Ara Mina wants to pose for FHM again before retiring her sexy image; will launch line of beauty products this December

IMAGE 0


"Oo, in two years siguro dapat pa-settle down na siguro. Thirty-three or 34, basta huwag lalagpas ng 35. Parang feeling ko kasi, pag lumagpas ako ng 35, hindi na ako makakapag-asawa!" says Ara Mina, 31 years old.


Two years na ang relasyon ng aktres na si Ara Mina sa kanyang non-showbiz boyfriend, pero hindi pa nila napag-uusapan ang tungkol sa kasal.

Ito ang sinabi ni Ara nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa victory-party-farewell-presscon ng Ilumina last Thursday night, November 11, sa Celsius Bar sa Tomas Morato, Quezon City.

"Okay pa din, steady," sambit ng aktres.

"Dapat walang pressure kasi hindi mo naman masasabi, di ba? Kahit anytime kung gustong magpakasal, bukas na bukas puwede. Pero hindi pa namin napapag-usapan, e.

"Hindi, kasi siguro masyado kaming busy pareho. Kasi parehas kami ng parang goal sa buhay, na parang ang gusto muna namin, trabaho nang trabaho.

"Pero hindi naman ako siguro... Binibigyan ko rin naman ng deadline ang sarili ko."

ARA'S DEADLINE. Ayon kay Ara, sa edad na 33 pa niya balak mag-asawa. Thirty-one na ngayon ang nakatatandang kapatid ni Cristine Reyes.

"Oo, in two years siguro dapat pa-settle down na siguro. Thirty-three or 34, basta huwag lalagpas ng 35.

"Parang feeling ko kasi, pag lumagpas ako ng 35, hindi na ako makakapag-asawa!" natatawa niyang sabi.

Dagdag niya, para daw masubaybayan din niya nang husto ang paglaki ng mga magiging anak nila.

"Kasi ang mommy ko, 32 siya nung pinanganak ako. So, ang layo ng age gap namin ng mom ko... Ako yung panganay," tukoy pa ni Ara sa kanyang ina na si Frances Klenk.

Paano kung bago matapos ang taon o next year ay yayain na siyang magpakasal ng boyfriend niya?

"We'll see," sambit ni Ara na medyo nangangapa sa paghanap ng tamang salita. "Kasi, hindi ko maaano yung magiging reaction ko hangga't hindi ko naaano, e.

"Di ba, doon mo malalaman kung... Pag tinanong ka, doon mo malalaman kung ready ka na. Right on that moment. So, ngayon, parang okay pa ako."

Prangka niyang idinagdag, "Pero kung ako ang tatanungin, gusto ko, siya na yung maging partner in life ko. Kasi nakakapagod yung hahanap ka na naman ng... I mean, yung papalit-palit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung hindi mag-work out, tapos another guy na naman, another invest na naman ng time, di ba?

"I think nasa right age na ako para masabi talagang ito yung love na for lifetime na."

Kapag mag-asawa na sila, papayagan pa rin kaya siya ng future husband niya na mag-artista?

"Yeah, I think, oo," sagot ni Ara.

"Tinanong ko lang sa kanya kung papayagan niya akong mag-FHM ulit, sabi niya pag-iisapan daw niya!" natatawang kuwento rin ng sexy actress.

Hindi ba tutol ang boyfriend niya na mag-pose siya ulit for FHM?

"Hindi, hindi naman. Parang tinray ko lang itanong kasi baka possible ulit na ano...di ba? Kasi isang beses pa lang naman ako nag-FHM."

Ang boyfriend ni Ara ay isang Chinese-Filipino na kabilang sa isang mayaman at konserbatibong angkan na may investments sa media, shipping, at iba pang malalaking negosyo.

GOODBYE TO SEXY IMAGE. Iyon daw kasi ang hudyat na hihinto na si Ara sa pagpapaseksi.

"Sabi ko kasi, gusto ko ulit kunwari mag-FHM bago ako mag- retire totally sa pagpapaseksi."

So, kapag nag-pose na ulit si Ara sa isang bagong sexy pictorial, hudyat na iyon na hihinto na siya sa paghuhubad.

"Yeah, I think!" bulalas niya.

"At saka siguro basta isang bonggacious na project, o puwedeng coffeetable book, kung kakayanin ko ang ganung karaming pictorial."

Bakit ayaw na niyang magap-sexy?

"Kasi, siyempre, parang nasa ibang stage ka na. I mean, hayaan na natin sa mga baguhan 'yon.

"Lahat ng klase ng pagpapaseksi, nagawa ko na, di ba? Parang wala lang, parang hindi na maganda kung ano... Baka sabihin, trying hard pa ako," sabi niya.

BUSINESS VENTURE. Isa pang bago kay Ara bukod sa pag-ayaw na niya sa paghuhubad ay ang newest business venture niya na may kinalaman sa beauty products.

"Oo, kumbaga, gusto ko ring mag-business. In fact, may lalabas akong mga beauty products, 'yong Pure Glow by Ara's Secret," balita niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Matagal ko nang plano ito, e. Kaya lang, ngayon lang nagkaroon ng chance.

"Tapos, nagkausap kami ng pinsan ko, which is pinsan ko yung manufacturer ng products—soaps, facial cleanser, lotion, lightening lotion, body scrub, hair treats na anti-dandruff shampoo, conditioner, anti-hairfall at hair spa, lightening cream, tapos sun-block cream.

"Ilalabas ko yung mga products itong December siguro. Kasi plano ko ring magtayo ng kiosk sa mall. Magpe-present muna ako sa kanila [mall administration].

"Pero puwede nang um-order yung ibang friends ko, nagpe-pre-order na sila for Christmas."

Bakit beauty products, matapos niyang sumubok dati sa restaurant business?

"Kasi ang feeling ko, kung magtatayo ako ng business, yung related sa work ko. I mean, kasi nga mahilig akong magpaganda, magpaputi, alam mo yun? So, parang mas makaka-relate ako, e.

"Sa resto, hindi naman ako chef. Hindi naman ako nag-aral ng culinary, di ba? Hindi rin ako hands-on [noon] kasi sobrang busy."

So, hindi na siya muling papasok sa restaurant business?

"Hindi ko naman kino-close yung door ko," sagot ni Ara.

"Puwede, pero kung magre-resto ako, siguro yung linya ko, sa marketing ako. Kumbaga, may partner ako na talagang chef ang partner ko, puwedeng ganun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN