Rhian Ramos on Mo Twister: "Importante talaga siya sa akin."

IMAGE 0


Are they on or not? "Matagal ko na siyang mahal!" said actress Rhian Ramos about "suitor" Mo Twister. "Pero depende lang kasi kung ano 'yong tinatanong ninyo kasi... Siguro masasabi ko rin naman when I get there."


Matagal nang katanungan sa mundo ng showbiz ang tunay na estado ng relasyon nila Rhian Ramos at Mo Twister. Hindi kasi matigil-tigil ang mga intriga na nagsasabi na may namamagitan higit pa sa magkaibigan sa pagitan ng young actress at controversial television host.

Just recently ay lumabas ang balita na nakita diumano ang dalawa na very sweet sa isa't isa habang magkasamang namamasyal sa Eastwood City sa Libis, Quezon City.

Bagamat matagal nang iniuugnay sa isa't isa ay nito lamang inamin ni Mo na nanliligaw nga siya kay Rhian.

Sa isang panayam na lumabas dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) noong October 10 ay naikuwento ng dating Showbiz Central at ngayo'y Paparazzi mainstay na dinadalaw niya si Rhian sa set ng Ilumina at madalas ay dinadalhan pa niya ito ng pagkain. (CLICK HERE to read related article.)

Kagabi, November 11, sa thanksgiving party ng Ilumina na ginanap sa Celsius Gastrolounge sa Tomas Morato, Quezon City, ay personal ngang kinumpirma ni Rhian na nanliligaw sa kanya si Mo.

Dumalo ang ilang cast members at production staff ng Ilumina sa thanksgiving party na ipinatawag isang linggo bago ang pagtatapos ng nasabing telefantasya series.

Kabilang sa mga nakisaya kagabi ay sina Ara Mina, Aljur Abrenica, Jackie Rice, Rochelle Pangilinan, Pen Medina, at direktor na si Mark Reyes.

WAIT AND SEE. Pinanindigan ni Rhian na nasa courting stage pa lang sila ni Mo at hindi pa niya sinasagot ang binata. Panay kasi ang kantiyaw sa aktres ng entertainment press na baka naman palabas lang nila kunwari ang ligawan para lang mapagtakpan sa ngayon ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

"E, kung nalalaman ninyo nga kung ano 'yong mga kinakain ko, siguro malalaman n'yo din pag naging kami na, di ba?" hirit ni Rhian.

Bagamat nagpakipot si Rhian na ibunyag kung malaki ang tsansa ni Mo na masungkit ang kanyang pagtingin, hindi naman din itinanggi ng dalaga na "espesyal" sa kanya ang tagahanga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malaking bagay rin kasi siyempre na matagal ng matalik na magkaibigan ang dalawa at kilala na nila ang isa't isa bago pa man nahaluan ng romansa ang kanilang samahan.

"Masasabi ko rin naman when I get there... Important talaga siya sa akin," pag-amin ng dalaga.

"'Tsaka, ayun na nga, kahit naman ano 'yong marinig ko tungkol sa kanya, dedepensahan ko siya. And I recognized also na sa lahat ng nangyari sa akin, never naman niyang iniwan 'yong tabi ko."

Dagdag ni Rhian, "Alam ko namang trabaho niya rin ang mang-intriga, pero lagi naman niya akong dine-defend. Alam ko 'yong worth niya sa akin at importante siya sa akin."

Naniniwala ang mestisang aktres na walang magbabago sa kanilang pagkakaibigan kahit pa may ligawan na nangyayari. Kahit naman daw noon ay nararamdaman niya na pinuprotektahan siya ni Mo every time na may lumalabas na hindi magandang balita laban sa kanya.

"Ever since we've been friends and pag may nasabing masama tungkol sa kanya, dine-defend ko siya. At pag may nagsabi ng masama tungkol sa akin, dinedepensahan niya rin ako. So, siguro naman hanggang ngayon tuloy-tuloy pa rin 'yon," saad ni Rhian.

MISUNDERSTOOD. And speaking of defending Mo against negative criticisms, binanggit ni Rhian na "misunderstood" lang ng marami ang kanyang suitor dahil madalas ay wala itong preno kung magbitaw ng salita.

"Hindi ko naman siya magiging kaibigan kung talagang pangit ang ugali niya. Sasabihin ko, oo, minsan nakakagulat 'yong paraan niya kung paano siya magsalita at hindi talaga sanay ang mga Pinoy sa ganun.

"Pero ako, bilang British 'yong tatay ko at medyo ganun din magsalita, naiintindihan ko na parang humor lang niya 'yon. Alam mo 'yong pagka-passionate siya sa isang bagay, talagang 'yong paraan niya, hindi natin naiintindihan. Pero he means well, always naman.

"'Tsaka from what I know, kasi, di ba, parang minsan nasa-shock tayo sa mga sinasabi niya? Pero hindi pa naman siya nagsasabi ng isang bagay na hindi totoo. Minsan hindi lang ready ang mga tao na marinig 'yon, na kahit naman ako minsan hindi ready!" natatawang paliwanag ni Rhian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN