PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Baron Geisler: "I'll try to come back not as a great actor but as a great man."

Baron Geisler hopes that after submitting himself to full rehabilitation, he will be given a chance to continue working in the industry he loves.
Published Jan 26, 2011
"Siguro ito na 'yong lesson... I mean, I think 'yong lesson na nangyari dito, e, papasok na talaga sa skull ko," says Baron Geisler about the recent controversy that led Professional Artists Managers Inc. to ban him from working with celebrities being handled by its members.

Nakangiti ngunit dahang-dahang pumasok sa silid ang ngayo'y kontrobersyal na si Baron Geisler nang makita niya ang mga miyembro ng media na naghihintay sa kanyang pagdating.

Isang emergency meeting ang pinatawag ng kanyang talent manager na si Arnold Vegafria noong Biyernes, Enero 21. Ito ay kaugnay ng reklamong harassment ng aktres na si Cherie Pie Picache at talent manager niyang si Ed Instrella sa Professional Artists Managers Inc.(PAMI).

Noong araw na iyon, tumugon si Baron sa kahilingan ng PAMI na magbigay siya ng public apology kay Cherie Pie. Inamin din niya sa pagkakataong ito ang pagkalulong niya sa alak kung kaya sasailalim na siya sa isang 90-day rehabilitation program. (CLICK HERE to read Baron's apology to PAMI and Cherie Pie)

Para kay Baron, hindi madali ang pagharap na ito sa publiko at sabihin ang kasalukuyang problemang hinaharap. Sa mga nakaraang reklamo ng sexual harassment na isinampa laban sa kanya, ito ang labis na nakalulungkot para kay Baron.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matatandaan na noong April 2008, nagreklamo laban kay Baron ang dalagang anak nina William Martinez at Yayo Aguila, si Patrizha Martinez, ng sexual harassment. (CLICK HERE to read related article)

Parehong kaso rin ang isinampa ng dating StarStruck avenger na si Yasmien Kurdi noong May 2009. (CLICK HERE to read related article)

BOOZED ON THE SET IS 'UNPROFESSIONAL'. "I could say, ito 'yong pinaka-worst kasi, para sa akin, ito 'yong pinaka-nakakahiya," pag-amin ni Baron.

Gayunman, inamin ng 28-year-old actor ang pagkakamaling nagawa niya sa insidenteng naganap sa set ng Noah, kung saan gumaganap siya bilang kontrabidang si Caleb.

Sa umpisa ng press conference, sinabi niya, "To tell you honestly, I'm very nervous kasi I don't know what to expect. And to tell you the truth, sa mga nangyari, ang future ko po ang nakasalalay.

"Sa mga actions ko, pinagsisihan ko. Lahat ng mga nagawa ko, for instance, I thought I was professional by coming to the set early and knowing my lines and knowing my character. But I realized that going to the set intoxicated is a sign of being unprofessional.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I always thought that I was a professional. Pero na-realize ko na hindi pa pala. So, I just wanna apologize to my network and to my co-actors for acting that way, for just not being whole pagdating sa set.

"Hindi po ako magsisinungaling. Before that scene, I had five cans of Strong Ice. Usually, that amount wouldn't even get me tipsy. And to tell you frankly and honestly, I wasn't tipsy during tapings. Naamuyan lang po ako kaya kumalat din sa set. I wasn't careful."

Kaya naman sa pagkakataong ito, humingi ng tawad ang dating teenage actor ng Tabing Ilog.

Ang pangako pa niya, "Next time, I'll be more cautious with my actions, especially while working or during a scene. I will try to be more... I'll think about others rin, I'll think about my co-actors na rin.

"I do think about them pero mas magiging cautious ako sa co-actor ko. Usually kasi, it's me, it's the character that I'm in. Next time, you know.... It's a lesson and I hope I learn from it, from everything. And this time, it's very serious."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

ALCOHOL AND ANGST. Sa buong press conference, hindi naman itinanggi ni Baron na malalim na ang kanyang problema sa alak. Gayunman, nilinaw niya na hindi pa ito ang matinding kaso ng alcoholism.

Nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung gaano karami ang average ng kanyang naiinom, sabi ni Baron, "I can finish two bottles of gin bilog, dalawang Gran Matador na maliit, at saka mga 14 bottles of Red Horse bago ako malasing."

Kaya naman noong mangyari ang insidente, nanindigan si Baron na hindi pa siya lasing at alam pa niya ang kanyang ginagawa.

"Noong nangyari ang incident, from 3:00 p.m., doon ako nag-start, from 3:00 p.m. to 11:00 p.m. may interval, five cans, do you think that could make me go crazy? Kita naman sa TV, e. May lasing bang makakaarte pa?"

Gayunman, aminado siya sa pagkalulong niya sa alak at madalas na epekto nito sa kanya.

"When I drink, I don't know how to stop and I become unmanageable," sabi ni Baron.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento pa niya, "I spoke to my psychiatrist. Ang alcoholism may mga ano po 'yan, mga degree. Wala pa naman po ako doon sa degree na sobra. Kasi, wala naman akong shakes, wala naman akong parang nagke-crave na kailangan kong uminom.

"Ang naging problema ko lang po is marami po akong hang-ups sa buhay. Marami sa past."

Matatandaan na noong mga nakaraang taon, sumailalim na rin siya sa ilang paraan upang maiwasan ang alcohol. Subalit ito ay mga pandaliang detoxification lamang, ayon kay Baron, na aminadong lulong na sa alak simula nang siya'y 23 years old pa lamang.

Ayon sa website na alcoholism-support.org, "The first step in treating alcoholism is to remove alcohol from the system, and this is much more involved than merely 'sleeping it off.'

"Dextox is necessary because a person cannot participate in the treatment program and gain full benefit from the educational opportunity if he/she is in any way under the influence."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa press conference, tinanong ng PEP kung bakit patuloy pa rin ang pagbalik ng pagiging manginginom niya sa kabila ng mga detoxification na ginawa niya.

Sagot ni Baron, "Madaming angst kasi. Ikaw ba naman ang mamatayan, 'tapos after one year, masunugan ka, after another year masunugan ka, tanungin kita ng same question mo. Papaano mo iha-handle 'yon?"

Bukod dito nabanggit rin niya ang ilan pang bagay na nagti-trigger ng kanyang pagiging manginginom.

"Nando'n 'yong heartbreaks and disappointments. You know, we can't have everything pero there are times na may gusto ka pero hindi mo naman makuha.

"Somehow, minsan napu-frustrate ako dahil mayroon akong gustong ma-achieve kasi, na minsan hindi natutupad."

Pagkatapos inamin niya, "Ang hirap. Ang hirap. Siguro ako, hindi ko kayang dalhin. I tried my best to be a good Christian.

"Pero I think, ito na ang pinakamagandang desisyon to really deal with my problems- love myself, take good care of myself, and just focus on being a better person."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong nakaraang taon, masasabing unti-unti nang nagpakita ng pagbabago si Baron. Sa katunayan, maituturing niya pang maganda ang takbo ng kanyang showbiz career noong nakaraang taon sa kabila ng mga kontrobersiya.

"I had a great year, to tell you honestly. Sumablay lang ako sa dulo. Sumablay lang ako sa dulo dahil sa mga issues na pumasok, so, bumalik."

Ang tinutukoy niyang sablay ay hindi pagkakasama sa pelikula ni Direk Brillante Mendoza na Prey.

"Hindi ako napagbigyan to do it. Nag-aral ako ng two months, diretso, nag-immerse talaga ako doon para sa character.

"So, nandoon 'yong galit. Kaya siguro dumarating ako sa set nang nakainom.

"Nando'n 'yong galit na, saying, makakatrabaho ko itong French actress [Isabelle Huppert] at makakapunta ako ng Cannes Film Festival.

"Hindi ako pinagbigyan but that's all in the past. I will learn to accept that, especially when I'm inside.

"I will learn to accept many things when I'm inside. I hope it really sinks in and I really hope I will learn from it. And I believe I will."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BANNED FROM WORKING. Kung may mabigat mang epekto ang kanyang nagawa, ito ay pagkaka-ban ni Baron sa pagtrabaho kasama ang mga artista na hawak ng mga miyembro ng PAMI. At labis na ikinalulungkot ito ng binatang aktor.

"Na-ban po ako sa industriyang pinakamamahal ko, lumaki na po ako dito, 'tapos tinanggal sa akin."

Kung tatanungin si Baron, ang nangyaring insidente sa set ng Noah ay maituturing na iba sa mga naunang reklamong sexual harassment laban sa kanya.

"It's totally different dito sa showbiz industry kaysa po doon sa kaso. 'Yon lang po, ibang-iba po. Hindi po ako naniniwala na puwede nilang gamitin 'yon against me. Iba po 'yong kaso nila sa nangyayari ngayon."

Sa paghingi ng paumanhin kay Cherie Pie, na nauna nang nalathala ng PEP noong Biyernes, Enero 21, nabanggit ni Baron na hindi niya sinasadyang mabastos ang kanyang co-actor.

"I'm very, very sorry, Ms. Pie, kung 'yong actions ko po ay naramdaman ninyong na-offend ko po kayo or nabastusan. I'm very, very sorry. Noong time na 'yon, I thought I was just doing my job." (CLICK HERE to read related article)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pagpapatuloy ng kanyang pahayag, naikuwento ni Baron ang ang pagwawala niya diumano sa set.

"I apologized to her right after the incident. I was stunned sa nangyari dahil wala akong intensiyon to do anything wrong to her. Paglabas ko ng pintuan, I apologized to her again.

"At that time, I felt na hindi na-accept ang apology ko. So, I even explained, naka-gloves po ako, monkey gloves, no sense of touch, hindi po ako nakakaramdam, dahil naka-gloves po ako.

"Siguro nando'n pa rin 'yong galit niya, hindi niya natanggap, tinanggal ko ang gloves ko, pumunta ako sa gitna ng kalsada at lumayo muna ako sa kanila.

"Sumigaw ako nang sumigaw dahil sa sobrang galit. Dahil noong panahon na 'yon, pakiramdam ko marami na po akong kaso.

"That time I felt, parang na-push ang buttons ko, para isa pa itong makakadagdag. Alam na ngang may isa pa akong problema, ganito, ganyan. Am I that stupid to make the same mistake again, na may dalawa na o tatlong babae ang nag-complain sa akin, 'tapos madadagdagan pa—isang beterana at napakagaling na artista ang magrereklamo, binastos ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Parang hindi ko nakayanan, biglang pumutok na lang ako, which is wrong dahil hindi ko na-keep ang cool ko."

Tulad nga ng kasabihan, nasa huli ang pagsisisi. Ito ang isa sa mga nararamdaman ngayon ni Baron.

"Right now, I'm accepting everything, paying the price of what I've done. You know, if I get better, I really hope 'yong mga doors na magbubukas po para sa akin."

ON SHOWBIZ, FAMILY, AND FAITH. Sa kabila ng mga negatibong paglalarawan tungkol sa katauhan niya, lalo na kung nasa impluwensya siya ng alak, pinagtanggol naman ni Baron ang kanyang sarili.

"When I'm sober, I'm a lovable guy," aniya. "Sabi nga ng mga ex ko, kapag nagkikita-kita kami, or ng mga tao, 'You know what, you're an amazing person when you're sober. But when you drink, it's the total opposite,' parang gano'n.

"Sabi ko nga, e, I'm a good example of a bad example. I just really hope that I learn from this.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"But sa mga taong nakakakilala sa akin, they know who Baron is talaga, sweet. Parang sabi nga ni mommy, para akong anghel na hindi makabasag-pinggan kapag sober ako. Pero 'yon nga, Jekyll and Hyde, kapag nakainom naman, nagiging crazy, kapag lasing."

Sa pagpapasailalim niya sa 90-day rehabilitation, umaasa si Baron na mareresolba na hindi lamang ang problema niya sa alak kundi ang mga personal na isyu.

"Alam ko makakasira ito sa akin, all over the world. Hindi ko alam kung pagkatapos nito kung may career pa ako. Ang laking damage nito sa akin.

"But I'll be praying everyday, 'yon na lang habang wala akong work. I'll fix myself and in the future sana mas higit pa ang makukuha ko if I live in sobriety, if I keep my word, and they allow me to work again.

"Siguro ito na 'yong lesson... I mean, I think 'yong lesson na nangyari dito, e, papasok na talaga sa skull ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I'm not doing this para makapag-showbiz ako ulit or makapag-act again. I'm doing this mainly because I want to really deal with my issues."

Pagkatapos ng full rehabilitation, umaasa ang aktor na magbabago na ang pananaw ng tao, lalo ng mga taga-showbiz, tungkol sa kanya.

Simula kasi nang lumabas ang kabi-kabilang reklamo laban sa kanya, marami ang nanghinayang dahil maituturing pa naman siyang magaling na aktor sa kanyang henerasyon. Iba-ibang bansag rin ang ipinukol kay Baron, tulad ng "alcoholic" at "maniac."

"It breaks my heart," sabi ni Baron. "Kasi, paglabas ko nga ng rehab, ayaw ko nang marinig 'yong 'sayang'. Pagod na pagod na ako. Actually, that's a very good break sa stress din na nakukuha ko ngayon."

"Actually, isang frustration ko rin, people will judge me agad because of 'yong stigma, 'Baron is a bad guy. Baron is a maniac. Baron is an alcoholic. Baron is like this. Baron is like that.'How do you expect one to change if you judge him without any proof.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit sa pag-amin ng pagpapa-rehab, nababahala rin si Baron dahil, "Baka isipin nila, mentally unstable ako. Tao lang ako.

"Siguro, kung mentally unstable ako, hindi niyo ako makikita ngayon na maayos kausap o umaarte sa TV.

"For me this is very degrading, hindi lang sa family name namin kundi pati sa family, especially sa mommy ko.

"Siguro ginawa ko rin naman ito sa sarili ko, so, I deserve this.

"Pero 'yong ibang taong nagja-judge sa family ko, please huwag. Huwag niyo nang idamay ang family ko dahil hindi niyo kami kilala.

"Ako na lang ang saktan ninyo, huwag na sila."

Sa tingin ba ni Baron, galit ang buong mundo sa kanya ngayon?

"Ang showbiz lang po," sagot ni Baron. "Kasi po, kapag lumalabas po ako, sa totoo lang, hindi nila ako jina-judge. Nandoon pa rin ang mga ngiti, hindi plastik. Siguro ang mundo lang ng showbiz ang nagagalit sa akin, to tell you the truth."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ngayon, ayon kay Baron, kumukuha na lamang siya ng lakas sa kanyang pamilya at ilan pang malalapit na kaibigan.

Sa katunayan, ang ina niya ang abala sa pakikipag-usap sa facility na papasukan ni Baron. Samantalang ang kuya niyang si Donnie, na minsang nakasama niya sa loob ng Pinoy Big Brother house, ang sumasama sa kanya sa mga pagkonsulta niya sa psychiatrist.

Nabanggit din ni Baron, "Na-realize ko rin, siguro 'yong faith ko hindi gano'n kalakas. Siguro inside, I'll have more of one-on-one with the Lord. It's a very good time to have that spiritual healing and emotional healing, everything.

"Nilalagay ko na lang siya sa positibo na parang, 'Okay, I'll show you that I'll do my best. I'll try to come back not as a great actor but as a great man."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Siguro ito na 'yong lesson... I mean, I think 'yong lesson na nangyari dito, e, papasok na talaga sa skull ko," says Baron Geisler about the recent controversy that led Professional Artists Managers Inc. to ban him from working with celebrities being handled by its members.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results