my mother. I had no dreams for myself. I just wanted Nanay to have a good life."

Nagsilbing inspirasyon ang pananalita ni Tito Boy sa mga miyembro ng Splash Direct Sales team mula sa iba't ibang bahagi ng Luzon.

"Mahalaga po sa akin ang kuwento ng Splash kasi nakaka-identify po ako. Dahil ang kuwento po nina Dr. Rolando at Dr. San-San [Hortaleza] ay kuwento ko po at kuwento ng marami sa atin."

"A FUN JOURNEY." Di naman lingid sa kaalaman ng marami na nagmula sa mahirap ang TV host at sought-after product endorser.

Mula siya sa Borongan, Eastern Samar at nag-working student si Tito Boy. Sa Maynila, siya ay nagtrabaho bilang assistant sa Metropolitan Theater hanggang sa naging talent manager at di naglaon, siya naman ang nasa harap ng kamera.

"I cannot claim to be the best at anything. But I am the best child to my mom," ani Tito Boy.

Ani Glenda Pingol, General Manager ng Splash Direct Sales, ang pagpapagal ni Tito Boy para makaahon sa kanyang pinagmulan papunta sa kanyang kinalalagyan ngayon ang dahilan kung bakit siya kinuha ng Splash para sa napakahalagang task na maging Ambassador for Business.

"It's a lot of hard work. I love what I do. To this very day, I still want to provide for my family. I think that's the true measure of success: being able to share with family, with friends, with people who need you because I am a recipient of the success of other people.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"My journey is filled with a lot of stories of people who shared with me their successes," pag-amin ni Tito Boy. "You call it success, I call it a blessing. There's still a long way to go. I'm in the middle of a journey. It's a fun journey. It's not easy, but it's a fun journey. It's really a lot of hard work, a lot of prayers, a lot of love and zest for life!"

FUTURE PLANS. Sa kasalukuyan ay nagtuturo na din si Tito Boy ng komunikasyon sa Philippine Women's University at kumukuha ng graduate studies. Sa puntong ito ng buhay niya na animo'y nasa tugatog na siya ng tagumpay, may mga nais pa ba siyang marating?


"I'd like to be able to teach. I'd like to be able to produce for television. I'd like to be able to teach hosting," ang sabi niya. "Some 10 years ago, I wrote a syllabus on hosting for ABS-CBN but I haven't been able to teach it. I'm also studying, trying to finish my masteral and doctoral degrees.

"I'd like to be able to do a regional talk show. Three years ago, I was offered to do a regional talk show for some ASEAN countries and Russia. It did not materialize because of many factors. These are the things that I'd like to be able to do.

"And I'd like to be sexier," pabirong paglalahad niya.

DEVOTED SON. Inspirational din ang debosyon ni Tito Boy sa kanyang ina. "Si Nanay ang nagbibigay-buhay, nagbibigay direksyon sa akin at siniguradong di ako mawawala."

Sa lahat ng mga anak sa audience during the presscon, sabi niya: "When you love your parents, madaming sumusunod.


"We are where we are because of mothers. Lahat, napagdaanan ko na. Behind everything I do is the question: 'what does this mean to my mother?'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang pinakamahalaga sa isang Boy Abunda na napakarami nang na-achieve at napakalayo na ang narating?—"Every time I wake up with Nanay, hear her laughter...that's my life!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN