Star Power finalist Angeline Quinto holds motorcade and mini-concert in Sampaloc

IMAGE 0


The mini-concert of Star Power finalist Angeline Quinto took place at the Dapitan complex ni Sampaloc, Manila last January 29. She also had a motorcade around the area that afternoon.


Buong giliw na sinalubong ng mga taga Sampaloc ang Star Power grand finalist na si Angeline Quinto sa motorcade nito sa Sampaloc, Manila noong Sabado, January 29. Ito ang isa sa mga aktibidades ng limang finalists bilang paghahanda sa grand finals na gaganapin sa Ynares Stadium sa February 20, 2011.

"Ang ganda naman ni Angeline!" "Kamukha ni Regine Velasquez!" "Galingan mo, Angeline!" Angeline, pabalato naman!" "I love you Idol!" "Binoboto ka namin, ha, Angeline!"

'Yan ang ilang sigaw ng mga kababayan ni Angeline habang kumakaway at nakasakay siya sa isang maliit na pick-up. Hindi ininda ng mga taga-Sampaloc ang init ng katanghalian ang araw, masulyapan lamang ang kanilang kababayan na makikipagkompitensiya sa apat pang finalists sa pagtatapos ng talent search hosted by Megastar Sharon Cuneta.

Habang walang humpay na kumakaway si Angeline, tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang nararamdaman nito habang umiikot sa kanyang sariling bayan.

Masiglang sagot ng dalaga, "Masayang masaya po ako, kasi po di ko ini-expect na ganito karaming tao ang sasalubong sa akin, at natutuwa po ako kasi nadaanan ko yung mga lugar na pinupuntahan ko nung bata pa ako at nakikita ko yung mga ibang kakilala ko po."

Anong suporta ang ibinigay ng mga tao at mga tagapamahala ng Sampaloc at Manila para sa kanyang motorcade?

"Humingi po ako personally ng tulong sa kanila lalo na po kay Congresswoman Trisha Bonoan para naman po may tarpaulin ako sa buong parte ng Sampaloc, Manila.Tinawagan ko po siya sa kanyang telepono at pinapunta niya po ako sa kanyang opisina para pag-usapan po ang parade na ito. Kinabukasan po nagpagawa po siya agad ng maraming tarpaulin para ilagay sa iba't ibang kalye ng Sampaloc. Eto nga po't sinamahan niya pa po ako sa parade bilang suporta sa akin."

Paano naghanda si Angeline para sa grand finals ng Star Power?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"Nagpapahinga po ako pag me chance na magpahinga po. Di ako umiinom ng malamig 'saka iniiwasan ko po na magpuyat," aniya.


Matapos ang halos tatlong oras na parada sa buong distrito ng Sampaloc, sinundan ito ng kanyang homecoming concert, ganap na alas sais ng gabi sa Dapitan Complex.

Punung-puno ng kanyang mga kababayan at tagahanga ang naturang venue upang saksihan ang galing ng kanilang pambato sa darating na grand finals ng Star Power.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN