70's leading lady Veronica Jones looks back on her heyday in showbiz

IMAGE 0


Veronica Jones (left) didn't want this shot to be taken. But with some prodding from her younger sister Jaclyn Jose (right), she eventually obliged. She is called "Ate Vero" by the award-winning actress.

Inset: Vero played the role of Babaing Lawin, the nemesis of Darna.


Tiyak na kilala ng lahat ng mga showbiz fans noong late '70s at early '80s si Veronica Jones (Lorraine McCollum sa tunay na buhay).

Bukod sa pagiging kapatid ni Jaclyn Jose at tiya ni Andi Eigenmann, isa siya sa pinaka-in demand na leading lady ng mga action stars noong araw.

"Tigilan mo nga ako...Ikaw talaga!" ang nahihiyang sambit ni Veronica.

Sa pagpapatuloy niya, "Basta ang masasabi ko, yung mga leading man ko, na-tsugi [namatay] na, si Fernando Poe Jr, wala na. We did Laban sa Lahat, kasama yung Poe Brothers. Si Rudy [Fernandez], wala na. Si Ace Vergel, wala na rin. Sina Anthony Alonzo, Ramon Zamora...Kadalasan, ang nagiging partner ko, mga action stars."

Hindi na raw siya sanay magpa-interview dahil hindi na siya aktibo sa showbiz. Nang tanungin ng writer na ito kung nami-miss ba niya ang dati niyang mundo, "Hindi na," ang matipid niyang sagot.

VERONICA'S HEYDAY. Sumikat si Vero (palayaw ng former leading lady) sa natatanging panahon ng pelikulang Pilipino kung saan napagsanib ang sining at tagumpay sa komersiyal na aspeto. Karamihan sa mga proyekto ay umani ng papuri mula sa mga kritiko sa loob man o labas ng bansa.

"Kasabayan ko noon sina Rio [Locsin], Lorna [Tolentino]," banggit niya. Kasama si Vero sa mga inilunsad na sex symbols, kasama ang pangunahing sexy star na si Alma Moreno.

Dagdag pa niya, "Kami ang magkaka-batch noon. Sexy lang naman..." sabi niya.

In the mid-'80s, mas naging mapangahas ang mga artista at prodyuser ng sex-oriented movies tulad noong early '70s o bago mag-Martial Law. Pero may distinction sa outright bold ("pene-kula") at sex-oriented art films.

Sa huli, nakilala ang kapatid ni Vero na si Mary Jane Guck o Jaclyn Jose, na itinampok sa Takaw Tukso ni William Pascual, Private Show ni Chito Roño, White Slavery ni Lino Brocka, at iba pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ay, mas magaling talaga 'yan [Jaclyn]," pagpuri nito sa younger sister-actress. "Ang daming trophies nun, e!"

Taong 1983 nang huling mapanood sa pelikula ang dating artista. Ang huli niyang pelikula ay Target: Batang Sindikato, kasama ang yumaong EddieFernandez, Anthony Alonzo, at Ace Vergel, sa direksyon ni Freddie Sarol.

Nagsaliksik ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa The Urian Anthology (70's and 80's editions) ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino (MPP) at heto ang filmography ni Vero.

Ginawa nila ni Daboy, kasama si Ace Vergel, ang Hari ng Tondo, Ikaw O Ako (1980). Nakatambal din ni Veronica sina Ace Vergel sa Batang Simaron (1981); Anthony Alonzo sa Batang Ilocos Sur (1982); Ramon Zamora at Eddie Fernandez sa Utakan (1982).

Sabad niya, "Si Jay Ilagan, matagal na ring wala. Naging leading man ko rin siya sa Sino'ng Pipigil sa Pagpatak ng Ulan?" Ang pelikula ay production ng Agrix Films noong late '70s.

Wala bang naging leading man si Vero na buhay pa hanggang ngayon?

"Si Rey Malonzo," ang mabilis niyang sagot. Isa sa kanilang mga projects ay Ang Tsimay at ang Tambay (1979), kung saan naging support siya kay Rey at kay Nora Aunor.

Kabilang din siya sa Nora Aunor-Mat Ranillo III movie na Palengke Queen (1982), na idinirek nina Armand Reyes at Freddie Sarol.

Samantala, naging Caloocan City Mayor din si Malonzo, tulad ng naging ama ng mga anak niya na si former Mayor Macario "Boy" Asistio.

LEAVING SHOWBIZ. Pag-ibig ang dahilan kung bakit iniwan niya ang pag-arte.

"Nung nag-asawa na ako, tumigil na ako," ani Vero, na piniling maging partner ng dating politician.

Hindi na rin pumasok sa isip niyang bumalik, "kasi, naging healthy na ako masyado," katuwiran niya.

Dugtong ni Vero, "Ang mga anak ko ang inasikaso ko."

Lima ang anak nila ni Asistio: sina Anna, Angelica, Arriane, Boyito Jr. at Abby.

Ang huli, na ngayon ay 26 taong gulang, ay bahagi ngayon ng TV5. "Yung eldest ko, si Abby Asistio, involved na rin kahit papa'no," sabi ni Mommy Vero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naghu-host siya sa TV5, may show siya, Techno Trip, [music video show] with KC Montero. 'Tapos, lalabas na yung first single niya soon. Ang title [ay] 'Tagpuan.'

"Graduate na siya ng Political Science. Dalawa na ang college graduate ko," masaya niyang kuwento.

Ang junior naman ni Mayor Asistio is in his early '20s. Papayagan din ba niyang mag-showbiz ito?

Sagot ni Mommy Vero, "Wala pa, e. Nag-aaral pa talaga. Bata pa, e. Pero, puwede ba?"

The rest of her children ay tila walang hilig sa dating trabaho ng kanilang ina.

Dagdag pa niya, "Lima ang anak ko, lahat 'yon Asistio, iisa lang ang tatay."

Nang tanugin siya tungkol sa relasyon nila ng dating mayor. Aniya, "Kami pa rin [ni Boy Asistio]. Tahimik lang ako. We've been partners for 28 years!"

Hiniwalayan na ba ng partner niya si Nadia Montenegro?

"Hindi rin. Nand'yan pa rin siya..." ang natatawang paglilinaw ni Veronica. Bukod kina Vero at Nadia, public knowledge din na naging partner ni Asistio ang aktres noong '70s na si Djohanna "Gigi" Garcia.

GRIEVING FOR MOM. Nakakuwentuhan siya ng PEP noong Enero 21, and huling gabi ng burol ng kanyang ina na si Mrs. Rosalinda Licup Sta. Ana Kelley.

Pumanaw si Mommy Rosalinda noong Enero 14, 2011, mahigit isang buwan pagkatapos ng kanyang 72nd birthday. Ipinanganak siya noong Disyembre 9, 1938, at ininilibing noong Enero 22, dakong alas-tres ng hapon, sa Himlayang Pilipino Memorial Park.

Hindi madali ang nangyari para kay Vero. Aniya, "Malungkot, siyempre, kasi sa akin siya nakatira. Matagal na sa akin si Mama. Ako kasi ang panganay, e. Ako yung pinaka-eldest daughter."

Noong simula na ng kasikatan ni Jaclyn, tumigil na sa pag-aartista si Veronica. "Lahat naman kaming magkakapatid, tulungan. Mahal namin ang mommy namin, e. Kaya yung mga may nanay pa, e, mahalin n'yo talaga yung nanay n'yo, kasi mahirap pala pag nawala. Masakit, mahirap..." ang makabuluhang sabi ni Vero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang hingan siya ng message para sa mga nakiramay, "Dapat si Jane [Jaclyn], kasi mga friends niya 'yon," aniya.

Pero busy rin noon ang award-winning actress kaya ang isa pa nilang kapatid na si Marie Kelley, fourth to the eldest at youngest female sibling, ang nagpaabot ng pasasalamat sa lahat ng bumisita.

Ani Marie, "Thank you to everybody who expressed their sympathy with us sa pagkamatay ng mommy, si Mommy Jones, o Rosalinda Kelley. Thank you!"

Kabilang sa mga taga-showbiz na dumating sa Ascencion Columbary ng Arlington Memorial Chapels sa Araneta Avenue, Quezon City, sina Eugene Domingo, Diether Ocampo, Coco Martin, Sandy Andolong, Rita Avila, Laarni Enriquez at Daria Ramirez.

Namataan din sina Cherry Pie Picache and manager Ed Instrella, Gardo Versoza and girlfriend Ivy Vicencio, at ang True Faith band member na si Kenneth Ilagan.

Sabay-sabay namang dumating sina Nadia Montenegro, kasama ang sister na si Tanya, ang anak na si Ynna, at si Antonio Aquitania.

Nandoon din ang staff ng Sabel ng ABS-CBN-2.

Bukod kina Veronica, Jaclyn, at Marie, naulila ni Mommy Jones ang tatlo pa niyang anak na lalake—sina John Guck at half-siblings na sina Donovan and Jason Kelley.

Kabilang naman sa mga apo ang dalawang anak ni Jaclyn na sina Andi (dad is Mark Gil), 20, at Gwen Garimond, 9 (dad is Kenneth Ilagan); limang apo kay Veronica, sina Abby, Arriane, Angelica, Anna, at Boyito Jr.

May isang apo kay Marie, si Stacey; at tigalawang apo kina John, sina Honey and Kevin; Donovan, sina Austin at Chloe; at Jason, sina Thea and Guillah.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN